a/n: this is the part 2 of chapter 3.
pasensya na guys at ngayon lang napost
so enjoy:))
-yowiebear
JC's POV
Habang nasa counter ako nakapila, pinahanap ko na si Liyah ng mauupuan namin baka kasi mawalan kami ng upuan sa dami ng tao.
Nung nakita kong nakahanap na si Liyah ng mauupuan, tinuon ko na ang attensyon ko sa counter. Ako na kasi ang next na oorder.
"Good morning sir, may I take your order?"
sabi nung babae sa counter habang ang lapad ng ngiti.
Parang ngayon lang nakakita ng gwapo eh, sus!
Eh sa sobrang gwapo ko naman talaga.
Hindi ako nagyayabang readers ha? Gwapo talaga ako.
Andaming nagkakandarapa sa'kin, sa school pa lang.
whooooooooo!! ^__________^V
Nag order lang ako ng kakainin namin ni Liyah.
Madaming fries tsaka ice cream dahil favorite yun namin ni Liyah.
Habang hinihanda yung order ko at ako naghihintay, napatingin ako sa kinauupuan ni Liyah.
May kumakausap sakanyang lalaki.
Parang pamilyar yung mukha, di ko lang masyado makita dahil naka side view sya.
Bigla akong kinabahan kaya nagdecide akong puntahan na si Liyah, baka may masamang mangyari.
"ahhm, miss pwede pakidala na lang sa table na yun yung inorder ko?"
tinuro ko yung table na kinauupuan ni Liyah,
"ah, sige po sir"
sabi nung babae sa counter
"thank you"
nginitian ko lang yung babae at umalis na.
Parang hihimatayin naman yung babae nung nginitian ko.
tss! mga babae nga naman, di na nasanay sa kagwapuhan ko.
Habang papunta ko sa table namin ni Liyah nakikta ko lang yung likod nung lalaki, parang pamilyar talaga to.
Narinig ko silang nag-uusap.
"Do i know you?" sabi ni Liyah dun sa lalaki
"a-ahm, s-school mate mo ko"
sabi nung lalaki na parang kinakabahan
"ah' okay, may kelangan ka?"
Tanong ni Liyah
"ah, wala. Gusto ko lang makipagkaibigan. Ako nga pala si---"
*EHEM*
di na natapos nung lalaki yung sasabihin nya dahil pinutol ko na. tss!
Kaibigan! Eh, parang may gusto sya kay Liyah eh,
Napatingin sa'kin sina Liyah at yung lalaki nung mapansin nilang nandun pala ako.
"oh kuya, asan na yung inorder mo?"
tanong ni Liyah
"nasa counter pa"
sagot ko naman
"eh kuya ba't antagal, gutom na ko eh"
reklamo ni Liyah
Habang nag-uusap kami, hindi namin napansin na umalis na pala yung lalaki.
BINABASA MO ANG
He's My True Love (on hold)
RomanceAnong mararamdaman mo kapag bigla ka na lang iniwan ng basta-basta ng taong pinakamamahal mo ng sobra-sobra?? yung pangyayaring hindi mo inaasahang mangyayari pala? Anong mangyayari sa buhay ni Alliyah ngayong iniwan siya ng one great love niya?? ma...