I. ***JELLY ME***

29 1 0
                                    

"Uy bakla!"

Nabigla ako sa tapik ni Safia sa balikat ko. Lexe naman! Muntik na akong mahulog sa upuan sa ginawa niya.

"Safia Therese!" Reklamo ko at pinukulan ko siya ng pamatay na tingin.

"Haha Freah! Ang pangit, ang mata, ang mata! Oh hala ayan na mga zombies!" Tatawa-tawa niyang sabi. Inirapan ko siya. Pagkabaling ko sa harapan ay nakita ko na ang mga zombies na paparating.

"Good morning po Ma'am!"

Bati ko sa may katabaan at medyo may edad ng babae na nakatayo at nakapila sa harapan ng transaction window. Nakangiti siya sa akin at gumanti ng bati rin naman.

"Miss Ganda, mabilis lang ba makukuha ang result?"

Tanong niya habang tina-transact ko ng isa-isa ang mga test na ipagagawa niya sa araw na iyon.

"Ay! Thank you po Ma'am! One o'clock pm po "Ma'am ang releasing namin ng results." Nakangiti kong paliwanag sa kanya. Ikaw ba naman ang sabihan ng maganda di ba? Ha ha

Baka po nagtataka kayo sa ginagawa ko. Sa isang malaking hospital po ako nagwo-work. Graduate ako ng nursing pero hindi pa license kaya naman tiaga-tiaga muna ako sa pagiging secretary sa laboratory.

"Good morning, Ma'am Freah!"

Lexe! Nanjan na si crush!

Tumingin lang ako sa kanya at tipid na ngumiti ng pumasok siya sa loon ng lab.

"Hmn! Taray!" Reklamo niya dahil sa naging response ko sa kanya.

Wah! Badtrip! Naasar ako sa kanya. Alam mo yun? Naasar ka kasi crush mo yung taong yun? Sumulyap ako sa gawi niya kung saan pinapatong niya yung dala-dala niyang bag.

"Hi sweety!" Bati ni crush kay Keila.

"I miss you sweety!" Sabay hug nila sa isa't-isa with matching kiss pa si Keila sa pisngi niya. Aww what a seen?!

"Ma'am tatawagin na lang po kayo." Sabi ko kay pasyente. Ngumiti naman siya at umupo sa may waiting area. Isa pa ulit zombie ang aking hinarap. Ha ha maka-zombie eh noh? Yun kasi tawag namin sa mga patients na pumupunta para magpa-laboratory test.

"Aba'y kaganda mo naman ineng. May boyfriend ka baga?"

"Ay salamat po Sir! Naku wala nga po." Si Sir, mukhang i-iscore pa sa akin ah? Haha kakulit ng mga pasyente.

"Ay alam mo baga ineng, May apo ako, ka-gwapo. Bagay kayo." Ngumiti siya sa akin. Tuloy-tuloy lang ako sa trabaho ko habang nagku-kwento siya. Apo pala niya ang ini-rereto niya sa akin.

"Actually, dito siya ineng nagwowork." Sabi ni Sir na sa totoo lang nama'y hindi ko na masyadong iniintindi dahil ako'y hindi naman interesado. Wah!!!

"Sweety, sama ka sa akin mamaya. Magwork-out tayo."

Narinig kong sabi ni Sir Jairon.

"Naku, di ako pwede ngayon. May date kami ng asawa ko." Sagot naman ni Keila.

Ooops! Wag kayong maguluhan. Super friends kasi sina Keila at Jairon. Yup! Sweet sila sa isa't-isa pero hindi sila, okay? Like what you've read, may asawa na si Keila. I think Keila is just being sweet to Sir Jairon because she's trying to test his sexuality. Hmn...medyo bad di ba? Kahit alam ko yung standing nila, nagseselos pa rin ako! (T____________T)o. I really want Sir Jairon to be mine!

That Pretty Boy is MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon