Chapter 2

17 0 2
                                    

Chapter 2

Shanako's POV

Kanina pa ako tulala dito sa desk ko. Iniisip ko parin yung nangyari kanina.

Talaga bang di ako nananaginip sabay kurot ko sa pisngi ko.

"Aray..." sabi ko.

Totoo nga! Shocks. Ako nga yung nginitian niya. Grabe ang gwapo niya tlga. Kaya naman lahat ng babae may gusto sa kanya eh. Pero ako paghanga lang siguro. Gusto ko kasi yung confidence na meron siya kaya siguro maraming kaibigan at sikat pa sa buong school. Samantalang ako walang gustong makipagkaibigan, walang gustong lumapit kase lahat natatakot. Haaayy bakit ba?

Ipapakilala ko muna sa inyo ang aming Mr.Popular

Si Jan Steven Westwood. 19 years old at 3rd year high school din. Sikat siya sa buong school. Napakabait at matulungin kaya nga student council yan e at siya din ang class representative namin. Lahat ata ng students kilala siya. Lahat kaibigan niya. Marami ngang may crush diyan eh. kaya nga nagulat ako nung bigla siyang ngumiti sakin eh. baka may lagnat? hehehehehe.

(Krrrriiiiiinnnnnngggggg!)

Hay makakauwi na rin sa wakas. ang bilis talaga ng oras. Di ko namalayan uwian na pala. Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko tska nako bumaba ng building namin. Madalas ako huling lumalabas ng classroom para magcheck.

Habang naglalakad ako pauwi may nakaagaw ng pansin ko. Nakaupo siya sa may bench at mukhang may hinihintay.

"S-ss-Steven" ayan na naman ako sa  pag s-statter ko.

"Buti naman dumating ka na kanina pa kita hinihintay eh" sabi niya pero di siya nakatingin.

Teka pakirewind nga. Anong sabi niya?! Hinihintay niya ko? Yung totoo?!

"Ahm .... ano..... kase ..... bakit mo naman ako hinihintay?" tanong ko.

"bakit mo ba hinihintay ang isang tao?" tanong naman niya.

Di ko alam ang sasabihin ko. Bigla nalang nablangko ang utak ko. Gosh shana mag salita ka.

"ano... kase ..... uhmmm kase may kailangan siya?!" inosente ko sagot.

"Mali! .......... kase mahal mo siya" diretsong sabi niya.

O.O!

*DUGDUG DUGDUG DUGDUG*

Teka ano daw? Mahal? Parang bumilis na naman yung tibok ng puso ko. Ano na naman ba to? may sakit na ba ako sa puso?

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAH! Joke lang. Kaw talaga" sabay kurot sa pisngi ko.

"Ang cute mo pala kapag nagbublush ka." sabi niya.

O.O!

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Teka ako nagblush?! Please po Papa Lord ano po bang nakain ng taong to at ganyan siya sakin.Kinilabutan po ako sa mga pinag sasabi niya. Eto na po ba ang ang reward ko sa lahat ng pagtitiis ko ng 16 years? thank you po. sobrang thankyou!

"Tara na. Sabay na tayo umuwi." aya niya sakin.

Oo nga pala magka subdivison pala kami. Madalas ko siyang makita dun pag papasok na sa school pero kasabay niya yung mga kaibigan niya  at ako naman mag isa lang.

"Ay naku hindi na! kaya ko namang maglakad mag-isa e" paliwanag ko.

"Tara na sabi e" sabay hila niya sa kamay ko.

May magagawa pa ba ako?! bawal tumanggi eh. Tahimik lang kami habang naglalakad. Ang daming gumugulo sa isip ko ngayon. Bakit ganito yung pakikitungo niya sakin? Ano ba talagang nangyayari?

"Hihintayin kita bukas ha?" sabi niya bigla namang naputol ang pagmumuni muni ko.

"HA?"

"sabi ko hihintayin kita bukas. diba idedecorate natin yung booth natin para sa festival?"

"Ah yun ba? kase steven .... ano eh .... di kase ako pupunta sa festival. tska isa pa may gagawin pa ako e nun e. next year nalang siguro." paliwanag ko sa kanya.

"Hindi pwede! basta pumunta ka......" seryosong sabi niya.

Grabe sobrang seryoso ng mukha niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Kadalasan kase lagi siyang nakangiti e.

" ....alam kong gusto mong pumunta kaso natatakot ka. Natatakot kang iwasan ka ng mga tao. Gusto mong maging useful ka para sa iba kaya lang nahihirap kang ipakita kung sino ka talaga kasi walang gustong umappreciate sa ginagawa mo. Walang gustong kumaibigan sayo kase ang alam nila may dala kang sumpa. Pwes ibahin mo ko. Ibahin mo ko sa sanila SHANAKO. Ako naniniwala ako sayo. Naniniwala ako sa galing mo. Alam kong mabait kang tao. Ipakita mo sa kanila yon Shanako. Ipakita mo yung Shanako'ng una kong nakita mula ng nag-aral ako dito. Alam ko kaya mo yan .... "

Nabigla ako sa mga sinabi na. First time may tumawag sa akin ng pangalan ko. First time may nakakilala sakin sa pangalang Shanako. Ang saya saya ko ^^, di ko akalain manggagaling pa kay Steven to.

Tama! kailangan ko patunayan sa iba kung sino talga ako. Kung ano ang kaya kong gawin. Gusto ko magkaroon ng kaibigan katulad niya. Katulad ng mga kaibigang meron siya. Kailangan kong subukan. Naniniwala siya sakin. Naniniwala siya sakin. Kaya mo yan Shan! Kaya mo yan.

"so paano ba yan? Bukas ulit . Ingat ka SHANAKO" (^^,) tapos sabay ngiti.

O.O !

Niyakap niya ako.

"Galingan mo alam kong kaya mo yan" bulong niya sabay alis.

* Dugdug Dugdug*

Waaaaaahhhhhh Steven bakit ka ganyan?pinapabilis mo yung tibok ng puso ko!

******************************************************************************************************

Hello po Readers. dahil konti lang pala ung na update ko kahapon bumawi ako sa inyo. hehehe enjoy reading po.

@iamAndeng.. pa follow na din. thankyou.

VOTES&COMMENT naman kayo.

See you next chapter.

_SuperRhiel!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Romantic FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon