XXII

12.7K 55 0
                                    


Nagtungo na kami ni Jake ng magkahawak kamay sa kusina. Nakita kong pangiti ngiti si Inay Nita at Itay Raul. Nakoo mukang naikwento na ni Inay Nita ang nakita nya. Nakakahiya *blush*

Inalalayan ako umupo ni Jake at sya naman ang umupo katabi ko at nagsimula na kaming kumain.

"Iho. Kami nga pala ay magtutungo sa anak namin dyan sa kabilang bayan ngayon. Medyo malayo layo naman pero malalakad naman. Mukang patila na rin ang ulan dahil mahina hina na" sabi ni Inay Nita matapos naming kumain

"Ok lang ho ba kung dito muna kami? Ang sasakyan po namin ay tumirik dun sa highway at may mga putol na puno sa daan" sabi ni Jake

"Oo naman. Mabuti nga iyon at may maiiwan rito sa bahay. Wag kayong magalala at babalik rin kami kaagad. Ang daan namin ay rito sa may gubat. Hindi naman delikado at shortcut na rin ito" ngiti ni Inay Nita

"Kung ganun ho pala ay magiingat pa rin ho kayo. Basa ho ang lupa kaya madulas" paalala ni Jake

"Sanay na kami ni Nita dyan iho" natatawang bigkas ni Itay Raul

"Oh sya. Magpahinga muna kayo at kami na ang bahala rito" sabi ni Inay Nita

"Hindi ho Inay. Kami na ho ang bahala rito. Mauna na ho kayo para hindi kayo gabihin" pigil ko kay Inay. Nakakahiya naman kung sila pa ang magaasikaso sa amin. Kami na nga ang nakaabala eh

"Sigurado ba kayo?" paninigurado ni Inay.

"Oho. Kami na ho ang bahala" ngumiti si Inay Nita at tumango. Umalis na rin sila at sinimulan ko na ang pagliligpit sa mga pinagkainan namin. Si Jake naman ay nakaupo lang at pinagmamasdan ang bawat kilos ko.

Ng matapos ako ay niyaya ko sya sa may kwarto. Gusto kong magkausap kami. May mga kailangan lang ako iclear sa kanya.

Umupo kami sa may kahoy na higaan na kaninang hinigaan ko. Nahihiya ako tanungin :3
Pero gusto kong malaman :3 huhuhu what to do? Ng hindi ako mapakali ay hinawakan ko ang kamay nya at tinitigan sya sa mata.

"Totoo bang mahal mo ako?" sumeryoso ang muka neto at bumuntong hininga.

"Oo. Totoong mahal kita. Matagal na" matagal na? I-ibigsabihin? P-parehas lang kami ng nararamdaman? *blush* All this time tama pala ang mga hinala ko. Tama pala ang mga pinaramdam nya. Hindi pala ako nagaassume.

"P-pero paano? B-bakit?"

"Mahal kita. Narealized ko na nahuhulog na ako sayo nung nakita ko kayo ni Joey. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Nagagalit ako nung panahon na yun ng makita kong ang saya saya mong kasama sya. Hindi ko maintindihan. Naiinis, nagagalit, nasasaktan ako. Bumaba ang tingin ko sa sarili ko dahil sa tingin ko hindi kita kayang pasayahin tulad ng nagagawa sayo ni Joey. Bestfriend mo nga ako pero feeling ko na napakawalang kwenta ko. Nagpatuloy ang closeness nyo ni Joey at patuloy pa rin ang ganoong pakiramdam ko. Bago lang ang ganoong pakiramdam sa akin kaya hindi ko maintindihan at hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa panahon na yun. Hanggang sa dumating ang araw na nakita ko kayo. Hinalikan ka sa pisngi ni Joey. Nagdilim ang paningin ko at sinuntok ko sya. Pinigilan mo ako at tinulungan mo sya. Mas lalong kumirot ang puso ko. Dun ko na narelized na mahal na pala kita. Pero anong magagawa ko. Oo ngat bestfriend mo lang pala ako" nagagalit, nasasaktan. Yan ang mga emosyon na makikita mo sa mga mata nya ngayon. Kaya pala. Si Joey ang isa rin sa nga kaibigan ko. Actually, bakla siya. Humingi ako ng tulong sa kanya na magpanggap para mapagselos si Jake. Para makita ko kung sakaling may nararamdaman rin sya sa akin. Pumayag si Joey para na rin hindi sya paghinalaan na bakla at patuloy syang makantyansing sa mga lalaking kasama nya sa varsity ng basketball.

"P-pero bakit nung tinanong kita kung bakit mo sinuntok si Joey iba ang sagot mo? Na nagalit ka dahil inagaw nya ang girlfriend mo? Na hindi ko man lang nalaman na may girlfriend ka pala" nalulungkot kong tanong sa kanya. Kung ganun naman pala ang nararamdaman nya sa akin dati pa ehdi sana hindi kami umabot sa ganito. Mahal na mahal ko sya.

"Sinabi kong dahil inagaw nya ang girlfriend ko dahil ayokong malaman mo ang totoong dahilan. Ayokong malaman mo na mahal kita. Dahil mukang masaya ka na sa kanya at para na rin maturn off ka sa kanya pero anong ginawa mo? Mas lalo kang naging mas malapit sa kanya. Nagsinungaling ako na may girlfriend ako dahil ayokong matapakan ang ego ko. At ang girlfriend na tinutukoy ko ay ikaw. Ikaw na inagaw nya sakin" Naiiyak ako. Naiiyak ako dahil hindi ko alam na ganito pala ang nararamdaman nya.

Dahil sa samo't saring emosyon ang nararamdam ko ngayon ay kumandong ako sa kanya at niyakap sya ng napakahigpit. Gusto kong maramdaman nya na mahal na mahal ko sya. Mahal na mahal. Patuloy lang ako sa pagiyak sa balikat nya.

Maya maya ay iniharap nya ako at pinunasan ang luha ko.

"Tapos ka na?" nakangiting tanong nya sa akin. Hindi ako sumagot.

"Wag mo ng alalahanin ang dati. Ang mahalaga ay magkasama tayo at alam natin na mahal natin ang isat isa" nakangiting sabi nito. Nagpout ako at pinalo sya.

"Sino ba nagsabing mahal kita?" tumawa ito at binigyan ako ng smack.

"Gusto mo ba ng patunay na mahal mo ako?" nakakalokong ngiti nito. Ibubuka ko palang ang bibig ko para sumagot ay sinunggaban na ako nito ng halik.

-----------------------
Sorry sa late ud. Pasensya na po.
Next na kaya ang pinakahihintay ng lahat? O mabibitin na naman tayo? Hehehe abangan :)

Ang story ko po na inuupdate dito ay parehas lang po ng nasa wattpad. Sa mga nagtataka po kung bakit nalalate ang sa wattpad ay dahil hindi po laging may load ako. Minsan ay nakafree data lang ho ako. Yun lamang po at maraming salamat :)

Thanks again sa patuloy na pagsuporta sa story ko :)

Sex Tutorial With My Virgin Boy FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon