Chapter 4: Weird Girl

12 0 0
                                    

Chapter 4: Weird Girl

GEM's POV

"Okay ka lang ba? " oh my God. Hindi ko akalain na makakatagpo ako ng isang baliw.

" Opo, gutom lang po talaga ako. " nakapout nyang sabi. Oh baka hindi baliw to. Baka isip bata. Marami-rami na rin kasi ang nakilala kong isip-bata. Kagaya na lang ni Macey. Childish nun eh. Kung umasta parang 10 years old. Hindi naman.

" May kasama ka ba?" tanong ko.

"Kasama? " tumingin sya sa taas na parang nag-iisip."Wala po eh. Mag-isa lang po ako."

Pareho lang pala kami. Mag-isa.

Ngumiti ako sa kanya.

Inilahad ko sa kanya ang kamay ko.

" Ganun ba? Gusto mo bang sumama na lang sa akin? " nakangiti kong sabi sa kanya.

Nanlaki ang mga mata nya tapos bigla may luhang namuo dito.

At bigla na nga syang umiyak.

Nataranta ako. Bakit? Bakit umiiyak to?

" Hala, bakit ka umiiyak? Ayaw mo ba? Okay lang nam----"

Umiling sya habang pinupunasan ang mga luha nya. " Hindi. Gustong-gusto ko nga eh. Naiyak lang po ako kasi pagkarating ko dito ay wala man lang pumapansin o tumutulong sa akin. Ni hindi nga ako nila tinitignan. Kung tignan man nila ako ay pandidiri sa mga mata nila. Yung iba naman ay linalait pa ako. Noong isang araw nga may mamang tinadyakan ako. Huhuhu. " iyak nya ng sobra. Para syang bata habang sinasabi nya yun.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla ko syang hinila papalapit sa akin. Yinakap ko sya ng mahigpit at ipinaramdam ko sa kanya na hindi na nya kailangan pang mag-isa dahil andito na ako. At proprotektahan ko sya.

At dahil sa pagyakap ko ay mas lumakas ang iyak nya. Nakakuha na nga ako ng atensyon. Pero nababasa ko lahat ng tingin nila. Parang nagsasabi sila na "Eww, yung babaeng yun. Hindi ba sya nandidiri?" parang ganun.

Mga tao talaga ngayon. Kung sabagay, human nature eh. Tsk.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at pumunta kami sa ligid kung saan medyo walang tao dahil alam ko pagpumunta kami sa may matao ay pandidirihan sya ng ito.

"Uhmm, Deyanira, right? " tanong ko. Ngumiti sya. Tapos tumango sya. Mukhang nagiging masigla na sya. " Ako naman si Gemery. "

" Hihihi. Ate Gege. " bungisngis nya. Ang cute nya ah.

" Haha. May nickname na agad ako? O cge. Ahmm, Deyanira. "

Liga_ElementaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon