Hide's POV
Ako nga pala si Hideous Park. Tall, White and Handsome. Hindi ako mayabang nagsasabi lang ng totoo. Hindi rin ako defensive, nag sasaabi lang ng totoo. Bahala kayo kung ayaw nyong maniwala.
By the way bali balita yung bagong lipat sa subdivision namin, ayun sa panganay namin kaya lumipat kasi namatay yung tatay nila. Part daw ng moving on process ng pamilya nila. At magkasing edad pa d---..Tekaaaaa! Bakit pati ako na hawa sa pagiging tsismosa ng kapatid ko?! Hay nako! Hindi ako interesado kahit presidente pa ng pilipinas ang lumipat jan! Basta walang paki alamanan.
"Hides, pinapatawag ka ni dad" tawag sa akin ni ate Yan.
"Sige po, palabas na" sagot ko naman.
Pababa ako ng hagdan ng makita ko ang mga kapatid ko kasama ang mga magulang namin. Apat kaming magkakapatid.
My elder sister is Arianne Park, 28 years old- an advertising manager. My second sibling is Mybelle Park, 25 years old- a chef. My third sister is Roane Park, 20 years old - IT Supervisor. Me of course, kilala nyo na ako kanina pa. 16 years old, 1st year college.
My Mom is Nenita Park, she's a nurse in Amerika. My Dad is Roberto Park, half filipino half korean and he is an engineer. So bale, may dugo kaming koreano. High five kay pareng Ryan Bang! Hehe.
Simple lang ang buhay namin. Wala kaming company na may ipag mamalaki para matawag na mayaman. Pero kuntento na kmi sa buhay namin. Pinalaki kami ng mga magulang namin na kung ano lang ang meron, makontento na lang. Kaya mahal na mahal ko ang pamilyang to eh.
Sa hinaba haba ng nilakbay ng utak ko hindi ko pala napansin na tinatawag na ako ni ate May.
"Earth to Hides!"
"Ate naman! Alam mo naman na masakit sa teynga yang bunganga mo, direct to my ears pa talaga?!"
"Awsuus! Gusto mo kantahan pa kita? All ajzndhsbsjsnbaujkei-- " ate May.
Bago pa matapos si ate tinakpan ko na ng kamay ko ang bibig nya. Pero mas tuso sya kasi nilawayan nya ang kamay ko bago tumakbo papunta kay Dad. Watdaa!!
"Ate Maaaaaaaaaayyyyy!" Sigaw ko sabay takbo kina dad. Dahil di katangkaran si ate May, madali sya nakapagtago sa likod ni Dad. Pilit ko inaabot si Ate May pero hinaharangan ni Dad habang nagingisi! F-ck!
"OH sya! Enough! May say sorry to Hides" Sabi ni Dad.
"But Dad, he insults me first" apila ni ate May. Ayaw talaga patalo ang babaeng to.
"No buts!" Saway ni Dad pero nangingisi.
"Sorry bunso! Pero di pangit ang BOSES ko no! Hmmmp!" Nka irap sabay walk out nyang sabi.
"Hahahahahahaa. Kahit anung gawin mo PANGIT ANG BOSES mo ate!" Pag didiin ko ng pangit ang boses nya. Epic yung mukha nya eh. Hahahha.
"Hides..." tawag ni dad sa akin.
"Aaammm, bakit nyo ako gustong maka usap dad?" Sabi ko.
"Lets talk about the course you want to pursue. Your mom wants you to take up business management. Pero sabi ko, tanungin ka muna kung ano ang gusto mo" dad.
Ganito ang gusto ko kina mom and dad. They know whats best for you pero di nila nalilimutan kung ano ang gusto namin.
"Actually dad, di ko pa alam kung anong course ang gusto ko pero i consider business management, sooo sige po. Yun na lang po."
"Okay sige! I'll inform your mom about this." Masayang sabi ni dad.
"I'll go ahead dad! Basketball muna ako!" Sabi ko kay dad sabay takbo sa kwarto at nag bihis.
Palabas na ako ng tinawag ako ni ate Roane.
"Hides, kindly ask Ken kung natanggap nya yung letter ni Lyza. Di kasi nag rereply sa text even sa call. Please! Thanks bunso!"
"Hay nako ate! Ang manhid mo! Sige sabihin ko. Tsk!"
Di ba napapansin ni ate kaya di pinpansin ni kuya Ken yung mga letters ni Lyza kasi may ibang gusto si kuya Ken. Bakit ang daming manhid?! Haix! Sakit sa ulo. Hayaan na lang!
A/N: Happy tuesday!
BINABASA MO ANG
Ako, Siya at si Forever!
RomanceIsang babaeng puno ng kumpyansa sa sarili. Gustong gusto maging bida sa lahat ng bagay. Isang lalaking perpekto kung bibigyang deskripsyon ng iba. Gustong gusto maging simple sa lahat ng bagay. Nag krus ang landas. Naging maging kasintahan. Nag hiwa...