Mocha Frappé

53 4 0
                                    

Jin's POV

Wala akong magawa sa bahay kaya eto naisipan kong mamasyal. Di nakasama si V kasi busy kakapanood sa BTS.

"Mocha frappe for Rap Monster!!"

Napatayo ako, akala ko sa 'kin na. Mocha frappe din kasi order ko.

Ayy. Wait, Rap Monster?! Nasan na? Nasan? Pinilit siyang hinagilap ng mga mata ko pero wala na akong nakitang Rap Monster.

Pagkakuha ko sa order ko wala na akong alam gawin so I decided to go home.

"V!! Taetae!! Buksan mo 'tong pinto!!" Kanina pa'ko kumakatok dito. Ano bang ginagawa ng babaeng 'to.

"Oo na, eto na!! Ang GG mo naman!!" Aba, ako pa'tong may kasalanan.

"Oh, kamusta yung paglilibot mo ate?"

"Okay lang naman. Muntikan ko nang makita si Rap Monster."

"Weh? Paano?!"

At ayun kinwento ko nga yung nangyari.

"Grabe, sayang naman ate. Di kaya sinusundan ka non?" Bakit naman niya ko susundan?

"Manahimik ka nga, kung ano ano pinagsasasabi mo." Suway ko.

"Oh ate, malapit na magpasukan ah. Ano ng balak mo?"

Ano na nga bang balak ko? Ayoko ng mag-aral. Nakakapagod na. Nakakasawa na. Pagod na pagod nako. De, joke lang. Haha

"Ewan. Diko alam. Ayoko ng pumasok. Sana mawala na ang June sa kalendaryo." Haha

Tulad din naman ako ng ibang estudyante. Haha like you minsan tinatamad din ako. Madalas pala.

"Ang tamad tamad mo talaga. Naalala mo yung promise mo kina Mama?" Oo may promise ako.

Ang sabi ko pag binilhan nila ko ng ticket sa concert ng BTS, aayusin ko pag-aaral ko.

"Oo na, oo na. Palibhasa ikaw, wala kang problema sa studies mo." Matalino kasi siya.

"Ganyan talaga pag matalino. Hayy." Sabay pinaghahampas niya ang buhok niya sa'kin.

"Ano na, ughh. Ihhh yang buhok mo ang bantot. Naligo ka na ba? Maligo ka nga don!" Eto nanaman kami.

"Excuse me."

"Oh yan daan kana." Na-burn siya sa'kin.

"Ewan ko sa'yo. Bahala ka sa buhay mo." Hala naasar na.

Pumasok na siya sa kwarto niya, at ganon din ginawa ko. Hinintay na lang naming dumating si Mama.

Niga hamyeon da maneun mari dwae

niga hamyeon nan igejji mothaneunde

"Nandito na'ko. Let's eat. Baba na kayo diyan."

Panira naman si mama eh. Nagsa-soundtrip pa'ko eh.

"Opo ma. Eto na po."

Bumaba na'ko. Sakto nandon na si Papa. Kaya sabay sabay na kaming kumain.

"Oh how are you these past few days? Malapit na pasukan, dapat i-enjoy niya na bakasyon." Pagbubukas ng topic ni mama.

"Eto ma ako maganda pa din. Ewan ko lang kay taetae mukhang gurang na eh." Sabay tawa ko ng malakas.

"Ma, ohhhh. Ikaw nga 'tong mukhang unggoy eh." Sobrang lakas ng tawa niya.

"Hajima, hajima nasa harapan tayo ng pagkain." Saway ni papa.

"Oh jin do not break your promise. Focus on your studies or else no ticket for the concert." Mama naman eh.

"Yes ma, promise." Gagawin ko lahat para sa BTS. Fan din ako ng BTS kaming dalawa ni TaeTae.

Kung tinatanog niyo kung sasama siya. Oo, na sa kanya na nga yung ticket niya eh. Ang unfair. Huhu

"Osige, pagkatapos niyo. Umakyat na kayo. Matulog na kayo."

"Sige po ma. Tara na akyat na tayo. Ang takaw mo!"

Umakyat na 'ko at natulog.

Kinabukasan enrollment day namin.

"Tara na tae, baka mahaba na pila niyan." Nag-aayos pa siya eh.

"Oh tara na."

Nakarating na kami sa school at sobrang haba na ng pila. Pumila na kami. Di naman pala matagal, kaya agad din kaming natapos.

"RapMon!! RapMon!! Tara na alis na tayo." Rapmon? Rap Monster?

"Ate, ate. Narinig mo ba yun? Rapmon yun. Di kaya yung stalker mo yun?"

"Oo nga. Wait san ba banda yung nagsalita? Nasan na?"

"Wala na ate, mukhang nakaalis na sila."

Hay. Di ko nanaman siya nakita. Pamysterious naman tong lalaking to. Haha

"Tara na, alis na tayo. San mo gustong kumain?" Nagugutom narin kasi ako.

"Kfc nalang ate."

"Oh tara na."

Baka makita namin siya sa mall. Or kung saan. Ihhh. Ba't ko ba siya iniisip. Mukha akong tanga.

----------------------------------------------

Sorry. Maiksi lang pati walang kwenta. Haha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The NamJin Story (BTS NamJin Lovestory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon