List

14 1 6
                                        

Reneè.

"RENEEEEEEEEEEÈÈÈ! Pag nakita kita, nakooo! Lagot ka sa'kin!" Ron shouted from his room

Haha, pranks really do make me happy. Pano ba naman kase sya hindi magagalit, eh nilagyan ko lang naman ng mga maliliit na mice ang drawer nya where he places his underwears. Im sure nginatngat na yun ng mga daga. Hahaha!

"Hillary! Ano na naman ang ginawa mo sa kuya mo?"

MOM. ugh

"Ma! Nilagyan ng malditang yan ng daga ang kwarto ko! Pano pag nagka-rabies ako?! Ma, i-grounded mo yan!" sigaw ni Ron na kakalabas lang ng kwarto nya ng galit na galit

His face is priceless. Namumula sa galit. Hahaha. Lumapit sya kay mama at dinuro-duro ako. Aba! Porke't mama's boy sya, masusunod na agad gusto nya?! No way!

"Pero mama! Sa drawer nya lang may daga! Hindi buong kwarto nya." sabi ko

"Kahit na! May disenteng babae ba na gagawa nyan? Dapat ka lang ma-grounded ni Mama! Diba mama?" singit na naman ni Ron

Ugh. Panira talaga ng buhay tong si Ron eh.

"Hillary, your kuya is right. Dalaga ka na tapos nakukuha mo pang gunawa ng mga walang kwentang bagay. You're grounded." sabi ni mama at umiling-iling

"N-No! Mama wag! Please wag mama! Pleaseee!" I said at niyakap sya

"Huh. Akala mo madadaan mo sa ganyan si mama." sabi ni Ron and I can feel him smirking

This can't be happening. Birthday pa naman ni Adhaia mamaya. I can't miss my own bestfriend's party!

"Madadaan saan?"

OH MY GOD. Just what I needed. My knight against Ron's evil plans, my popsicle.

"PAPAAAAA! I miss youuu!" I said

Now Im sure I can come to Adhaia's party later. My pops has always been my favorite parent. No question about it, Im spoiled pagdating sa kanya. Everything I want, I get because of him and I sooo love my pops. He's always on my side no matter what.

"A-Ah Pa, kailan pa po kayo dumating?" sabi ni Ron at nakita kong pinagpapawisan sya

Haha, he's been scared to papa since forever. Ewan ko ba kay Ron, parang pinepressure sya ni papa sa kung anong bagay.

"Kanina lang. So hon, what is it this time?" papa said at kiniss si mama sa cheeks

"Nako, si Hillary na ang tanungin mo." mama said at tinaasan ako ng kilay

Well that's my que.

"Papa, nilagyan ko kase ng mice ang drawer ni Ron. Wala kase akong magawa dito sa bahay eh. Wala akong makausap dito kase lagi namang si Ron ang kausap ni mama. Kung nandito ka lang sana Papa, edi sana di ako malungkot. Sana, di ko na ginagawa tong mga bagay na to, para mapansin." sabi ko at yumuko

5...

4...

3...

2...

"Awww, baby Im sorry. Naiintindihan mo naman diba kung bakit ko kailangan umalis ng bansa? Para sa inyo rin yun." sabi ni dad at niyakap ako

Sabi ko na nga ba eh. Hahaha! Nakatingin lang ako kay Ron habang may ngiting tagumpay sa mga labi ko at tinaas baba ang kilay ko saka sya kinindatan para ipahiwatig sa kanya na kailan man ay hindi nya ko maiisahan. And again, sumama na naman ang tingin nya sakin at napakamot ng ulo sa inis. Pagkabitaw namin sa yakap ay nagkunwari akong nagpunas ng luha at tinignan si papa.

A Lovely MiseryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon