~Kenneth's POV~
"Wowww!! Ang ganda talaga dito, ang daming pedeng biktimahin!" ani Manuel. Ay nako di na talaga natuto yang si Manuel
"May nakita nga ako sa facebook tapos sabi dito rin daw siya nag-aaral" pagtutuloy niya sa kwento niya at sabay tawa namin ni Ivan. Pati ba naman yon nirereseach niya?!
"Cass ang pangalan niya, at tatlo silang magkakaibigan bagay kayo nung isa don. Maxi--- Maxim--- ayon! Maxine! Yun ang pangalan niya" ay nako andaming sinabi
"Di mo nalang gayahin si Ivan, tahimik na nagmumuni-muni" pang-aasar ko kay Ivan at humagalpak naman ng tawa si Manuel
"Loko ka talaga Ken!" sigaw niya sakin.
First day namin ngayon sa school dito sa bagong school na papasukan namin. Naglalakad kaming tatlo papuntang office para kunin sana ang mga I.D. pero may nahagip akong isang babaeng sobrang gandaa.
"Huy Ken! Ken!" Bumalik ako sa sarili ko ng narinig kong tinatawag ako ni Manuel. "Ano nanaman ba?" Pasigaw kong tanong.
"Ano kukunin mo ba ang I.D. mo o hindi?!" Wika ni Manuel. "Eto na nga oh papunta na!" Hala! Nawala sa paningin ko yung babae.
****
Nasa classroom na kami dahil limang minuto nalang ay magsisimula na ang klase.Nang may dumating na 3 babae ay saktong pagdating naman ni maam. Nag-explain si maam tungkol sa mga rules dito sa school. Sinabi naman ni maam na magpakilala na raw kami.
Ang unang nagpakilala ay si....... Teka! Siya yung babae kanina ah! Magkaklase pala kami. "Hi my name is Maxine Rae Garcia but you can call me Maxi for short" So tama si Manuel, Maxine nga.
"Hi I am Chin Cassidy Lopez but you can call me Cass" nagpakilala naman ang kanyang kaibigan. So eto pala yung tinutukoy ni Manuel kaninang umaga.
"Hi classmates! Ako nga pala si Kate Margaret Jackson hihi ang paborito kong kulay ay red at uhmm--" sa tingin ko ay may pagkamadaldal ito.
"Sige sige Ms. Jackson tama na 'yon. Oh ikaw naman" turo niya dun sa iba naming kaklase
Nagpakilala na rin ang iba naming kaklase hanggang sa kaming tatlo nalang ang natitira. "Ako po pala si Kenneth Xavier Pamatmat but you can call me Ken for short" pagpapakilala ko.
At sumunod naman si Ivan. "A-ako naman si Ivan Edward Torres " medyo nahihiyang pagpapakilala niya.
At ang huli ang pinakamadaldal saming tatlong magkakaibigan "Well hi classmates! uhmm ako nga pala si Manuel Alexander Andrada ang pinakagwapo niyong kaklase."
****
Nang nag uwian na di ko na siya nakausap dahil lagi silang magkakasama nina Kate at Cass..."Oh anjan ka na pala Ken! Heto kumain ka na pinagluto kita ng paborito mong Baked Mac" paborito ko talaga ang pastas "Woww thank you manang kaya love na love kita e" pasasalamat ko sakanya.
"Oh e kamusta naman ang unang araw ng eskwela?" tanong niya ng may halong pagdududa
"Manang pati banaman ikaw? Di ka rin naniniwala?" sagot ko naman sakanya
"Okay naman ang unang araw" dugtong ko sa sinabi "Sige sabi mo eh, Oh siya, kumain ka na at makapagpahinga" at nagsimula na akong kumain at natapos
"Oh sige po, akyat na po ako" pagpapaalam ko at tuluyan nang umakyat.
Pero habang paakyat ako ay naaalala ko parin si Maxine. Haaayyyss ganto ba talaga ang feeling pag inlove? HAHAHA natatawa nalang ako sa sarili ko.
Biglang tumunog ang cellphone ko at nakitang si Ivan ang tumatawag "Oh Ivan napatawag ka?" tanong ko "Ah wala naman sasabihin ko lang na bukas daw nila tayo itotour sa buong school at sa tingin ko ay matutuwa ka pag nalaman mo kung sino!" sabay tawa niya. Sila Maxine kaya?!
"Sino?" nagtatakang tanong ko "Sino pa ba? Edi ang pinakamamahal mong si Maxine!" pang aasar niya sakin "Loko! haha sige bye na matutulog na ako" pamamaalam ko "Sige bye na den" at nakatulog narin ako sa pagiisip kay Maxine.