TGO: Chapter 1

9.4K 202 16
                                    

"Sa tingin mo kuya, Maganda Kaya ang bagong school natin?."tanong ni Zoe ang nakakabatang kapatid ni Zared ngumiti sya sabay sabing.

"Di ko alam baby eh, siguro maganda dahil di naman tayo ililipat ng school ni Daddy kung Hindi. "sagot nito sa kapatid habang nakangiti pero sa totoo lang ay nalulungkot sya dahil maiiwan nya ang mga kaibigan, Pero wala syang magagawa dahil utos iyon ng daddy nya at hindi nya pwede itong suwayin, bata pa lang si Zared ay masunurin na sya sa magulang, good boy kung baga.

Habang naglalakad ang magkapatid ay di napansin ni Zared ang babaeng tumatakbo dahilan ng pag kabangaan nilang Dalawa.

"I'm sorry Miss, I wasn't really looking, nabangga tuloy kita, ayos ka lang ba? "hinging paumanhin ni Zared habang pinupulot nya ang mga libro at iba pang gamit na dala ng babaeng nakabangaan nya.

"I'm sorry din, kasalanan ko rin kasi tumatakbo ako. 'sagot ng babae, napatigil sya sa pagpulot ng marinig ang boses ng babae.parang anghel ang boses nito at ang sarap pakinggan kaya di nya maiwasang mapatigil.

Unti unti nyang inangat ang mukha nya upang masilayan ito, di nya mapigilang humanga ng makita ang napakaamo nitong mukha para itong anghel sa sobrang ganda at perpekto ng mukha,ngayon lamang sya nagandahan ng sobra sa isang babae,Pero lalo syang napahanga sa mata nitong sky blue, napakanda niyon parang pag tinitigan mo ito ay mawawala ka sa wisyo at parang inaakit ka nito.

Nagising lamang sya sa huwisyo ng magsalita ang babae.

"Sorry again, inabala ko pa kayo, Hi! "Bati nito sa kapatid nyang si Zoe ng mapansin itong nakatingala sa kanya.

"Hello!, Ate ang pretty nyo po,"
humahangang sambit ng kapatid nya dito, well sinong hindi ang magsasabi nito kong diyosa ang kaharap mo, ngunit nagulat sya dahil usually ay masungit at hindi pala ngiti ang kapatid lalot nat nagtataray ito pag may bumabati, ano kaya ang meron dito sa anghel nato at napaamo nito ang kapatid nyang mailap at masungit, siguro ay anghel talaga ito.

"Haha thanks, you're pretty too,"natatawang sambit nito. at aaminin nya lalo itong gumanda at lumabas din ang malalalim nitong dimples.

"Oh, How rude of me,di pa ako nagpakilala sa inyo, Names Khade,"nakangiting pagpapakilala nito.ang ganda ng pangalan nito kahit panlalaki sa isip-isip nya.

"My names Zoe, Ate, this is my brother, Kuya Zared,"nakangiti ring pagpapakilala  ni Zoe, nahiya naman sya ng ang kapatid nya pa ang nagpakilala halata ring nakatulala sya. ramdam nya ang pamumula ng dalawang pisngi ng ngumiti ito sa kanya at bumati ng hi at inabot nito ang kamay para makipag shake hands.

"H hi din."nauutal nyang bati kaya lalo syang namula narinig nya ring humagikgik ang kapatid ngunit ipinasawalang bahala nya na ito at nakangiting inabot ang kamay nito, ang masasabi nya lang ay napakalambot niyon at parang ayaw nya ng bitawan ngunit kailangan nya ng bitawan ito kahit labag sa kalooban nya ay ginawa nya ito.

"Ahmm sige aalis na ako,nice meeting you Zoe and Zared, and sorry again,"pamamaalam nito na ikanalungkot nya at di nya alam kung bakit.

"Bye!, I'm hoping I'll see you again next time,"ngumiti lang siya dahil nalulungkot pa rin sya ng aalis na ito at baka di nya na ulit makita ang anghel na nasa harapan nya ngayon.

"Bye rin Ate,"malungkot na saad ni Zoe.

"Oh!, don't be sad magkikita pa naman tayo,"nakangiting pagpapayag nito na ikinaliwanag ng mukha ni Zoe, di nya maiwasang ngumiti dahil ngayon nya lang itong nakitang ngumiti ng masaya at totoo sa ibang tao.

"Nice meeting you two, I better go now, baka hinahanap nako ng mga kaibigan ko, Bye!"masiglang pagpapaalam nito halatang tinatangal nito ang malungkot na atmosphere sa pagitan nilang tatlo.

"Bye Khade, nice meeting you too,"paalam ni Zared na pinipilit na alisin ang lungkot na bumabalot sa puso nya.

Hanggang sa pag uwi ay di nawala sa isip nya ang anghel na kilala nya,naalala nya ang mukha nito,mga perpektong pagkakahugis ng mahaba at makapal nitong kilay,ang mata nito na may makapal at mahahabang pilikmata ang skyblue na kulay ng mata nito pakiramdam nya sa tuwing tinititigan ito nawawala sya sa huwisyo,ang matangos at perpektong ilong nito at di nya rin mahanapan ng pores or black and white heads o kaya ay pimples napakakinis ng mukha nito parang baby, at ang huli ay ang pulang labi nito parang ang sarap halikan ng mga labi nito.

Di nya maiwasang mapangiti sa ka nyang iniisip siguro ay na love at first sight sya dito, hanggang sa pagpikit ng mata ay ang maamong mukha nito ang nasa isipan nya.

🎵🎵🎵🎵🎵🎵🎵🎵
Well I hope it's good.

Hi Beauties! Gusto ko sa nang  magcomment kayo, dahil I wanna know your point of view or opinion on this chapter, thanks for reading and supporting.

The Good Boy's Obssession (SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon