Chapter 2

1 1 0
                                    

Jamaica P.O.V

"Jennny, tara dito dali!" Sigaw ni ko kay Jenny.

"Ate ayaw ko po, natatakot ako eh. Dito nalang po ako mababaw lang po kasi dito." Sabi ni Jenny

"Sige, Jenny ah. Dito lang si Ate ah. Wag kang lalayo." Sabi ko. Nakinig naman siya at umupo sa may hagdan ng pool.

Pumunta ako sa mga kaibigan ko dun sa may bandang malalim na. Hindi naman ako marunong lumangoy eh, chinachallenge ko lang yubg sarili ko.

Lumingon banda sa kinalalagyan ng kapatid ko na si Jenny at nagulat ako ng wala na siya doon. Bigla akong kinabahan, ng makita ko yung kamay niya na sumesenyas ng tulong. Sigurado akong siya yun dahil sa bracelet na binigay ko sa kanya.

"Tulong! Yung kapatid ko nalulunod! Iligtas niyo po siya!" Sabi ko at medyo hindi ko na mabalance ang sarili ko kaya natumba ako.

Nalulunod na rin ako ngayon, tinataas ko yung kamay ko.. na tulong may agad namang lumapit sa akin kaya nakarecover agad ako. Nakita ko si Jenny na nakahiga sa side ng pool na walang malay.

"Jenny, *sobs* gumising ka, huhu Jenny!" Sigaw ko habang umiiyak. Center of attraction na kami ngayon.

"Kuya  iligtas niyo po yung kapatid ko.. *sobs* " sabi ko sa life guard.

Iyak lang ako ng iyak kasi ayaw pa rin gumising ni Jenny.. kasalanan ko to, kung hindi ko sana siya iniwan hindi sana siya malulunod.

"Sorry, iha pero wala na siya, wala na rin akong naririning na pintig ng pulso niya kaya sorry iha.." sabi nung life guard.

"Kuya.. *sobs* si Jenny.. *sobs* wala na? *sobs*" Tanong ko. Ayaw kong maniwala sa kanya, kaya tumakbo ako papunta sa cottage at tinawag si Kuya Joshua.

"Oh, Aica.. Bakit ka umiiyak? Asan si Jenny?" Tanong ni Kuya sa akin.

"Kuya... si J-jenny.. w-wala na.." I said between my breathe.

"Asan siya Aica?!" Natatarantang sigaw ni Kuya.

Tumakbo naman ako pabalik sa kinaroroonan ni Jenny sa may side pool. Napatigil sandali si Kuya tsaka takbo papunta kay Jenny, dalawa na kaming umiiyak kay Jenny ngayon.

"K-akuya, sorry.. K-kasalanan ko po.. k-kung hindi ko sana siya iniwan.. h-hindi sana siya magkakaganyan.. *sobs*" sabi ko kay kuya habang himahagulgol.

"Shh.. Aica wag mo sisihin ang sarili mo, wala kang kasalanan.. tara dalhin na natin si Jenny sa cottage." Sabi ni Kuya. Sumunod naman ako.

Medyo hindi naron ako makahinga kasi hanggang ngayon umiiyak pa rin ako, iyak lang ako ng iyak hanggang sa medyo dumidilim na yung mga nakikita ako at.....

BLACKOUT

*******

"WAAAH!! Huhuhu.. *sobs* Jenny sorry.. hindi ko sinsadyang mangyari yun.. Jenny.. mahal ka ni Ate Aica.. huhuhu" sabi ko.

Nagulat ako ng biglang bumukas yung punto ng kwarto ko.. at iniluwa nito si Kuya Joshua.

"Aica, bakit? Anong problema? Bakit ka sumigaw?" Tarantang tanong ni Kuya 

"Kuya.. *sobs* n-napanaginipan ko nanaman si *sobs* Jenny." Umiyak na sabi ko kay kuya.

