XIX

13.2K 52 1
                                    

Pagkababa ko ng condo ay nagpara agad ako ng taxi at nagpahatid sa bahay nila mommy.


Pagkarating na pagkarating palang sa bahay ay pinagbuksan na ako ng gwardya namin at tumakbo ako sa loob.

"MOM? DAD? IM HOOOMMMEE" sigaw ko. Natanaw ko si mommy na excited na excited bumaba ng hagdan kasama si daddy. Sinalubong ko sila ng yakap at pinaghahalikan sa pisngi.

"Hi mom, dad. Kamusta po? Mukang stress na stress kayo ah haggard muka nyo e" pabiro kong sabi rito ngunit nakitang naging seryoso ang muka nila.

"We need to talk to you nak" sabi ni daddy. Mukang may problema sa company namin. Pagserious kasi si dad ay about yun sa business.

Dumiretso kami sa mini office ni dad at umupo ako sa sofa katapat sila. Namayani ang katahimikan sa aming tatlo. Maya maya lamang ay nagsalita si daddy.

"Anak. Our shares in the company is about 40% nalang. May nagmanipulate sa isa sa mga investors natin. Hindi ko alam kung anong nangyari at naging mababa ang shares natin sa sarili nating kumpanya. Hindi ko pa rin alam kung sino ang naghahandle ng 40% na shares since sila Mr. Castro and Ms. Reyes ay parehas 10% lang. Pero as of now ay iniimbestigahan na ng board kung sino ang 40% investor na yun. Mukang binenta nila Mr. Yu and Ms. Susan ang shares nila kaya umabot sa 40% ang hinahandle ng kung sino man yun" seryosong sabi ni dad. Hindi ko alam kung bakit nagkaganun. Laging minomonitor nila dad ang mga pangyayari sa company kaya imposibleng hindi nila malaman ito. May traitor kaya sa company namin?

"Mukang may traitor sa company dad. Lagi nyong minomonitor ang company kaya imposibleng hindi makarating sa inyo to?" tanong ko sa kanila. Mas lalong sumeryoso ang muka ni dad. Si mom ay nakahawak lang sa kamay ni dad at nakikinig lang.

"About the traitor? Naisip na din yan namin ng mommy mo kaya nagcoconduct din ako ng sarili kong investigation. Ayoko ng inaahas ako sa sarili kong kumpanya" galit na sabi ni daddy.

"May suspect na po ba kayo dad?"

"As of now meron pero hindi pa ako sure. Kailangan ko pa ng mas maraming ebidensya"

"Eh sino ba dad?"

"Hindi mo pa kailangan malaman sa ngayon iha. Pinapunta ka namin rito para makita dahil namimiss ka na namin. Naisingit ko lang ang bagay na ito para alam mo ang nangyayari sa company natin. Someday ikaw na rin ang maghahandle ng company natin" ngiti sa akin ni dad.

Dun na rin ako naglunch sa bahay nila dad. Nagkwentuhan lang kami maghapon at pinakita ang sandamakmak na paper bags na puno ng mga bags, shoes, accessories, clothes. Haaays ang mommy ko talaga.

Ng mga bandang 4pm ay nagpasya na akong umuwi dahil baka naiinip na si Jake my babe hihihi. Dala ko ngayon ang iilan lang na paper bags at yung iba ay iniwan ko na sa bahay namin. Masyadong marami kaya hindi ko naman kaya dalhin lahat yun.

Nagpaalam na ako kila mom and dad at saka sumakay ng taxi papuntang condo.

Pagkarating ko ng condo ni Jake ay naalala kong may susi pala ako. Binigyan nya kasi ako ng spare key para naman hindi ako mahirapan magdoorbell daw if incase na tulog sya.

Ng nakuha ko na ang susi ay dahan dahan kong binuksan ang pinto. Gusto ko lang syang gulatin. Hihihi. Pero ako ang nagulat sa mga narinig ko.

