Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday, Saturday, and Sunday but I still need a HOLIDAY!
Ngayon ko na talaga nafefeel na College student na nga ako. Siguro kasi last sem na to bilang isang second year at next sem puro major subjects na talaga kami kaya ganito nalang ka strict yung mga professors samin. Ang dami kasi naming ginagawa na research work and homework. Minsan nagkakasabay sabay pa yung pasahan. Well, that's just life. You have to deal with it. Kaya nga eto ako ngayon sa canteen at ginagawa ang ibang homework ko para hindi mag pile up yung mga gagawin ko. Tsaka tutal wala pa din naman si Jane at si Jinggo eh. Lunch time na din kasi and ngayon yung first day ng consequence namin.
Nasa kasalukuyan ako ng pagsasagot ng magvibrate ang phone ko at makitang may message si Ash.
From: Ash
Hi there Gorgeous. 😉
Nang mabasa ko yung message nya, hinanap ko agad sya. Baka kasi nandito nanaman sya sa loob ng canteen at hindi nga ako nagkakamali dahil nakita ko syang nakangiti sa akin. Hindi naman na ako nagtatampo sa kanya. May kasalanan din naman kasi ako eh. Ngumiti nalang din ako at nireplyan sya.
To: Ash
Hwag kang masyadong ngingiti.
Kaka send ko palang halos ay nagreply na sya agad.
From: Ash
Bakit? Kasi mas lalo kang naiinlove sakin? 😊
Tinignan ko sya ng nakataas ang kilay. Grabe ang hangin talaga. Isa din to eh.
To: Ash
Asa ka. Ang dami kasing kinikilig dito na babae.
From: Ash
Kasama ka? Kikiligin na ba ako? Haist. Pogi problems.
Tinignan ko ulit sya. Nakatingin din sya sakin habang inaayos ayos pa ang buhok nya na para bang pinapakita nya sakin na pogi talaga sya.
To: Ash
Mukha mo! Akala nila sila yung nginingitian mo.
From: Ash
Kinilig naman ako dun. Uyy nagseselos. Wag ka mag alala. Ikaw lang naman yung babaeng ngingitian ko.
Tss. Talaga lang ha.
To: Ash
Naku Asher, tigilan mo ako. Kumain ka na. Gutom lang yan.
From: Ash
Hindi ako nagbibiro Devillas. Seryoso ako. Kumain ka na din. I love you.
Magrereply na sana ako ng biglang dumating sina Jinggo at Jane.
"Sabay kayo?" Tanong ko sa obvious naman. Sabay naman kasi talaga silang dumating. Napapailing nalang tuloy ako sa sarili ko.
"Oo. Bakit selos ka?" Pabalik na tanong naman ni Jane sa akin. Natawa nalang ako sa sinabi nya. "Wag ka na magselos araw araw naman tayo magkasama eh." biro nya pa.
As if naman. Kahit Kay Jinggo na sya noh. Okay lang.
Ngumiti nalang ako sa kanya. "Anong gusto mong lunch for today?" Tanong ko ng makaupo na silang dalawa habang in aayos na din yung mga gamit ko sa mesa.
Pinatong nya yung baba nya sa kamay nya at umakto na para bang hirap na hirap sya sa pagpili kung anong kakainin nya "Hmm.."
"Hwag kang mag alala Jane. 1 week to." Biro naman ni Jinggo.
BINABASA MO ANG
Sweet Liar
RomanceHe lied.. He lied.. Whenever we're together. He lied.. About everything he says. He lied.. Thinking I wouldn't notice. He lied.. As if it's so natural of him to lie. He lied.. And then I lied.. So now we're even...