Kakauwi ko lang ng bahay galing ng school, wala naman masyadong ginawa maliban sa pagpapakilala.
And sa wakas... tapos na ang First day class ng pagiging Senior High...
And for sure hindi ko malilimutan yun, kasi 1st day pa lang na late na ako ugh -.-
''Oh nicole, kakauwi mo lang? '' tanong sa akin ni mama, hindi ko napansin na nasa kusina pa lang sya...
''Opo ma...''
''Kamusta naman, mukhang pagod ka? Marami yata kayong ginawa sa 1st day ng pagiging senior HS? ''
''Hm, wala naman po ma.. Nagpakilala lang po, pati yung mga teacher sa bawat subject...'' -matamlay na pagkasabi ko
''Bat mukhang pagod ka? wala naman pala kayong masyadong ginawa''
''Ahhh yun ba ma? aaaa.. an.. anoooo... hm, wala ma.. May iniisip lang ako, and siguro dahil din sa naninibago ako sa mga new classmates ko'' -pagaalinlangan sabi ko kay mama.. hindi ko alam pati pala sya napansin na mukhang pagod ako.
''Ganon ba? Osge, halika na. Kumain na tayo, wag mo na masyadong isipin yun nicole. Masasanay ka rin''
''Sige po ma, thankyou ma :) ''
Hays, bat kasi hindi parin mawala sa isip ko yung nangyari kanina.. hindi ko alam pero parang napaka mysterious naman kasi nung mga VP ng football na sinasabi ni Sofie, feeling ko tuloy gusto ko sila makilala... Pero hindi! hindi pwede! nangako ako na hindi muna ako magba-barkada and beside ayoko ng mga distorbo sa studies ko... Gusto ko kasi i-surprise si mama, i mean? Basta, gusto ko studies lang ang priorities ko.. And ayoko ng may mga sagabal... Hihigpitan ko muna sarili ko ngayon, like before? kasi ayoko ng matulad yung nangyari saken when i was grade 8... sobrang down na down ako non kaya napabayaan ko ang pagaaral ko.. Kaya this time, hindi ko hahayaan na mangyari yon ulet! As in never!
Tapos na kami kumain ni mama, umakyat ako agad sa kwarto para magpalit ng damit.. And para makapag shower na rin ako. Sobrang init kasi ng uniform namin, and gusto ko muna ipahinga sarili ko... Siguro pagod ako kaya sobrang daming pumapasok sa isip ko....
After 30 minutes natapos na ako mag shower, umupo ako sandali sa kama habang nagpapatutuyo ng buhok... Bawal daw kasi matulog ng basa ang buhok sabi ni mama... Mahilig kasi maniwala si mama sa mga pamahiin, so wala naman sigurong mawawala kung susundin na lang.
''HAAAAAAAAAAAA.... (humihikab) -bigla ako nakaramdam ng pagka antok. Kaya sinandal ko yung ulo ko sa kama, basa pa kasi buhok ko kaya hindi ako makahiga, baka bigla ako makatulog at pagalitan ako ni mama kapag nakita nyang basa pa yung buhok ko.. Pinipigilan ko muna yung mga mata ko na pumikit... At habang tulala ako, hindi ko alam bakit sumagi na naman sa isip ko yung mga Varsity Player na yun...
''Siguro, sobrang gwapo ng mga yun? Kaya kinababaliwan sila ng mga babae don sa campus''
Kinakausap ko sarili ko, kasi bakit naman ganon? Sobrang affected ako sa mga yun? And bakit ngayon ko lang alam? Samantalang sobrang tagal ko na sa Swifty University? Ngayon ko lang nabalitaan na may mga ganon pala? Maybe because of sobrang busy ako sa studies ko non? Or dahil rin siguro wala ako pake sa mga nasasagap kong balita sa loob ng campus? How weird?! Tsk... tsk...
''Aynako nicole! Stop it na nga! -.- hindi naman makakatulong or nakakatulong yan sayo e! Wag mo na silang isipin! They are not important! duhhh, and besides? Wala kang pake sa kanila, diba?! Diba?! Diba? Nicole Kim?! ''
-para akong tangang kinakausap ang sarili ko sa loob ng kwarto, hanggang sa hindi ko alam naririnig pala ako ni mama sa sobrang lakas ng boses ko...''Nicole? sinong kausap mo? Tska sinong kaaway mo? '' -tanong sa akin ni mama, mukhang nagulat ata...
''Ahhhh... ahm.. wa.. wal.. wala po ma.. hehehe, wag nyo na lang po ako pansinin. Nag pa-practice lang po ako, para sa mga events sa school, like yung pag ro-role play ma.. sabi po kasi ng mga teachers hm.. ibabalik na daw yung mga events sa school, thats why nagpa-practice po ako. '' -nanginginig na pagkasabi ko, haynako nicole! Bakit kasi kinakausap mo sarili mo! Praning ka na ba? O malapit kana mabaliw! Hays...
''Huh? Malayo pa naman yun anak, wag ka masyadong excited. Matulog kana, anong oras na baka ma-late ka na naman bukas.''
''Opo ma, sige po. Sorry din po ma''
''Okay lang, akala ko naman napano kana dyan.. Ang weird mo yata anak ah? Osya sige matulog kana.. Goodnight (mwah) ''
''Sorry po ulet ma, sige po goodnight din ma... Loveyou po ma''
Natakot ako bigla baka kasi isipin ni mama nababaliw na ako. Buti na lang nakapag segway ako hays, baliw na yata ata ako e? Tama na nga! Para na akong tanga! Di ko na sila iisipin! Matutulog nako.
-—————————————————
![](https://img.wattpad.com/cover/37390341-288-k93747.jpg)
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Football Player
RomanceSi Nicole Alexis Kim ay isang highschool student sa "SWIFTY UNIVERSITY" Simpleng babae lamang pero Maganda, mabait, matalino, sexy at friendly. Sa hindi inaasahang panahon makikilala nya ang isang lalakeng ubod ng yabang ngunit gwapo, matalino...