A/N: Isa po ko sa mga nalungkot na #KimCyNoMore na ang dalawa, damayan ko kayong mga kapwa KimCy shippers dyan oh 😭 so I made a story with this song dahil habang nagdadadrama ako biglang nagplay tong kantang to and something popped in my mind
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Cyd's POV
May mga bagay talagang hindi mo pwedeng ilevel-up...
Parang Friendship lang namin ni Kim...
Yung akala mo lahat ng galaw at lambing na pinapahiwatig niya may meaning...
Kung nakamamatay lang ang maling akala, siguro wala na ko rito sa mundong kinagagalawan ko...
Umasa ako... Umasa ako na sana parehas kami ng iniisip ngunit nagkamali ako
Mas lalo akong nasaktan simula nung nag-confess siya na ikinagulat ng marami...
'Walang namamagitan samin'
'Teammates lang kami'
'Superfriends lang kami, teammates nga diba?'These words broke my heart
Tapos ngayon malalaman ko nalang na SILA NA
Parang ilang beses akong sinaksak sa puso
~~~~~~~~~~
Nasa kalagitnaan ako ngpagdadrama ng may kumatok sa pinto
"Ate Gurl? Ohhh, nakaistorbo ba ko?", si Kianna pala
"Ahh hindi hindi", banggit ko at pinahid ang luha ko
Pumasok siya sa kwarto at isinara ang pinto tsaka siya tumabi sakin rito sa kama
"Ate", pag-aalala niya sakin
"Okay lang ako", saka na umagos ang luha ko "Okay lang, o-okay l-lang", napaiyak nalang ako
Napayakap nalang ako kay Kianna habang hinahagod-hagid niya ang likod ko
"Shh, tahan na ate", pagpapatahan niya sakin
"Ansakit", iyak ko "Akala ko, akala ko na m-mahal niya rin *sniff* ako g-gaya *sniff* ng pagmamahal k-ko sa kanya"
"Shh, siguro ate it's not your time yet to love someone like what you're expecting namamahalin ka rin niya, that part of our life, ang masaktan, but sometimes, you have to face the reality, expect the unexpected ika nga", sambit nito sakin
Parehas nalang kaming natahimik habang ako umiiyak parin at siya hinahagod ang likod ko...
"Ate didit, alam kong kakayanin mong malagpasan to, alam kong makakamove-on ka rin, 'Thea Can Do It' nga diba? Malaki ang tiwala ko sayo na kakayanin mo yan", ngiti niya sakin
Kumalas na siya sa yakap at tumayo
"Nga pala it's videoke night, remember?", oo nga pala, nakalimutan ko tuloy kakadrama "Actually, yan lang talaga pinunta ko rito dahil hinahanap ka na nila sa baba kaso nadatnan kita na ganyan", dugtong niya
"Gusto mo bang sabihin ko nalang na di ka na makakasama, uhm you know kase nga nandun si Ate Kimmy, sabihin ko nalang na masak---"
"No, I'll join, sabihin mo nalang na bababa rin ako", putol ko sa kanya
"If you say so, baba na ko dun", huling banggit ni Kianna saka siya lumabas ng kwarto
Pumasok ako ng cr at inayos ang sarili ko para di nila mahalata na namamaga yung mata ko
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
FanfictionKaRa x KimCy compilations peeps! Sorry kung masyadong cliche, first time eh ✌