Chapter 22

3.1K 101 21
                                    

Revelation

"Gising na si Alyssa!" Sigaw ni Kiefer at sinubukan ulit na pumasok. Pero hinarangan siya ng mga gwardya.

"Sir, mahigpit po na pinagbabawal ng mga kaibigan ni Ms Alyssa na bawal po kayong pumasok." Sabi ng head security.

Napailing si Kiefer, bakit bawal? Ang gusto lang naman niya ay makamusta si Alyssa. Gusto lang naman niya humingi ng tawad sa taong pinakamamahal niya pero bakit hindi nila maintindihan na nagsisisi naman na siya? Mahirap ba intindihin yun?

Tinignan niya yung mga gwardya "Kailangan ko siyang makausap..parang mga awa niyo na." Sinubukan padin niyang pasukin ang tatlong mga gwardya pero hindi siya nakalusot.

Naamoy siya ng isang gwardya, "Sir nakainom po kayo, at nanggugulo po kayo kaya hindi po kayo lalo pwedeng pumasok."

Napangiwi si Kiefer. Namumuo nanaman ang galit sa sistema niya, "Ako pa ang nanggugulo?! Yang gagong Jeron na yan ang nanggulo sa buhay namin ni Alyssa! Hindi ako!" Sigaw nito.

Inupo nalang ng mga gwardya si Kiefer sa isang upuan doon, "Sir tatawag kami ng nurse. Nagdudugo po ang kamay niyo," sabi nito.

Hindi sumagot si Kiefer at nakatungo lang. Naiinis siya kasi kung hindi naman dahil sakanya hindi masasagasaan si Alyssa. Matagal niyang hinintay to, matagal na niyang plinano na mabawi si Alyssa. Pero bakit kailangan pang masira ang plano niya?

Nakita niya na dumating ang doctor ni Alyssa at tumayo siya para sana kausapin ito. Siguro maiintindihan siya ng doctor nito. "Doc.."

"Kiefer Ravena?" Gulat na tanong ng Doctor. "I don't know if you're aware that you're not allowed here. Sobrang fan mo ang anak ko, at gusto kitang pag bigyan pero ang utos nila ay bawal ka sa loob makakasama sa pasyente." Pati Doctor hindi siya hinayaang mag-explain.

Naiwaj siya dong labsak. Pumasok ang doctor at nakita niyang nag-kukumpulan sila doon. Pero nang makita nila ang doctor ay nagbigay sila daan para dito. Una agad chineck ang vital signs ni Alyssa. Chineck niya ang heartbeat ni Alyssa noon sa ngayon. Mas nagiging critical ang heartbeat. Tinanong ng Doctor kung anong nangyare sinabi nila ang buong pangyayare. At sinabi din nila ang eksaktong sinabi ni Alyssa na 'ayoko na'

Tinignan ng Doctor ang mga kasamahan ni Alyssa. "Where are the family?" Paghahanap niya sa kapamilya ni Alyssa.

"Kakauwi lang po." Sabi ni Therese.

Tumango ang Doctor. "Okay, how do i start this? As soon as her parents drop by again can you please tell them I'll be needing to talk them."

Pinahid ang luha na nasa mukha niya, "Doc, she's conscious na po kanina ah." Dennise tried to convince the Doctor. Dahil mukhang yang paguusap sa Pamilya ni Alyssa ay malala. Kasi kung hindi naman to importante malamang sinabi na ito sakanila

"Ms Lazaro, you know what happens in the person who became conscious in the span of 3-5 seconds. Kita mo ding pagbabago at pagbagal ng heartbeat niya hindi ba? And this is not good." Direktang sabi ng Doctor.

Napailing si Bea, nadidismaya. "I don't get it panong hindi maganda? Isn't a good sign na nag salita siya kanina?"

Tumango ang Doctor at huminga nang malalim, alam niyang hindi madali ipaintindi ito dahil kahit siya medyo naguguluhan pa sa naging pandaliang pag-gising ni Alyssa. "As of now we'll have some test about that, and about sa sinabi niya, the word Ayoko na is practically and obviously she is in a emotional situation before she got in accident. Oo good sign kung nagising siya at hindi iyon ang sinabi niya. Pero dahil kahit coma siya nagdadala padin siya ng sama ng loob kaya siguro naapektuhan ang heartbeat niya at bumabagal. This is unusual, siya lang yung patient na nagsusuffer sa emotionally problems even if she's in coma. At yun nga hindi maganda iyon." Sabi ng Doctor.

Secret Love SongWhere stories live. Discover now