"Shh. Tahan na Aica, ayan ka nanaman eh.. sinisisi mo nanaman sarili mo eh, hindi mo naman kasalanan yung pagkawala ni Jenny eh." Sa sinabi ni kuya lalo akong napaiyak at niyakap niya naman ako.

Simula ng namatay si Jenny, lagi nang cold sa akin si Mama si Kuya nalang tsaka si Daddy ang karamay ko.. minsan nga nakita ako ni Kuya na maglalaslas pero pingilan niya ako.

"Kuya, galit k-kaya sa akin si Jenny kasi iniwan ko siya kaya siya nagpapakita sa panaginip ko?" Hinihingal na tanong ko.

"Shh.. tahan na, past is past, okey? Tahan na wag mo nang isipin yan. Siguro kaya siya nagpakita sa panaginip mo kasi hindi ka dumalaw sa puntod niya, birthday kaya niya ngayon." Sa sinabi ni kuya bigla akong napatigil sa pagiyak ko.

"Kuya, samahan mo ako sa sementeryo. Dadalawin ko lang si Jenn."

Tumango naman siya. Lumabas na siya ng kwarto ko. Ang haba pala masyado ng tulog ko. 4:26 PM na pala. 11:30 ako nakatulog kanina eh.

Nagbihis na ako, nag Jeans lang ako tsaka white plain T-shirt..

Lumabas na ako ng kwarto ko at tinawag si Kuya tsaka umalis na kami, syempre nagpaalam kami Kay Mama.

Joshua P.O.V

Nahihirapan ako kapag nakikita kong nahihirapan yung kapatid ko. 4 years ago ng mawala si Jenny sa buhay namin. 4 years naring nagtitiis si Aica sa pagiging cold ni Mama sa kanya. Ano ba yan! 1st POV ko palang drama na agad.

BTW Im Joshua DeLa Cruz, 19 years old. Bali 15 ako nung mawala si Jenn. At 13years old naman si Aica nun, at 9 naman si Jenn.

Nandito na kami sa puntod ni Jenn. Kinakausap siya ni Aica ngayon na umiiyak. Tss. Hinayaan ko nalang muna siya, binigyan ko muna siya ng oras para makausap si Jenn, not literally.

"Jenn, siguro kung buhay ka pa lagi tayong magkasama. Magkasama sa kwarto sa lahat ng bagay. Alam mo ba ikaw ang pinaka the best sister sa buong mundo? Mas gusto pa nga kita kesa kay Kuya eh." Sabi niya.

"Jenn. Alam mo ba yang ate mo, may nangliligaw na sa kanya. Tapos ang panget kala mo sinubsob sa inidoro yung pagmumukha." Sabi ko saka tawa. Inirapan naman niya ako

"Jenn, kung buhay ka lang sana siguro papayat ako kasi lagi kitang kasama sa pag-jojogging. Hehe, gusto ko kasing pumayat eh." Sabi ni Aica

Hindi naman siya mataba eh. Imbento lang niya yan, ang payat na nga niya tapos sinasabi niya na ang taba daw niya. Psshh.

"Aica hindi pa ba tayo uuwe? Pagabi na kaya." Sabi ko sa kanya.

"Mamaya na kuya, kakarating nga lang natin eh." Siya

Anong kakarating eh, kanina pa nga kami dito. Duh~

"Bahala ka dyan, kung ayaw mong umuwe ako uuwe. Tsaka isa pa tayo nalang kaya tao dito."

"Correction Kuya, Ako lang mag-isa tao dito noh. Alien ka kaya. Diba Jenn?" Siya. Tss, nababaliw na nga talaga siya.

"Bahala ka nga--"

"Oo na Kuya, uuwe na nga eh. Toh naman. Jenn uwe na kami ah.. next time nalang kami ulit dadalaw sayo. Happy birtjday ulit lil sis. Love you Muahhh." Siya saka halik sa puntod ni Jenn.

Pagkatapos nun umuwe na kami. What a tiring day~ inaantok na ako.

ZzZzZzZz

 Bad Girl Meets Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon