CHAPTER TWO

144 13 16
                                    

Chapter Two

~••~ FAITH YLARDE~••~

“Faith!”  Kung hindi ko pa narinig ang malakas na tinig na iyon ay hindi ako matitinag sa pagkatulala.

Dumapo ang tingin ko sa boses na iyon ni Lyn. Iginala ko ang paningin ko at noon ko lang napagtanto na nasa dalampasigan parin ako.

Binalak ko nang umuwi kanina pero ganoon na lang ako nahumaling sa dagat. Matagal naring panahon nang huli akong nakabisita sa ganitong lugar. Nabighani ako sa ganda ng karagatan, kumikinang sa aking mata. 

The pristine blue waters of the sea that screaming its tranquillity makes my heart calm. Habang pinapanood ang banayad na paggalaw ng tubig, pakiramdam ko ay nililiyo  rin nito palayo ang mga pinoproblema ko.

Muling umihip ang malakas na simoy ng hangin, napapikit ako. Napakapresko at masarap talaga sa pakiramdam, nakakaginhawa.

Napakaganda ng lugar, hindi ko ito malilimutan.

“What happened to you? Bakit narito ka?” aniya nang maupo siya sa tabi ko.

“Nothing.” mahina kong tugon at binuksan ang sariling mga mata.
Bumuntong-hininga siya ngunit hindi nagsalita. Napatingin naman ako sa inilapag niya sa harapan ko.

“Here.” Turan niya sa sapatos ko. Napatitig ako sakaniya, giving her a questioning look.

“Ganoon na lang ba ang pagmamadali mo sa pag-uwi at pati sariling sapatos mo ay nakalimutan mong isuot? Tsh.” Nag-iwas agad ako ng tingin. Narinig ko na naman ang malakas na pagbuntong-hininga niya.

Sandali kaming natahimik at tanging ang ingay lang ng alon ang maririnig. Kagaya ko ay nakatingin rin siya sa dagat, kapagkuwa’y tumikhim siya. Naramdaman ko na marahan siyang lumingon sa’kin. Tinapunan ko rin siya ng tingin.

“What?” asik ko.

Ngunit hindi siya nagsalita. Nanatili siyang nakatitig sa’kin na para bang may gusto talaga siyang sabihin pero hindi maisatinig. Sa pangatlong beses ay nasaksihan ko na naman ang pagbuntong-hininga niya.

“Let’s go.” Iyon lang ang sabi niya saka tumayo. “I’ll wait you in the car. Make sure to wear your shoes.” Natatawa pang dagdag niya at nauna nang maglakad. Umangat ang gilid ng labi ko.

Nagmamadali kong isinuot ang sapatos ko at hinabol siya sa paglalakad.
Gaya ng inaasahan ay nagpresinta siyang magmaneho. Hindi na ako nagmatigas at hinayaan na lang siya sa kagustuhan niya. Isa pa ay wala ako sa wisyo para makipagtalo sakanya. At tulad ng naunang biyahe ay naging tahimik lang ulit ito.

“Listen to his explanations, Faith. “ aniya nang ibibigay na niya ang susi ng sasakyan sa’kin nang makababa kami rito. No’n ko lang din napagtanto na may alam siya. Marahil ay nabanggit sakanya ni Exequiel dahil wala naman akong nasasabi sakanya. Ang hindi lang ako sigurado ay kung pati ang sinasabi niyang explanasyon ay narinig narin niya dahilan para pakiusapan niya rin akong dinggin ang mga iyon.

“I will. Just give me more time.” sagot ko. Tumango-tango siya saka ngumiti.

“Thanks.” Paghingi niya pa ng pasasalamat. “Sige bes, take care.Ingat sa pagmamaneho.” Nakangiting aniya.

Nginitian ko rin siya at bahagyang itinaas ang kamay ko, slightly waving it to bid goodbye. “Bye, bes!” pahabol pa niya na sinuklian ko lang ulit ng ngiti saka ibinaba ang kamay nang tuluyan na siyang nakapasok sa loob ng bahay nila.
Nagpakawala pa ako ng malalim na buntong-hininga at naglakad papunta sa driver’s seat.

TILL I MET YOU AGAINWhere stories live. Discover now