P R O L O G U E

10 1 0
                                    

P R O L O G U E:

"I don't like you driche! Ang pangit mo saka pag kinaibigan kita baka pati ako pumangit!!" Sabi ko sa bata na nangangalang driche montecont  saka siya tinulak hanggang sa napaupo siya pareho kaming sampung taong gulang pa lang at masasabi ko na kahit sa ganitong edad ko pa lang ay ang laki na ng pinagbago ko dahil lumaki akong maganda.

Hindi ko siya gusto naiinis ako pag nakikita ko siya kasi ang pangit niya. Nandito ako sa manila kasama ko si mama at nagbakasyon kami dito sa bahay ni lola artemis

Ang bata na iyon ay si driche, yun ang sabi niya pero ayoko sa kanya kasi ang pangit pangit niya pero siya lang ang kalaro ko dito kaya nagtitiis na lang ako saka close din kasi sila ni lola artemis kasi mabait na bata daw si driche. Mabait nga, ang pangit naman kapit bahay kasi siya ni lola kaya wala akong choice kundi sundin si lola ang boring pa naman sa bahay niya. Ilang buwan ko na kalaro si driche magaling siya sa naraming bagay ang galing galing niya magbasket ball pero ayoko pa din sa kanya wala nga siyang ibang kaibigan eh ang pangit pangit kasi.

"sorry mearra! Pag ba naging gwapo ako magiging gusto mo na din ako?" Inosenteng sabi niya sa akin. Siguro nasanay na siya sa akin na sinasabihan siyang pangit

"Oo! Syempre para maraming mainggit sa akin"  i love attention. Ayoko na hindi ako pinapansin gusto ko nasa akin lahat ng attention kahit etong pangit na ito

"Sige pag naging gwapo ako gusto ko pakasalan mo ako ha!!" Sabi niya sa akin. I rolled my eyes as if naman may pag asa pa siya. Pero syempre iiyak nanaman to pag huminde ako baka makurot pa ako ni lola, Ang sakit pa naman mangurot ni lola natry ko na dati kasi nung pinakilala siya sa akin ni lola sinabihan ko na agad siya ng pangit kaya ayun humagulgol ng iyak nakaka inis!

"Oo na oona!" Pilit na sabi ko saka ako napatingin sa kwintas niya maganda ang disenyo nun

"Driche! Akin na lang yung pendant mo! Ang ganda eh akin na lang dali." Sabi ko sakanya habang nakakunot ang noo parang ayaw niya kasi ibigay eh

"Ah eh.. Bigay ni mommy ito eh sabi niya ibigay ko daw sa kasal ko." Mukhang ayaw nga niya ibigay pero gusto ko nung kwintas niya

"Eh!! papakasalan naman kita eh! Akin na lang yan!!!!" Nakatingin na ako ng masama sa kanya. Naiinis ako sa pangit na ito ayaw ibigay sa akin.

"Ang pangit mo talaga! Nakaka inis ka!!" Tinalikuran ko na siya at umiyak. Hindi ako iyakin pero naiinis ako sa kanya umupo ako sa tabi ng puno at umiyak. Bahala siya sa buhay niya ang pangit pangit niya!!

Maya maya narandaman kong palapit siya

"HINDI TAYO BATI!!!!" Hindi ako nakatingin sa kanya tiningnan ko lang yung mga bulaklak na nasa harap ko

Maya maya narandaman ako na kinabit sa leeg ko pagtingin ko ay yung kwintas.

Napatingin ako sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin.

Ilang araw ang nakalipas simula noong ibinigay na sa akin yung kwintas medyo bumait ako sa kanya kaya naman hindi ko na sinasabihan ng pangit minsan na lang.

"Hi anong pangalan mo?" Sabi nung magandang babae kay driche

Nandito kami sa park sa may sand box nang lumapit itong babae

"K-ke-kean!" Pasigaw na nauutal na sabi ni driche hahaha ang pangit niya talaga. Hindi niya sinabing driche kasi sabi ko sakanya ako lang may karapatan tumawag sa kanya ng driche

"Ah. Ako si kira! Gusto ko maging kaibigan ka" sabi nung babae tapos si driche naman parang natigilan kaya lumapit ako kay kira

"Hi!!! