Bitter 1

3 0 0
                                    

(Jessica)

"Good Morning Ma'am!" Bati sa akin nung guard na nagbabantay sa building kung nasaan ako nakatira

"Anong Good sa Morning? Bwisit" sabi ko habang nakabusangot. Ang aga-aga kaya! Nakakabwisit! Sino bang gusto magising ng 7:30 am para lang pumasok!?

(A/N: Yung mga Nerds or yung gusto tumalino)

Nerds!? Kaya hindi sila gumaganda eh! Puta!

(A/N: Grabe ka naman! Kaya wala ka pang boyfriend hanggang ngayon eh)

Wala akong paki sa kanila! Walang forever! Mas magandang maging single! Wala kang poproblemahin!

(A/N: Ewan ko sayo, Jess! Pumasok ka na lang nga!)

Whatever! Nakakaloka ka!

May biglang nagstop na Jeep sa gilid ko malapit na siyang mapuno kaya binilisan ko sa paglakad at nung pagkapatong ko ng paa ko sa tapakan nung Jeep bigla namang nagsalita si Manong Barker

"Oh may isa pang bakante! Yung mga single! Yung walang asawa! Yung walang boyfriend! Yung poreber alone! Yung walang kaibigan! Yung lagi mag-isa! May isa pa oh! Yung walang kamag-anak!! Yung---!!" Sigaw ni Manong barker pero pinutol ko agad siya

"Oo na! Putang-ina naman eh! Ako na mag-isa! Langya! Nakakabad-trip ka naman Manong! Bwisit!" Naiiritang sigaw ko sa kanya at di na tumuloy sa pag sakay ng Jeep

Halos lahat naman nung nakasakay ng Jeep natawa habang si Manong barker nagulat sa pagsigaw ko

May nakakatawa ba sa sinabi ko ha Author?

(A/N: Wala naman)

Eh bakit sila tumatawa? Mga baliw na nga yung mga tao ngayon

Nakakabwisit sasakay na lang nga ako sa tricycle. Nakakabwisit yung Manong Barker na yun!

*School*

Pagkababa ko ng Tricycle binigay ko na kay Manong Driver yung bayad ko sabay tingin sa School na papasukan ko

Para siyang school na nakikita mo sa mga korean dramas, alam niyo yun? Tapos yung mga estyudante, maldita at arrogante

[School at the media 😁👆]

Wala pang masyadong students, yung nag-sostroll dito sa school grounds kasi masyado pang maaga kaya binilisan ko yung kilos ko at pumunta doon principal's office

*knock knock*

"Come in---Jessie! Andito ka na pala! Maganda ba yung school?" Tanong sa akin ni Auntie, yung kapatid ng Mommy ko

"Opo Auntie, sched ko?" Tanong ko sa kanya kaya napangiti siya

"Di ka pa rin nagbabago, naalala ko tuloy Mommy mo sayo" sabi niya kaya napangiti ako ng mapait

"Salamat na lang po" sabi ko

"Oh eto sched, locker keys at school map mo" sabi niya sabay abot sa akin nung gamit, kinuha ko naman

"Salamat Auntie, una na po ako" sabi ko sabay bow sa kanya at nagmadali ng umalis

Pagkalabas ko ng principal's office, biglang rumami yung students sa hallway tapos nung nagsimula na akong maglakad lahat sila napatingin sa akin pero hindi ko sila pinansin at dumeretso na sa una kong subject

Pagkapunta ko sa classroom, wala pang masyadong tao. Ang nandun lang ay isang malanding couple na naghahalikan, isang nerd na nagbabasa at dalawang babaeng nagdadaldalan

Umupo ako dun sa pinakadulo na katabi ang bintana para walang umistorbo sa akin

Unti-unting dumating yung mga students at lahat napapatingin sa akin pero hindi ko pa rin sila pinansin tapos sinuot yung earphones ko at tumingin sa labas ng bintana

Saka lang ako tumingin sa harap ko ng may tumayo sa harapan ko

"IKAW!?" sabay naming sigaw sa pagkagulat

~¤~¤~¤~TBC~¤~¤~¤~

Hello! First time ko po magsulat ng story kaya wag sana kayo hard sa akin >3<

Kahit isang 'Maganda' or 'panget' lang po ang icomment niyo, ma-aappreciate ko po yun

Pero sana po magbigay kayo ng feedback

-Z

Bitter JessiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon