Nagmamahal, TATAY

90 1 1
                                    

Nagmamahal, Tatay

This story was originally made for my brother's project. hahahah.

Dedicated to my SUPERHEROES.

Tatay Tino

Tatay Noknok

Nagmamahal,

BEBE

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 Habang naglalakad si Mang Kanor sa gilid ng National High way upang mangalakal. Isang Kahon ang pumukaw sa kanyang pansin. Dahan-dahan nya itong binuksan. Ikinagulat nya ang laman nito.

Isang sanggol na himbing na himbing ang tulog na di alintana ang baho at dumi ng basurahang pinagtaponan sa kanya.

Hindi nagdalawang isip ang singkwenta y anyos na matanda na dalhin at kupkupin ang sanggol.

"Simula sa araw na to ay tatawagin kang Lucas.ang anak ni Kanor."-Kanor

Dinala ni Mang Kanor ang sanggol sa kanyang barong-barong sa ilalim ng isang tulay. Kahit na mahirap ang buhay nya ay pinilit pa rin nyang binuhay ang batang si Lucas.

Lumaking matalino at magalang si Lucas. Tinaguyod ni Mang Kanor ang pag-aaral ng nag-iisang anak na si Lucas sa pamamagitan ng panganalakal. Araw gabi nyang binabagtas ang mga lansangan ng maynila upang makakolekta ng mga kalakal para lang makapagpatuloy ng pag-aaral ang anak.

Makalipas ang labing-anim na taon ay magtatapos na ng high school si Lucas.

"Tay!"- masayang tawag ni Lucas sa ama.

"Oh, bakit ?"-sagot ni Kanor mula sa loob ng barung-barong.

Isang maainit na yakap lamang ang tinugon ni Lucas sa ama.

"Bakit?"-gulat na tanong ni Kanor sa anak habang yakap pa rin sya nito.

"Maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sakin Tay."-sagot ni Lucas.

"Walang anuman."-may ngiting sagot ni Mang Kanor.

"Tay, Validectorian po ako!"-masayang balita ni Lucas sa Ama.

Walang kahit anong reaksyon ang si Mang Lucas. Lumuha na lamang ito ng bigla nang  marinig ang sinabi ng anak.

"Umiiyak ka ba tay?"-usisa ni Lucas.

"Masaya lang ako anak. Paanu ba yan? Hindi ko na kakayanin ang Kolehiyo mo. Hanggang High School lang talaga ang kaya ko."-nanghihinayang na sabi ni Kanor.

"Huwag kayong mag-alala Tay. Ako na ang bahala."-may ngiting sagot ni Lucas."Maraming salamat sa lahat ng ginawa nyo para sakin kahit na hindi tayo magkadugo. Mahal na mahal kita Tay."-sabay yakap ni Lucas sa Ama.

Ayaw man ni mang kanor na matigil ang anak sa pag-aaral ngunit kailangan nagn dahil sa hindi na rin matatago ang katandaan nya. Masyado rin kasing mahal ang matrikula sa Kolehiyo kaya hindi na talaga niya kakayanin kahit na ilang beses pa nyang libutin ang mga lansangan ng maynila.

GRADUATION DAY!

"Valedictorian ....LUCAS SAN PEDRO."-sabi ng host ng graduation rights ng paaralan ni Lucas.

Kasama ni Mang Kanor ay tinanggap nila ang parangal para kay Lucas. Isang masigabong palakpakan mula sa mga tao ang natanggap ng mag-ama. Hindi lingid sa lahat ang katotohanan sa pagkatao ni Lucas na nagpahanga sa lahat lalo pa sa kanyang ama na si Mang Kanor.

Isang maliit na salo-salo ang pinlano ng mag kaklase ni Lucas sa kanilang maliit na barung-barong, dahil sa alam din nila kung gaanu kahalaga sa kanya ang moment na yun.

"Maraming salamat sa inyong lahat."-sabi ni Mang Kanor sa lahat ng kaklase ni Lucas.

"Walang anuman tatay Kanor."-sagot ng isang kaklase ni Lucas na si Marie.

Matapos ang salo-salo ay nagsi-uwian na din ang lahat. Si Mang kanor at si Lucas na lamang ang naiwan sa kanilang barung-barong.

Naka-upo sa labas ng si Lucas nang tumabi sa kanya ang Ama.

"Oh, tay, sana masaya po kayo."-may ngiting sabi ni Lucas sa ama.

"Masayang-masaya ako para sa iyo anak."-sagot ni Kanor.

"Maraming salamat talaga tay. Hayaan nyo, pag nakapagtrabaho na po ako ibibili ko kayo ng malaking bahay."-masayang pahayag ni Lucas.

Ngunit hindi nya mamalayan ang unti-unting pagbagsak ng ama sa lupa.

"Tay!, Gumising ka Tay! Tulong!"-sigaw ni Lucas.

 Nagtulungan ang lahat ng mga kapi-bahay nila upang madala sa Hospital si Mang Kanor. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na ito umabot. Inatake ito sa puso. matagal na pala itong may sakit ngunit mas pinili nya ang hayaan na lang at nang hindi mag-alala ang anak.

Hindi lubos maisip ni Lucas ang mangyayari sa kanya pagkatapos ng lahat. Ang kaisa-isang taong nagbigay ng bagong buhay sa kanya ay wala na.

Matapos ang libing ay nakakabingi na ang katahimikan sa loob ng barung-barong ng mag-ama.

Tulala at nag-iisip si Lucas.

Naisip nya ang tipunin ang lahat ng gamit ng ama at itabi sa isang lugar.

Sa ilalim ng kama ni Mang kanot naroon ang lahat ng mga gamit nito, Kabilang ang isang kahon.

Binuksan nya ito.....naroon ang lahat ng maaring gamit nya nang matagpuan siya ng ama sa mabahong basurahan.

Hindi na napigilan ni Lucas ang maiyak. Isang liham ang natagpuan nya kasama ng mga gamit nya.

Lucas,

Mahal na mahal kita anak.

NAGMAMAHAL, TATAY.

****END*****

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Isang Buhay isang  pag-asa.

let's love our father.

GOODVIBES 

Nagmamahal, TATAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon