Chapter 29

3K 101 15
                                    


Maghihintay parin

Makalipas ang isang buwan nagpatuloy padin si Jeron sa pagpapanggap na jowa si Alyssa. Ganon padin walang nangyare sa alaala ni Alyssa para kay Kiefer.

Laging lumalabas si Alyssa at Jeron. Sa tingin nila ay nakakatulong kay Alyssa to. Pero yung alaala para kay Kiefer ay parang tuluyan na ngang nawala sa eksena.

"Ano ba Kiefer! Have fun!" Sigaw ni Apacible kay Kiefer na nasa lounge lang at nanonood sa kga kaibigan niyang nag-paparty sa dance floor.

Gawain niya ito noon pero siyempre. Iba na ngayon.

Ngumiti lang si Kiefer. Masaya na siya dito, nagiinom. Pinapanood ang mga taong nagpapakasaya sa club nato. Panigurado naman kasi siya na kahit magpaka-saya siya sa party na ito mamaya lang din malulungkot na yan. Yun ang paniniwala ni Kiefer.

Kasi naniniwala siyang may mga bagay na panandalian ka lang pasasayahin pero kapalit nito ang labis na sakit.

"Grabe yung babae dun pards!" Narinig niya si Terrence na tumatakbo na umupo sa tabi niya.

Tinignan ni Kiefer ang tumatawang si Terrence. "Bakit anong nangyare?" Tanong nito.

Tinuro ni Terrence ang mga nag sasayaw don na si Von at Laura. "Walang hiya yung babae don. Ayain ba naman si Von na sumayaw?" Tumawa siya ng malakas. "Parang tanga, hindi niya ba alam na kasayaw ni Von yung girlfriend niya." Sabi pa nito at umi-iling iling.

Tumawa nang bahagya si Kiefer. "Oh eh bakit ikaw yung tumatakbo?" Kiefer asked.

Terrence laughed. "Eh andon kasi si Vice eh." He sighed.

Kumunot ang noo ni Kiefer, "Vice Ganda?" Tumango lang si Terrence. Natawa na ng tuluyan si Kiefer. Alam niya ang tunay na nangyare kay Terrence at kay Vice Ganda. Nakakaawa man para sa kaibigan niyang si Vice, alam ni Kiefer na napilitan lang si Terrence na makipag relasyon non kay Vice.

"Oo. Langya. Baka ma-issue nanaman kami." Sabi ni Terrence habang umiiling pa. "Mahirap kayang maissue."

Tumango si Kiefer. "Kung magka issue ka, dapat di ka natatakot kasi alam mong wala kang ginawang masama." Natahimik si Kiefer sa mga sariling salita niya.

Ngumisi si Terrence. "Speaking for yourself?" Hindi nakasagot si Kiefer. "Alam mo, dapat hindi kadin natakot. Oo alam ko you're brave enough, bilib nga ako sayo eh. Masyado kang matapang para tanggapin yung nangyare kay Alyssa."

"Hindi naman lahat ng matatapang ay wala ng kinakatakutan." Kiefer said.

Terrence is just looking at him, and the phenom was getting emotional..again. "Ako takot ang mamatay, takot akong mawalan ng minamahal, takot akong mawala ang taong mahal ko. Pero alam mo mas kinakatakutan ko? Yung pati alaaala ng taong mahal ko nawala din."

Umupo nang maayos si Terrence at hinawi niya ang mahaba niyang buhok. "Look," tumingin siya ng masinsinan kay Kiefer. "Sabihin na natin na nagkaron siya ng selective amnesia. Nakalimutan ka niya, pero pwedeng pwede ka naman gumawa ng bagong alaaala kasama siya ah?" Suggest ni Terrence.

Tama si Terrence kung tutuusin. Pero inisip niya kung bigla niya aagawin si Alyssa kay Jeron mapapasama nanaman siya kay Alyssa. "I was thinking about that, pero di ko nagawa kasi sabi nila pag nakikita ako ni Ly sumasakit ulo niya. Kahit na ngayon, maayos na its complicated."

Kumunot ang noo ni Terrence at humalikpkip. "Mahal mo talaga no?" Terrence asked.

Ngumiti ng malungkot si Kiefer. Tinignan niya ang mga babaeng dumadaan sa harapan niya. "Kahit yan, isang libong ganyan pa ibalandra mo sakin. Si Alyssa at si Alyssa lang ang nilalaman nito."

Secret Love SongWhere stories live. Discover now