LAST LETTER

83 9 7
                                    

-210613-

Happy 8th ANNIVERSARY! more anniversaries to come! I'm very happy to celebrate 8 years with you guys and i hope i can celebrate more, but i guess this is the last. Akala ko kasi madali na ang lahat kasi nakagraduate na ko pero mukhang eto nga yata ang sinasabi nilang "real life" mas mahirap pa pala to sa inaakala ko. Sorry mukhang hindi ko na yata matutuoad ang pangako ko sa inyo. Mukhang eto na yata ang huling sulat na maipapadala ko sa inyo. Kung pwede ko lang sana ibalik yung time na wala akong ibang iniisip kundi pag-aaral at pagfafangirl, ibabalik ko eh kaso di na ako sa fantasy nabubuhay ngayon, totoong mundo na ang kinakaharap ko, masakit man pero kailangan ko tong gawin paa narin sa magiging future ko, alam kong dadating din ang araw na to pero di ko inaasahan na ganito pala kasakit tanggapin na iiwan ko kayo, sobrang laki ng naging parte nyo sa buhay ko at hindi ko basta bastang maiiwan yon at alam ko sa sarili kong hindi ko kayo malilimutan, kahit malayo kayo sakin ay sobrang napasaya nyo ako, kapag nalulungkot at nag-iisa ako, makita ko lang ang masasayang mukha nyo sa harap ng screen ng computer ko ay sobrang nagiging masaya na din ako, dahil din sa inyo ay nakakilala ako ng mga tunay na kaibigan, hindi lang sa bansa ko kundi pati narin sa iba pa. Kayo ang naging inspirasyon ko sa pag-aaral ko. Ang laki ng naging epekto nyo sakin, ang daming magandang nangyari sa buhay ko simula nung naging idol ko kayo, hindi nyo man alam pero you guys changed me for the better, marami mang kontra sakin ay di ko na pinansin at pinagpatuloy ko padin ang pag-idolo ko sa inyo pero natatawa nalang din akong isipin na hindi ako nagka boyfriend dahil umasa akong balang araw ay isa sa inyo ang makakatuluyan ko pero dahil nga nabubuhay pa ko sa fantasy nang mga panahong yan ay di ko naisip na sobrang layo talaga nyang mangyari sa katotohanan. Haaays nakakamiss ang mga panahong yon. Ok lang naman sigurong iwan ko kayo diba? Sa sobrang dami nyo ng mga fans di nyo na naman siguro mamamalayan na aalis ako diba? Aalis lang naman ako as a fangirl pero mananatili padin naman kayo sa puso at isipan ko. I love you boys but I have my own life too

- Min Gi

Letters to Bangtan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon