PROLOGUE

174 15 30
                                    


Prologue

Oneuldo harureul bonae dareul ge eopshi

Hanado an eosaekhae honja inneun ge

Neo eopshin andoel geot gatdeon naega ireoke sara

Geunde jom heojeonae nan yeojeoni geogi inna bwa

Minulat ko agad ang mata ko nang marinig ko na naman ang napakagandang ringtone ko. Sa totoo lang ay inaantok pa ako pero dahil sa boses ni Hyunsik na naman ang bumungad sa'kin, himalang nawala agad ito. Well, ganito kalakas ang epekto ng BTOB sa'kin.

Pinasadahan ko ng tingin ang wall clock ko. Mag-aalas sais pa lang. Sino naman kaya ang malakas ang loob na gisingin ako sa ganitong oras? Binaling ko naman ngayon ang tingin ko sa cellphone ko na kanina pa tumutunog. Infernes, tibay ng tumatawag.

Tinanggal ko na ang kumot ko at tamad na naglakad papunta sa direksyon ng study table ko . Inabot ko ang telepono ko tsaka tinignan ang caller.

"Ajikdo nae maeumsogen neo oh oh." pansasabay ko pa sa kanta bago tuluyang sagutin ang kaibigan ko. At gaya ng inaasahan ko ay nakatanggap ako ng sigaw mula sa kanya kaya tama lang na inilayo ko muna ang cellphone sa tenga ko.

Natatawa akong napapailing. Still my hot-headed best friend.

"Chill bes." Sinikap kong hindi sabihin iyon nang hindi matatawa pero nabigo ako kaya sa pangalawang pagkakataon ay nasigawan na naman ako na binalewala ko lang ulit. Tinawanan ko lang ulit ito kaya hindi ko siya masisisi kung pinatay na niya ang tawag.

Dinial ko naman agad ang numero niya. Umabot pa sa tatlong ring bago niya sinagot. Humingi agad ako ng tawad.

"Sorry na Faith. Quarter to six pa lang kaya you know, mahimbing pang natutulog ang maganda mong bestfriend.Tsaka Sabado kaya ngayon." pandadahilan ko pa.

"So kasalanan ko pa na nagising kita. Akala ko ba ay sasamahan mo ako ngayon?" Biglang naningkit ang mga mata ko, inaalala kung may usapan ba kami. Nakatatlong ikot na ako sa recliner chair pero wala talaga akong maalala.

"May usapan ba tayo bes?" napapakamot sa batok na usual ko. Eh sa wala talaga akong marecall na may pupuntahan kami ngayon.

"Napakaulyanin mo talaga. I'll give you thirty minutes to get ready. I'm on my way to your house." Hindi na ako nakaangal dahil bigla na naman niyang pinatay.

Sa halip na maghanda na ako ay mas inuna ko pa na alalahanin kung may usapan nga kami talaga ngayon.

May nagpop-out naman bigla sa utak ko.

'I'm going to visit mom this Saturday Lyn and I want you to come with me.'

Ngayon ba ang Sabado na'yon? Last last week pa kasi niya binanggit na bibisitahin niya si tita na hindi ako sigurado kung natuloy ba kasi may pinuntahan ako. Pero sa pagkakaalam ko ay nagpunta pa'rin siya kahit na wala ako.

Nagvibrate naman ang phone ko. Text message galing kay Faith.

"We'll visit mom." Matapos kong basahin ay dali-dali akong nagtungo sa closet ko para pumili ng susuotin. Sunod ay tumungo na ako sa banyo para maligo.

Bumaba agad ako pagkatapos kong mag-ayos. Nadatnan ko naman sa kusina si mommy. Hindi na ako bigla dahil dati pa na maaga na siyang gumigising. She's running her own restaurant at maaga iyong nagbubukas. Isa pa ay nagluluto pa kasi siya ng breakfast dito sa bahay bago aalis.

TILL I MET YOU AGAINWhere stories live. Discover now