"Ok baby. Pupunta ako dyan pag natapos na yung ginagawa ko. Sumusunod ako sa usapan. Ok. I love you" mga salitang binitawan nya sa kausap nya sa telepeno. Mga salitang dumurog sa puso ko ngayon. Nakatalikod sya sa akin kaya hindi nya ako nakikita.

Dahan dahan ulit akong lumabas ng pinto at saka ko ibinuhos ang mga luha ko. Impit na hagulgol ang maririnig mo sa akin. Ang sakit. All this time hindi parin pala ako. Hindi naman ako umaasa na sana mahal nya na ako pero mas masakit pa rin pala marinig sa kanya mismo na may mahal na syang iba. Tang ina. Ganito ba ako kagago at nakikipaglaro pa rin ako? Tang ina. Tang ina talaga. Ang sakit. Ang sakit sakit lang.

Oo nga pala. Bestfriend lang ako. Ano bang laban ko kung nung una palang alam ko na sa sarili ko na hindi nya ako kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko sa kanya ngayon?

Pinunasan ko ang mga luha ko at saka inayos ang sarili ko. Onting panahon nalang naman at matatapos na ang lahat ng to. Kailangan ko nalang sulitin ang mga pagkakataong kasama ko sya para makamove on na ako.

Humarap ako sa may pintuan at saka kinalma ang aking sarili. Kailangan ko magpakatatag. Nagdoorbell ako para hindi nya mahalata na kanina pa ako nandito.

Bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang babe ko na nakangiti. Niyakap ako nito ng mahigpit. Naiiyak na naman ako. Pero hindi pwede magtataka lang sya. Pilit kong pinipigilan ang mga luha ko.

"Bihis ka na babe. Alis na tayo" saka nito ako hinalikan sa noo.

"I love you" sabi ko habang diretsong nakatingin sa mga mata nya.

"I love you too babe" sagot nya at saka ako hinalikan sa noo. Yan, yan ang sagot na nais ko na marinig sa kanya pero wala e may mahal na syang iba. Pagpapanggap lang ang lahat.

Pumasok na kami at dumiretso ako sa kwarto ko. Ayan na naman ang mga luha ko. Nagsisibagsakan na naman. Ang sakit sakit sakit lang. Sa mga panahong lumipas na magkasama kami ay pinaramdam nya sa akin na mahal nya ako pero hindi pa pala. Malapit na matapos ang lahat. Malapit nya na rin akong iwan.

Tumayo ako at humarap sa salamin. Magulo na buhok at matang halatang galing sa pagiyak. Kailangan ko muna magayos para hindi sya makahalata. Go with the flow kumbaga.


Ng natapos ako ay lumabas na ako ng kwarto ko at nagtungo sa kusina. Kinuha ko ang isa sa mga alak nya at nilagay sa bag ko. Kailangan kong maglabas ng sama ng loob mamaya. Nagtungo na ako sa sala. Chineck ko na isa isa ang mga gamit namin kung meron pang kulang. Hmm wala na. Naramdaman ko naman na yumakap si Jake sa akin at hinalikan ang leeg ko. Nakakakiliti.

"Wala na bang kulang babe?"

"Wala na babe. All set na lahat"

"Ok tara na?" tumango ako at kinuha na ang handy bag ko. Binitbit nya na rin ang mga bags na dala namin. Bumaba na kami ng condo at pumuntang parking lot. Gagamitin pala namin kotse nya ngayon.

"Malayo ba babe ang pupuntahan natin? Baka mapagod ka kakadrive?" nilagay nya na sa loob ng kotse ang mga dala namin.

"Hindi babe ok lang ako kesa naman magcommute tayo pero nababastos ka naman"  ayan na naman sya sa pagpapakilig sa akin pero ang kaibahan lang ngayon ay alam ko na ang totoo. Nakalimot kasi ako na pagpapanggap lang pala ang lahat. Tumango nalang ako at sumakay sa passenger seat ng kotse nya. Sumakay na rin sya at saka pinaandar ang kotse nya.

----------------------------
Sorry guys kung lame ang ud ko ngayon. Busy ako kagabi kaya hindi ako nakapagud pasensya na.

Sex Tutorial With My Virgin Boy FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon