Time has come ang dami ng nangyari sa buhay ko, mga obstacles na minsan muntik na nila akong mapatumba pero kahit na ganyan ang buhay, parang may tumutulak sakin na tuloy parin ang laban.
—past
Ako nga pala si Ren isa akong grade 8 student dati at madalas nun akong mabully sa classroom namin. Nadepressed nun ako, kaya minsan hindi ko nalang sila kinikibo. Alam mo ba yung pag kakamali ko nun? Nadepressed ako kasi hindi ko matanggap yung mga inaasar nila sakin. Kapag pala di mo matanggap sa sarili mo kung sino ka mahihirapan kalang pero kapag tinanggap mo sa sarili mo kung ano ka at kung ano tingin nila sayo di ka na mahihirapan at hindi muna mamamalayan na di kana nasasaktan. Ang dami narin nangyari sakin na puro ako busted sa mga babae. Kaya simula nung time na yon sinabi ko sa sarili ko na aral na muna bago ako landi haha😢People can come and leave you pero kay Jesus Christ never ka nyan sasaktan at mamahalin kapa nyan ng lubos. Kahit na ang dami mo nang kasalanan na nagawa. Kahit na minsan ay madalas pala nakakalimutan mo siyang kausapin. Hinding hindi ka nyan iiwan. Promise✋ Mamatay man ako😃 Kaya kung feeling mo ang lonely mo sa mundong to nagkakamali ka! Kasi hinihintay kalang niya na kausapin mo siya e.
Natuto na ako sa lahat kaya kapag naiinip ako ayoko ng walang ginagawa gusto ko may ginagawa ako kahit saan man yan. Minsan kasi nahihirapan na akong matulog kaya yon pinapagod ko sarili ko para agad akong makatulog.
—present
Rendy Drew Santos Garcia nga pala fullname ko. No Girlfriend Since Birth🙄👌Pero marami akong crush😂😍 Sinusubukan ko naman manligaw e pero wala busted talaga😢 ngayon mag gragrade 11 na ako this school year. Yung mga libro ko nung grade 10 naiwan ko sa classroom tapos yung principal di ko alam kung paniniwalaan ko na kasi nasa kanya yung susi ilang beses na akong bumalik sa school pero nakakalimutan daw niya susi🙄 Sayang yon kasi ang daming bumibili sakin na libro e😢Paano ko nga ba maidedescribe sarili ko?
Hmm.
Baboy daw ako🐷 oo MATABA
Nerd🙄
Baduy daw magsuot ng damit😩😂
Tsaka di ako kagwapuhan na baboy.3 years ko ng crush si Max di ko alam kung ano nagustohan ko sakanyan kasi medyo bad girl siya e, pero nakikita ko sakanya na may good side naman siya. Chinachat ko nun siya lagi sa fb lagi nun niya akong sineseen tapos isang araw umamin ako sakanya na crush ko siya ayon seen din. Nung time na yon alam ko wala siyang boyfriend pero nung last chat ko sakanya yung boyfriend niya daw yung kachat ko. Nabigla nga nun ako e kasi yung daw boyfriend niya alam kong may girlfriend pero chinat ko yung girlfriend tapos tinanong ko kung sila pa sabi niya wala na daw. Ayon! Nanahimik nalang ako.
2 days nalang malapit na pasukan.
Tapos na kaming maghanda ng kapatid ko sa mga gamit. Hinihintay nalang namin pasukan. Excited na kami kasi baka may bagong kaming kaklasi tsaka bagong teacher. GAS (General Academics Strand) nga pala kinuha kong strand para sa k-12 kaya siguro teacher nalang kukunin ko tapos ng k-12.-
Ano nga ba tong kwentong to😂
Basta abangan niyo at wag kayong maiinip kasi may mangyayari kay Ren na hindi niyo ina-asahan.
BINABASA MO ANG
Just You
RomanceWhat if Ren meets someone who will change him. Someone who can make him realizes that in order for him to be happy is to be himself. Can he fall inlove with this girl? Rhea is a very popular girl on their school. A girl that had a bad side but real...