PANGATLO

82 27 48
                                    


MARKED


Parang may naririnig akong ingay. Madilim. Wala akong makita. Pakiramdam ko hinang hina ako. Binugbog ba ako? May nakatakip ba sa mata ko? Nasa hideout ba ako nung may ari ng Ferrari? Shems! Ayoko pang mamatay. 'Di pa pwede! Hindi dahil sa V pa ako. Hindi pwede kasi mawawalan ng maganda sa mundo! Kailangan ko muna mag produce para umunlad naman ang bayan. Ako ang magpapaganda ng lahi ng Pilipinas. Tinutulungan ko na ang kababayan ko, aba dapat lang nila akong mas tangkilikin.

"Amanda! Amanda! Where are you?!" Wait. Boses ba ni Gino iyon? Pano niya nalaman hideout ni Ferrari boy?! Is he stupid? Baka armado iyon mabaril siya! Nasa'n utak nitong si Gino?

"Shit Amanda!" Hala bakit?! Nagulat ako ng may humablot sa balikat ko kaya napadilat ako.. What?! Napadilat ako?!

Hawak hawak na ni Gino ngayon ang braso ko at nakaharap siya sa akin. Namumutla siya at parang nabunutan ng tinik ang itsura niya ngayon. All this time nakapikit lang ako?! Ugh. I'm so stupid.

Tumingin ako sa langit. Madilim na din. Gaano ako katagal nakapikit.. or should I say nakatulog? O Nahimatay?

"You made me worry! I was so fucking nervous! Six na hindi ka pa din bumabalik sa set. Akala namin kung napano ka na. Lahat ng nando'n ay walang tigil kakahanap sa'yo. Ba't ba nakahiga ka dito?" Aniya. Sa totoo lang hindi na madigest ng utak ko kung ano pa ba mga sinasabi niya. Ang iniisip ko lang ay kung ano nangyari pagkatapos magsalita noong may ari ng Ferrari. Hindi ko matandaan. Parang nagdilim lang ang paningin ko.

Hinimatay ako? Ganon? Hindi naman impossible. Sobrang kabado ako kanina. At iyong boses niya nakakatakot talaga. Natandaan kaya niya ako? Ba't 'di niya ako kinuha? Aish! Gusto ko pa ba makuha?! Hindi na talaga matino pagiisip ko.

"Amanda?" Napapitlag ako ng magsalita si Gino. Bahagya akong ngumiti sakanya at naglakad na paalis. Kailangan kong mag relax. Baka mabaliw ako dito kakaisip.

Pagkadating namin sa set ay naglapitan lahat ng crew. Gosh. What have I done? Pawis na pawis iyong iba at may hawak na flashlight. Iyong iba ay tutok na tutok sa mga phone may mga katext at iyong iba may mga katawagan. Panigurado humingi sila ng tulong.

"Amanda! Where the hell have you been?! We almost called all the police station to help us find you!" Sigaw ni Direk. Yumuko ako at hindi na dumaing sa mga sigaw niya. First time ko yatang pumayag na ganituhin ng director. Usually kasi hindi ako pumapayag mapagalitan. Helloo? I'm Amanda Young. Hindi ako basta basta.

"Sorry Direk. I fell asleep kasi. Hindi ko namalayan iyong oras" Sagot ko. Napabuntong hininga siya at tumalikod na. Umirap na lang ako. Dapat sinulit na niya pagsigaw at hindi na siya makakaulit pa. Pumasok ako ng tent at nagbihis. May party pa kaming aattend-an ni Gino. Pang mga artista.

I wore my off shoulder white dress that's hugging my sexy body and partnered it with my strappy black stiletto. Perfect! I left my hair as is. Maganda naman siya kahit hindi na i-curl or whatsoever. Nag lagay lang din ako ng nude matte lipstick. Panigurado kasi namumutla ako ngayon.

Nilagay ko na ang phone, wallet, at lipstick ko sa handy bag ko at lumabas na ng tent. Kay Gino nalang ako sasabay tutal iisa lang naman kami ng pupuntahan. I let out a deep sigh bago lumapit sakanya. Nakakahiya kasi pinag alala ko siya kanina ng sobra. Maybe I should treat him some other time? Sounds good.

"Hey" bungad ko. Agad naman siyang bumaling sa akin. Nagtaas siya ng kilay.

"Uhm. Pasabay? We're going on the same destination naman diba? if it's okay with you?" Nagaalinlangan pa ako. Baka kasi may kasabay siya. Epal pa ako. Well, maganda naman ako so okay lang.

Bullet ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon