Chapter 36

17.7K 475 37
                                    

NOTE: THANK THE K-DRAMA "W" FOR THIS CHAPTER. I WILL TELL YOU GUYS WHY LATER OKAY? ENJOY GUYS! ^_^

Ps. wag nalang pong pansinin yung kadramahan ko sa last update. Hindi lang po talaga ako sanay na hindi nagso-sorry kung alam kong ako ang mali. Para lang po yun sa isang tao eh haha.

Chapter 36

Tj's POV

" Baby, are you ready?"

Napabuntong hininga nalang ako nang hindi nya ako sagutin. Binuksan ko ang pinto ng kwarto namin and I found her sitting on the bed at tulala na naman.

Lumapit ako sa kanya at inilagay sa likod ng tenga nya ang mga takas na buhok na humarang sa mukha nya. It's been a month at mukhang hanggang ngayon ay hindi nya pa rin matanggap.

Ako din naman eh.

" Hey baby... Let's go?" ngumiti ako sa kanya at hinila na sya.

Okay naman na sya pero eto nga minsan natutulala nalang.

Ilang sandali pa ay nakadating na kami sa simenteryo at agad naman kaming nagpunta sa puntod nila. Nga pala, nandito kami ngayon sa America dahil nagpasya kami na dito nalang sila ilibing dahil dito naman talaga ang bahay nila kasama ang puntod din ng lolo at lola nila pati na rin ang mommy nila.

Iniligay ko ang mga bulaklak na binili ko kanina at saka ako tumayo. Si Art naman ay nakatingin lang sa puntod at malalim na naman ang nasa isip.

I heaved a sigh at pinagmasdan nalang rin ang puntod.

Zero Valderama

Yuuki Valderama

-----

Artemis POV

It's been a month at hanggang ngayon ay parang isa pa ring napakasamang bangungot ang nangyari. My brother, na kahit half brother ko lang na mahal ko at palagi kong inaasar ay wala na at kahit kailan ay hindi ko na muling makikita.

Inilipat ko ang tingin ko sa katabi nyang puntod.

Yuuki Valderama

Tignan mo nga naman Puki. Nauna pa kayong dalawa sa akin noh? Ikaw, umayos ka jan ha? Wag mong papasakitin ang ulo ni Zero panget kundi pepektusan kita. Wag mo na ring isipin si baby Storm kasi promise, aalagaan ko sya.

At ikaw naman Zero...

Ang bata bata mo pa para umalis dito pero ano nga ba ang magagawa ko? Mukhang oras mo na talaga eh kaya sinundo ka na ni kamatayan. Walangya ka kasi hindi mo man lang ako sinabihan ng I love you. Naalala mo ba five years ago? Yung kinulit kita sa bahay mo... Gusto ko sanang ulitin yun pero wala ka na eh...

I'm sorry dahil wala akong nagawa and I hope masaya ka na jan ha?

Shana will grow up na maganda at matalinong bata pangako yan.

Both of you... tatanawin kong utang na loob ang pagprotekta nyo sa kambal ko.

Rest in peace love birds.

--------

"mommy!" agad akong umpo para buhatin si Shawn at si Shin naman ay binuhat ni Tyler.

Ngumiti ako kay Kulot na naglalakad papalapit sa amin.

" can we talk?"tumango naman ako sa kanya at ipinasa si Shawn sa daddy nya.

Naglakad kami papunta sa sala ng bahay at naupo.

" Hindi na kami sasama sa Pilipinas" napabaling ako sa kanya.

" why?" tanong ko.

" hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na nahanap ko na ang daddy ni Charmaine diba? And I'm also planning to settle here for good" napangisi ako.

STB2: I am the BOSS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon