The Mafia Heiress→24

14.5K 432 3
                                    

Chapter Twenty Four

Worth
--

“What the hell are you saying?” tanong ko.

Kapatid? sa pagkakaalam ko kasi, nag-iisa lang akong anak ng King Lloyd at Queen Isabelle. Ano bang pinagsasabi niya?

“I know you won't understand about underground life. But believe me, I saw someone looks like you. I mean, kamukha mo si Blue. Blue ang name niya sa underground. ” seryoso na siya habang sinasabi iyon.

Ako? fck! baka malaman niyang ako nga ang tinutukoy niya.

“So, ano naman ngayon?” bored kong tanong. Kailangan kong hindi magpahalata na ako ‘yon.

“And so I thought na may kapatid ka and it was her. Seryoso nga? wala talaga?” tss. kulit pa naman ng isang Delgado’ng ‘to.

“Cedric, kung yan lang ang gusto mong malaman, wala akong kapatid. Okay?” sabi ko. Kinuha ko na ang bag ko sa kabilang upuan.

Tumayo na ako at tumalikod.

“So is that mean, ikaw si Blue?” mahina pero dinig na dinig ko. Tch! paano na ’to?

“Are you kidding me?” I faked a laugh.

“Just kidding.” He smiled. Pero isa lang ang nakikita ko sa mukha niya. He's still not convinced.

--

Nakasuot ako ng isang kulay black na dress na above the knee, si Brianna at Crystal ay color  pink pero magkaiba ang style. Si Xandra ay naka yellow. Si Hanna ay naka purple. Ang naiiba lang sa akin ay naka eyeglasses ako pero nakalugay na ang buhok ko. At ang mga kaibigan ko ay nakalagay ng make-up.

Sabay-sabay na kaming lumabas at naglakad. Nasa kabilang building kasi ang venue. Ang multi-purpose hall nila. Pero nang makarating kami ay napaka elegante pala ng party ngayon. Maraming drinks sa isang counter, foods, tapos mayroong decorations.

Wow. This place is perfect!

Kulay red and blue ang theme ng venue.

Ang party na ’to kasi ay isang thank you party ng resort kasi marami ang customers nila ngayon. Halos two hundred fifty students kasi ang nakapag check in sa resort and to count it all up. It was a very good income for them.

“I got you! excuse me girls. Hi I’m Drake Guilford. Hi Crys!” tawag ng isang lalaki sa gawi ni Crystal.

Crys?! tss.

Pero in fairness din naman, walang sinabi ang kagwapuhan ng lalaking ’to kay Francis.

But I don't like the guy for Crystal. He talk too much!

“Hi Drake. By the way these are my friends. This is Xandra, Hanna, Ellodie, Carefeille and Brianna.” Tumango si Drake at isa-isang nakipagkamay.

Kilig na kilig naman itong mga kaibigan ko. Tss.

Humiwalay muna ako sa kanila at kumuha ng mild drink sa bar counter. Hindi naman kasi pwede ang mga matatapang na drinks kasi bawal daw yon sabi ng teachers.

Dinala ko ang iniinom ko sa labas. Masarap kasi uminom kapag gabi at malamig sa labas.

Sa labas ay mayroong mga puno ng mangga pero sa ilalim nito ay isang mahabang upuan. Ang sarap palang tumambay dito kapag gabi.

“Huk!* Huk!* w-wag. Bakit ka nagkakaganyan? Huk!*”

Pinakinggan ko pa ng mabuti ang iyak ng babae hanggang sa hindi ko na talaga na kaya ang ingay niya kaya’t iniwan ko ang baso ng iniinom ko sa inupuan ko kanina.

The Mafia Heiress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon