Chapter 5: His Place

25 3 0
                                    

[Winter's POV]

Hinagis ako ni Adryelle sa backseat kaya lalong sumama yung tingin ko. Aba bumabawi ang kurimaw! Papasok sana sya sa backseat kaso sinipa ko sya palabas

"Ayaw kitang katabi! You drive! Alex dito ka sa tabi ko!" sabi ko sa kanila. Kuminang yung mata ni Alex sa sinabi ko

"Sorry bro. Gusto akong makatabi ng babes ko eh" sabi nya bago pumasok. Tumingin na lang ako sa kabilang side at sinandal yung ulo ko. Nagkwentuhan lang sila dun. Di naman ako makarelate kasi di ko alam mga pinagsasabi nila. Mga combo combo attacks press mo ganto ganyan. Pinikit ko yung mga mata ko pero nakikinig ako sa mga pinagsasabi nila. Minutes passed I feel the engine stop. Minulat ko yung mata ko at inikot yung paningin ko. Nasa harapan kami ng isang building. Lumabas na sila ng kotse kaya sumunod lang ako. Pagkapasok namin sa building, sumakay agad kami sa elevetor. Pagkabukas nun ay nasa isang arcade na kami. Buong floor puro arcade games lang. Marami din tao dito yung iba naka-uniform pa

"Let's rock this arcade!" sabi nilang tatlo at nag-apir pa. Naglakad na sila sa bilihan ng token pero card yung sa kanila. Sumunod lang ako kung saan sila pumupunta. Una nilang pinuntahan ay yung basketball

"Hey! Give me your card" sabi ko kay Alex. Tinago naman nya yun sa likod nya

"Why?"

"I'm playing"

"Whoa~ Sabi ko na nga ba gusto mo rin dito Winter Babes eh!" umirap na lang ako at kinuha yung card nya. Sinwipe ko na yung sa station at nag-start. Binalik ko na kay Alex yung card nya at nag-shoot na. Magaling ako in any sports kaya sisiw lang sakin to. Pinagigitnaan ako ni Adryelle at Alex tapos sa right side nya ay si Chris. Nagkakainitan na kami dito bawat rounds. May main point kasi para makapasok ka sa next round. Round 9 na kami kaya pawis na pawis na ako. Hindi ako pwedeng matalo! Yung ibang tao ay nanonood na samin dahil kanina pa kami dito. Dapat pala tinali ko buhok ko! Grabe pawis na pawis na kaming lahat pero walang nagpapatalo. Round 15. Kaya mo yan Winter! Sumasakit na rin yung mga braso ko pero kayo ko pa

"AH! I did'nt make it!" narinig kong sabi ni Chris. Patuloy lang kami at hindi sya pinansin. Naramdaman ko naman na may nagpunas sa pawis ko pero di ko pinansin

"Mga baby ko ayaw magpatalo oh HAHAHA Tinalo nyo si Daddy" ayan na naman sya sa role nyang 'Daddy' namin ni Alex. Nakita ko sa peripheral vision ko na pinunasan nya din ng pawis si Alex

"Thanks dy!" sagot naman ni Alex. Round 20. Ganon pa rin yung bilis ko pati si Adryelle. Parang hindi kami napapagod sa ginagawa namin. Pabigat na ng pabigat yung paghinga namin

"Aaaaw~ Di ako umabot TT^TT" sabi ni Alex at tumabi kay Chris. Kaming dalawa na lang ni Adyrelle yung nandito. Round 30. Ganon pa rin. Pero bumabagal na si Adryelle. Napa-smirk ako nun. I will win this! Pabagal na ng pabagal si Adryelle samantalang pabilis naman ako ng pabilis. Magkaka-muscle ako nito sa braso eh. Round 45

"Ayoko na!" sabi ni Adryelle at sumandal sa basketball station. YES! I WIN! WHOOOO!!! I threw the last ball. Pasok pa rin sa Round 46 pero hinagis ko sa isang lalaking nanood yung bola. Nagulat sya dun pero nasalo nya

"Wanna play?" sabi ko at kinindatan sya. Ngumiti sya sakin at lumapit. I pat his back and flash a devilish smile bago umalis. Ramdam ko yung pagsunod ng tingin nya sakin. Lumapit naman kila Chris, Alex at Adryelle na nakasandal sa isang car racing station. Hinagisan ako ni Chris ng towel. Sinalo ko yun at pinunasan yung pawis ko

"That was a nice game" sabi ni Chris sakin ng nakangiti. Tumango lang ako at huminga ng malalim. Kinuha ko yung pony tail sa bulsa ko at tinali yung buhok ko

That Girl Is A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon