Chapter 3: Bonding

34 3 0
                                    

[Winter's POV]

Kanya kanya kaming sakay sa mga kotse namin. Sinakay ko na sila Dag at Frost sa backseat kasama ng bag ko. Lamborghini LP 750-4 Superveloce yung sakin, Ferrari na yellow kay Alex, Maserati Granturismo naman yung kay Chris. Nauna na kong lumabas sa kanila. Tinginan naman yung mga studyante na naglalakad sa kotse namin. Psssh~ Pinaharurot ko naman yun at iniwan sila Alex. Narinig kong nag-ring yung cellphone ko. Sinuot ko yung earpiece na connected sa phone ko

"Ang daya mo Winter babes! Ang hilig mo mangiwan!" - Alex

"So?"

"San ka ba pupunta?" - Chris

"Naka-connect pala tayo lahat. Diba sabi ko kanina dadaan muna akong bahay"

"Oh sigesige. Paunahan makapunta dun ano?" - Chris

"GAME!" - Alex

"Sure!" binilisan ko pa yung pagd-drive ko. Goodthing hindi traffic. Nagkasalubong kaming tatlo sa may entrance ng village namin. Wala masyadong naglalakad dito sa village kaya pwedeng pwede kaming magkarera. I make it half speed kaya ako ang nangunguna

"Not that easy girl" rinig kong sabi ni Chris sa earpiece. Nagulat ako ng katabi ko na agad sya. I smirk formed in my face

"We'll see" sabi ko and step on the accelerator to make full speed. Sobrang bilis na ngayon ng takbo ko to the point na blurred na yung gilid. Habang papalapit sa bahay ko ay binagalan ko na yung takbo ko sabay break

"I win!" sabi ko sa kanila sa earpiece

"Tsk! I'll get you someday Winter"

"Waaah~ Ayos lang matalo ako. Ang galing mo Winter babes" di ako nagsalita at nakinig lang ako sa sinasabi nila. Nakita ko na sila palapit. Pinasok ko na si Dag at Frost sa bahay ko. Tinanggal ko yung earpice ko para hindi marinig nila Chris yung boses ko

"Arf! Arf!"

"Hunter baby~" sinalubong ko sya ng yakap. Umupo ako para mag kasing level kami

"Hunter may makakasama ka na dito sa bahay oh" nilagay ko sa harap nya sila Dag at Frost

"Ikaw yung Kuya nila. Dapat protektahan mo sila" sabi ko habang hinihimas yung ulo nya

"Arf! Arf!" ngumiti naman ako ng makitang winawagayway nya yung buntot nya. Nilalambing naman ni Frost si Hunter habang nakatingin lang si Dag

"Ang cute nyo tingnan hihihi. Love you all" sabi ko at isaisang hinimas yung ulo nila

"Aalis lang ako saglit ah? Maglaro kayong lahat jan. Wag kayong magaaway ah? Lagot kayo sakin" tumayo na ako habang nakangiting nakatingin sa kanila

"Arf! Arf!" sagot nilang tatlo sakin. May kumatok naman sa pintuan ko. Nakita ko agad kung sino sila kasi may maliit na glass dun na makikita mo kung sino yung kumakatok. Sila Alex at Chris. Binuksan ko naman yung pintuan

"Dun muna kayo sa living room. Magpapalit lang ako ng damit" sabi ko at umakyat na papunta sa kwarto ko. Skinny jeans at plain black v-cut shirt lang match with adidas superstar shoes. Bumababa na ako pagkatapos kong magpalit

"Nakapagpalit na din kayo?" sabi ko sa kanila. Pagkababa ko kasi hindi na sila naka-uniform

"What do you think?" inirapan ko na lang sila at nauna ng lumabas. Sinundan naman ako ng mga aso ko

"YA! Chris and Alex get out!" sabi ko sa kanila. Tumayo naman sila at lumabas na. Nung sure na akong nasa loob na sila ng kotse nila ay hinarap ko na sila Hunter, Dag at Frost

That Girl Is A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon