Chapter 2: Ditto

42 0 0
                                    

After ng incident na yun, madalas ko ng nakikita si Jinggo sa floor namin which is hindi naman nakakapagtaka since dun naman pala sya sa katapat naming unit. Naikwento ko kay Jane na classmates pala kami nung guy na nakita namin before and that Jinggo pala yung name nun. Sabi nya ang panget naman daw ng name, pero okay lang naman daw bawi naman daw kasi sa itsura. Papalabas na ako ng saktong bumukas yung pinto nung unit ni Jinggo at inilabas sya nito.

"Good morning!" Bati nya habang nakangiti.

Nagsmile nalang din ako bilang sagot sakanya at naglakad na. I decided kasi na kakalimutan ko na yung nangyari nung nakaraang araw. Peace lang and love. :))

"Uy sabi ko good morning!" Sya ulit na ngayon ay sumasabay na maglakad sa akin.

"Narinig ko nga." Sagot ko naman sa kanya.

"So?" Tanong nya at parang nageexpect sya ng sasabihin ko.

"Huh? So?" di ko siguradong sagot. 

"So?" Ulit nya sa sinabi ko with a disappointed tone. Ano bang trip nya? Ulitan ng sinabi with different intonation?

Huminto ako at humarap sa kanya. I tilted my head to one side.  "Ano bang gusto mong marinig?" Tanong ko. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin eh.

"Well I just greeted you 'good morning' and I got nothing in reply." Explained nya na parang bata na nakapout pa. Patuloy lang sya sa naglalakad habang ako ay naman, nakatingin lang sa likod nya. Ano ba kasi problema nya. Well hindi nga ako ng 'good morning' back pero nagsmile naman ako sa kanya eh. Isn't that enough?

Hindi pa naman sya masyadong nakakalayo pero dahil sa ang laki ng mga hakbang nya kaya medyo lakad-takbo yung ginawa ko "I replied. I smiled at you, remember?" Explained ko naman sa kanya ng mahabol ko sya.I need to justify myself.


"Hindi yun. Hindi mo man lang ba sasagutin ng 'good morning' yung greeting ko sayo?" Ano daw? Hindi pa ba okay yung nagsmile ako sa kanya? Tsaka hindi naman tanong yun ah. Hindi ko din naman sya pinilit na batiin ako.

"Bakit tanong ba yung sinabi mo at nagdedemand ka ng sagot? Statement kaya ang 'good morning'." Explained ko nanaman. Konti na lang talaga hindi ko na sya kakausapin.

"Hindi naman pero wouldn't you be so kind enough to say 'good morning' back?" Nanahimik ako saglit sa sinabi nya. Tama naman sya.

Para okay na "Okay, good morning then. Satisfied?"  Yan nalang ang sinabi ko ng nakatingin sa kanya para wala ng gulo. Ako na magaadjust since mas matured ako magisip kesa sa kanya.

Pero ewan ko ba, ang hilig nya mag open ng topic na nauuwi sa argument namin dalawa. "Ang sungit mo. Meron ka ba?" This time na tanong nya.

"That's rude for a guy to ask."calmed Kong sabi sa kanya. Totoo naman eh. That's not an appropriate question coming from a guy.

"Why so?" Tanong na naman nya ulit.

"Drop it, okay?" Calmed kong sabi.

"Nagtatanong lang eh. Bakit nga?" makulit na tanong nya at aba nakapaka inosente pa ng smile nya.

But then again I'm more mature so i should be the one to adjust.

"Because.. Napaisip naman ako. Bakit nga ba? Basta that's rude. Don't go around asking girls if they got their period okay?" Sabi ko ng nakatingin sa kanya.

Sweet LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon