Chapter 20

28.3K 744 34
                                    

WARNING! SPG AHEAD AND PLEASE MAGBASA PO KAYO NG ANNOUNCEMENT AFTER NG CHAPTER NA TO, THANK YOU!

and also dedicated to Mimeil

Enjoy reading babes!

Chapter 20

Artemis POV

X mafia huh?

Nakatingin ako ngayon sa mag-aama ko na payapang natutulog sa carpet dito sa living room. Napapadalas na kasi ang pag-tulog namin dito sa sala dahil sa kakulitan ni panget na Tj na lagi namang sinasabayan ng kambal.

Nakanganga si Tj samantalang yung kambal naman ay parang linta na nakayakap sa daddy nila. Buti pa yung kambal, cute matulog samantalang yung tatay nila mukhang bakulaw wahahahaha.

" Art" napalingon ako at nakita ko si kulot na bihis na bihis at may hawak na maleta.

" Bakit? And what's with your look?" taas kilay kong tanong.

Ano naman kayang drama nitong Kulot na to?

" A-Ano. Magpapa-alam sana ako. May emergency si Charmaine eh" kumunot naman ang noo ko.

" Bakit anyare sa maganda kong pamangkin na mana sakin at hindi sayo?" tanong ko

Kung hindi nyo naaalala, si Charmaine ang anak ni Kulot sa pagkadalaga nya. Kalandian kasi eh wahahaha jk.

" Ano, b-basta.. Hindi din sinabi." Lihim akong napa-ismid sa sinabi nya. She's clearly hiding something pero hindi ko na iyon pinansin.

" Ah, basta bumalik ka dito. Ge" tango ko at kunwaring walang pake.

Nagmamadali naman na syang umalis at hindi man lang nag-abalang magpaalam sa kambal. Hmmm...

Ilang sandali pa akong nanatili sa tabi ng maga-ama ko nang mapagpasyahan kong gawin na ang kailangan kong gawin. Alas nuebe (9:00) palang naman ng gabi kaya mahaba pa ang oras.

Agad akong nagpunta sa kwarto ko at in-open ang loptop ko at mabilis na naglog in sa underground website using a dummy account na kung ita-try tignan o i-trace ay magiging parang virus.

I clicked the search bar at tinype ang salitang X-Mafia.

Nag-log sandali pagkatapos ay walang result na lumabas. Napataas ang kilay ko.

I tried searching again pero wala pa rin talaga kaya naman naisipan kong i-type ang pangalan ng tao na hindi ko alam kung buhay pa ba o hinde. Limang taon na rin ang nakalilipas at hindi ako sigurado kung buhay pa rin ito at ginagawa ang utos ko o hindi na.

At sa tingin ko rin ay ang inutos ko sa taong ito 5 years ago ay may kinalaman sa X mafia. Well, kutob ko lang naman but I never underestimated my instincs.

I typed Z on the search bar at napataas nalang ang dulo ng labi ko ng makita ko ang isang article na lumabas na na-publish 4 years ago pa. I clicked it at mas lalo akong napangisi sa nabasa.

Mabilis lang yon dahil biglang nag-blur at mukhang may virus kaya naman agad ko iyong kinontra. Hindi na ako nag-abala pang tignan ulit iyon dahil kahit saglit lang ay sapat na para tumama ang kutob ko.

" You're underestimating me Z. A virus? Really?" natatawa kong sabi.

That kid, tsk!

( note: makikilala nyo po si Z sa Spy Next Door. Story po ni Ace)

Naglog-out na ako at nag open nalang ng facebook. Hindi pa ako inaantok and I'm thinking if I'll pay Z a visit o kung dito nalang ako at matulog kasama yung tatlo sa sala. Seriously, hindi ko alam kung anong uunahin ko, tinatamad kasi ako ugh!

STB2: I am the BOSS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon