HABML: 1

30 1 0
                                    

Gabriella's Pov:

Hi. Ako pala yung iniwan mo dati, yung tangang umiibig sayo pero ginago mo lang. Choss~ hugot agad di ako bitter ha, medyo bitter lang.

Okiee~ ako pala si Gabriella Nadine Fernandes isang babaeng may mukha, may bibig, may buhok, may mata, may katawan syempre, pero bat ganun ano pa bang kulang saakin at iniwan ako- Grade 10 na estudyante sa paaralan ng Ateneo-este sa Barangay San Diego 8.5 street. I'm just an ordinary girl and always bringing my dreams by my side. Hindi nga ako mayaman, iniwan na ng magulang dahil sa nahihirapan sila, hindi gaanong maganda, at higit sa lahat walang nag aalala saakin.

Mahirap mag-isa lalong lalo na gipit na gipit ka na at alam mong ikaw lang mag-isa. Hindi ko na alam kung san na yung mga magulang ko ngayon, sumuko na nga ako sa pag-hahanap sa kanila di ko talaga sila mahanap o baka naman ayaw nila mag pakita.

Pero ok lang din yun, anong paki ko sa kanila kung wala naman silang paki saakin 😠 (galit siya bibeh)

" GAB GUSTO MO BANG MATANGGAL SA TRABAHO MO NGAYUN? BAT KA NAKATUNGANGA JAN? " May biglang sumigaw kaya napatayo ako. Nakita kong nag lilisik yung mata ni madam lusyang-este Madam Lusan.

" Nakatunganga? Pasensyahan mo na, ini-isip ko lang yung panahon na kasama pa kita~ O_O Ayt- nag papahinga lang po~ May mga bagong dating na po bang sasakyan? " tanong ko

" Tama na nga yung ka hu-hugot mo dyan magtrabaho ka nga- "

"HUGOT? Minsan pinapatamaan mo lang yung isang tao, minsan naman mas natatamaan ka. Hehe Wala pa naman pung sasakyan eh, pwede naman sigurong mag pahinga diba? " sabi ko kay madam at niyakap ko yung braso niya with 'matching pretty eyes'

" WAG MO KONG YAKAPIN- SHIT ANG LAGKIT MO " pasigaw na sabi ni madam at bigla akong tinulak kaya natumba ako.

'Ayt~ ang sakit ng pwet ko ha. Haist!! itong lusyang nato makakatikim karin sakin mamaya' pagbabatan ko sa isipan ko sabay tingin sakanya ng masama kaso umiwas rin ako nung tumingin na si lusyang.

*Peep peep*

" Oh ayan meron ng sasakyan , kaya tumayo ka na jan at gawin mo na ang trabaho mo at sa susunod na makikita kitang naka tunganga parin matatangal ka na rito. Understand? " pag babanta ni madam kaya tumango nalang ako.

*gulp* 'mamaya maki kita mo ang pag hihiganti ni the great Gabriellaaaaaaa~' isip ko

Pumunta nako sa harapan ng bagong dating na sasakyan.

" WELCOME SIR SA CAR WASH-WASHER TAKE IT OR LIVE IT~ "

-_____- yan ang mukha ko pag katapos ng sinabi ko yun.

Ayt oo nga pala I'm a car washer girl, diba my carrot man? ako naman car washer. Yan lang kasi yung tumanggap saakin eh, so ibig sabihin nun, ay I'm a working student kaya ayun walang tumatanggap saakin.

May mga ka-trabaho naman ako kaso umalis na dahil nga sa madam lusyang na yan umalis sila, ngayon dalawa nalang kami dito at yun pa talagang di ko close.

Back to reality nga *-* nakaka BV

Pumunta nako sa may ari ng kotsye na di pa lumalabas.

*Tok tok tok*

" Sir, all in one p-po ba, sir? " tanong ko sabay ngiti ng ngiti. Yung isa ko namang kasama ayun nililinisan yung mga pinag gamitan namin.

Pero teka bat di pa to lumalabas?

" Sir, pwede na po kayung lumabas? " sabi ko at ilalapit ko sana yung mukha ko sa bintana ng sasakyan pero- Ughh

" Dont you dare!! Na I lapit mo yung mukha mo sa bintana ng sasakyan ko " Galit na tumingin yung lalaki saakin.

Hindi Ako Bitter... Medyo Lang Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon