Hides' POV
Papunta akong court ng subdivision namin habang binabati ang mga nadadaanan ko.
"Hides, kilala mo na ba ang ka practice game natin?" Bungad sa akin ni Kuya Ken paglapit nya sa akin.
"Hindi pa kuya eh. Si Frank yung naka kilala sa kanila eh."
"Ah. Ganoon ba?" Pa tango tango nyang sabi himas himas ng daliri nya ang baba nya.
"Ah, sya nga pala kuya, pina patanong ni ate Roane kung bakit di mo sya ni rereplyan at di mo rin daw sinasagot ang mga tawag nya. At...pati na rin yung mga letters ni ate Lyza." Tanong ko habang nakatingin sa kanya ng seryoso. Ngumiti naman sya ng malungkot. Yung tipo ng nhiti na hindi umabot sa mata. Alam ko ang feelings nya kay ate Roane kasi sa akin siya humingi ng permiso na gustuhin nya ang kapatid ko. Pati kay Dad, humingi sya ng permiso. Bilib ako kay kuya Ken sa ginawa nya. Pero manhid yung kapatid ko. Reyna ng kamanhiran. Pero kunsabagay, di ko naman masisi si ate kasi mag bestfriends sila since gradeschool, so sa paningin ni ate, walang talo talo. At ang mas nag pa lala pa sa sitwasyon nila ay nsgka gusto ang girl bestfriend ni ate na si Lyza kay kuya Ken. Ngayon ay naging bridge na si ate. Haaaaaayy! Ang hirap ng sitwasyon nila.
"Dapat na ba akong mag move-on Hides?" Naka tungong tanong ni kuya Ken. "Dapat ko pa bang sabihin sa kanya kung gaano ko sya ka mahal? O dapat ko ng ituon sa iba ang pagmamahal nato?" Nakita kung nangislap ang mata ni kuya ng luha pero agad din naman syang napapa iling na ngumingiti. "Ang baduy ko! Tang*na!" Tumatawa nyang sabi sabay hampas sa balikat ko.
"Alam mo kuya, pwede mo naman ipag tapat sa kanya ung feelings mo. You're just afraid ma reject. Yan yung pumipigil sayo kuya. Piece of advice kuy, Ipag tapat mo nalang sa kanya ang totoo atleast nasabi mo sa kanya ang lahat at wala kang pag sisisihan sa huli." Pang aalo ko sa kanya. Sabay ngiti.
"Salamat Hides. Siguro tama ka. Ipag tatapat ko na sa kanya para mabawasan ang bigat sa dibdib ko." Nag fist bump kami pagkatpos pumunta na ng court. Na abutan namin si Frank na nag wa-warm up. Si Frank ang team capatain namin. Kahit mag ka edad kami, sobrabg galing nya sa basketball. Tinalo nya pa yung mas matanda pa sa amin. Nag fist bump kami bago ako nag palit para mag warm up.
Nsg simula na ang game namin. Lamang kami ng 10 points laban sa kabilang subdivision na syang kalaban namin. 4th quarter na ng aksidenteng napalakas ko ang pasa ng bola kay Frank. Alam ko na may natamaan ako ng bola pero di ko na muna pinansin kasi nakatingin siya. Si Joy. My long time crush. I guess di lang si kuya Ken ang torpe. Pati ako.
Napukaw ang pag mumuni ko sa pag rereklamo ng mga kalaban namin dahil di pa din dala ni Frank ang bola pabalik.
"San na ba yung bola? Bakit ang tagal makuha"
"Maganda na ang laban eh."
"Tss. La ba kayong extra ball dyan?"Nakita kong tatakbo sana si kuya Ken pero sinenyasan ko siya gamit ang dalaw kong daliri na ako na ang kukuha. Palapit pa lang ako ng may nakita akong naka yukong babae na hawak ang kanang braso nya.
'Shit! Babae ang natamaan ko! Lagot!' Bulong ko sa isip ko. Lalapitan ko sana sya ng makita ko sa malapitan yung mukha nya. Yung mukha nyang pa bago bago ng expressions. Nakangiti siya pero yung mata nya parang mangangain ng tao. Pero di ko ma itatanggi na maganda siya. Ang bilogang gray na mata. Matangos na ilong. Manipis, perpektong korte at mapula nyang labi, makinis na balat, at tuwid na buhok na parang model ng shampoo. Napakaganda nya. Pero may kakaiba sa kanya. Parang may tinatago sya. Parang ma--
"Aaam, hello? Masakit po yung right arm ko, pwede pong pasama ako sa bahay namin?" Naputol ang mga iniisip ko nung nag salita sya. Ang hinhin ng boses nya. Kaya pala naka tulala yung mga taong tumulong sa kanya. Parang anghel yung boses nya. Weird! Pero para akong nakaramdam ng kakaiba. Shit! Di dapat yan ang iniisip ko. May laban pa kami.
"Tsk! Edi iuwi nyo na yan! Sayang yung oras eh. Nagagalit na yung kalaban natin" out of frustration kong sabi. Ang tanga ko! Kahit na iinis ako dahil di ko matukoy kung ano ang kakaiba sa kanya dapat humingi ako ng sorry kasi ako pa rin yung may kasalan. Pero kasi kasalanan nya rin naman kasi pa kalat kalat sya! Nakakainis!
"Sorry for this commotion po" Nakayuko nyang sabi. Yun ang kinagulat ko. Kung ibang babae ito. Baka nag pa-cute na ito sa akin o di kaya kay Frank. Mag iinarte na itong parang nasaktan ng todo at mag papa-alaga pa. Mag tetake advantage ng sitwasyon. Pero siya humingi ng pa umanhin! Kakaiba talaga siya! Nakaka inis siya!
"Sige na. Umuwi ka na, wag kang pa hara hara sa daan para di ka masaktan" sabi ko pa rin kasi na iinis ako sa kakalmahan nya.
"Okay. I'll go ahead. Sorry again" nakayukong hingi nya ng pa umanhin. Nakokonsensya ako. Tiningnan lang ako ng masama ni Frank. Tsk. Type nya yung babae. Halata naman. Pero di ko na pinansin yung masamang tingin nya. Kinuha ko na ang bola at pumuntang court.
All through out the game sya ang naiisip ko. Nanalo kami with 6 points advantage. Kami pa ba? Haha. Habang nagliligpit kami ng gamit. Nilapitan ako ni Frank.
"Walangjo ka tol! Binastos mo yung future gerlprend ko!" Sabay suntok niya sa kaliwang braso ko.
Parang na-inis naman ako sa pag sabi niyang future girlfriend niya daw. "Anong binastos? Tanga lang talaga sya tol!" Natawang sabi ko para pagtakpan yung inis ko.
"Pero tol, siya na talaga eh! Siyang Siya na!" Pasigaw na sabi nya habang naka taas ang dalawang kamay nya! Tsk. Love at first sight? Tsss. Ka-cornihan ng isang to!
A/N: Nag uumpisa nang mag pakilala si Savarah!
BINABASA MO ANG
Ako, Siya at si Forever!
RomanceIsang babaeng puno ng kumpyansa sa sarili. Gustong gusto maging bida sa lahat ng bagay. Isang lalaking perpekto kung bibigyang deskripsyon ng iba. Gustong gusto maging simple sa lahat ng bagay. Nag krus ang landas. Naging maging kasintahan. Nag hiwa...