The Mafia Heiress→13

15.3K 437 2
                                    

Chapter Thirteen

Gang fight #2

--

Cy’s Pov

“Sumali ka nalang kasi sa Gang namin insan, malay mo tayo ang maging top? sinasayang mo lang ang lakas na mayroon ka. Psh!” Araw-araw siyang ganoon. Araw-araw niya akong kinukulit. Kapag sinabi kong ayaw ko ay ayaw ko talaga. Kulit din e!

“Nah! I better watch you na bugbog sarado.” Natatawa kong sabi. Umiling nalang siya.

Bakit hindi nila malamangan ang Demise Pyro Gang? e, mga babae naman iyon. Pero, masasabi ko talagang malalakas sila. I once saw them fight a group of gangs. Maabilidad sila at malalakas.

Tinitigan ko ang ring, tapos sa labas nito. Naroroon ang pinsan ko na pilit kinakausap ang isang babaeng naka mask na blue.

I remember the girl who used to saved me noong binubully ako ng mga classmates ko. Minanmanan ko siya mula sa malayo habang binubugbog ang mga nambubully sa mga nerds. Marami sa school ang bullies, kaya't hindi din maiwasan na hindi ako mabully kasi nerd ako sa school.

Kitang-kita ko sa mukha ng pinsan ko ang disappointment nang hindi na siya pinansin ng babaeng naka-blue.

Damn! I should have some applause to the girl who dumped my cousin. First time iyon! Mostly kasi girls ang kusang lumalapit sa
pinsan ko.

Hindi nagtagal ay lumapit na ang pinsan ko sa akin. Magsisimula na rin ang laban.

Tumingin ako sa paligid. Ang daming tao. Parang dumoble pa nga ang dami ng tao sa mga gabing isinasama ako ng pinsan ko dito.

“I like the girl in blue, couz.” I smirked when Cedric finally spoke up.

“BDG leader huh? not bad.” sabi ko.

“But you were dumped.” I added. Kumunot ang noo niya saka ako tumawa ng malakas. Akala mo hindi ko nakita iyon?

“How did you know?” Nagtatakang tanong niya.

“I know, right.” sabi ko saka pinagtuunan ng tingin ang ring. Sobrang ingay ang arena at sigaw ng mga nagpupustahan at nanonood ang maririnig.

Pumutok ang isang baril hudyat na magsisimula na ang laban.

--

Carefeille’s Pov

Nag unat-unat at pinaikot-ikot ng mga kaibigan ko ang mga ulo nila. Matagal tagal na din simula nang makipaglaban kami sa mga gangsters.

Nasa walo silang lahat at kami ay lima. Naka ngisi ang leader nilang si Tyra as Winter. She looks so fierce pero siguro, kagaya nga ng ibang gangsters, hindi nila ipinakikita ang soft side nila sa iba kasi iyan ang kahinaan ng tao. Pilit nilang tinatabunan ng pagiging matigas at mabagsik na kaanyuan kapag oras ng laban.

Mas naunang sumugod ang ibang kasamahan ng DPG sa mga kasamahan ko. Umiwas ako sa babaeng palapit sa akin habang ang leader nilang si Winter ay nakasandal lang sa railings.

Feeling cool huh?

Sinapak ko ang babaeng nagtangkang suntukin ako. Sigawan ng mga nasa arena ang maririnig.

Pustahan, nag checheer, at manonood ang makikita sa gilid.

Nakatingin lang ng masama sa akin habang nanonood ang leader nila.

Lumapit ulit sa akin at sisipain ako ng isang kasamahan nila pero umiwas ulit ako at siniko siya sa likod. Muntik na siyang masubsob sa sahig sa ginawa ko. Agad-agad siyang tumayo at sinubukan akong suntukin. Hinawakan ko ang kamay niya tapos sinuntok siya sa panga kung kaya't nawalan siya ng malay.

The Mafia Heiress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon