Epilogue

70 14 10
                                    

Min Gi's POV

Ilang taon na din ang lumipas, lampas sampung taon nadin, may sarili na akong pamilya at maganda na din ang buhay

Inaayos ko ang kwarto ko nang makita ko ang malaking box sa ilalim ng kama ko, binuksan ko ito at nakita ko yung mga merch at album na naipon ko nang biglang pumasok ang limang taong gulang kong anak

"Mommy ano yan? Sino po sila?" Sabay turo nya sa hawak kong picture ng bangtan

"Boyfriends sila ni Mommy dati" di ko napigilan ang sarili ko at napaluha nalang ako

"Boyfriend? Kaibigang lalaki po yon diba?"

"Oo anak"

"Eh bakit ka po naiyak? Namimiss mo na po sila?"

"Sobra" lumapit sya sakin saka ako niyakap

"Dont worry mommy makikita mo din sila"

"Sana nga anak" pagakatapos kong sumagot ay tumayo na sya at nagpaalam nang lalabas kaya naman naisipan ko nalang na buksan ang laptop ko at tingnang muli yung mga messages na sinend ko sa bangtan dati.

Di ko mapigilang mapangiti habang binabasa ko yung mga naunang message hanggang sa makarating ako sa pinakadulo, may nakita akong isang notification doon at nagulat ako sa nakita ko, nakita kong nagreply pala ang bangtan


-210614-

Thankyou. We love you.

- Bangtan

Hindi ko inaasahang mapapansin din pala nila ang mga sulat ko, but im so glad they did. They're the most beautiful moment happened in my life

------------------

⚫end ⚫

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letters to Bangtan Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon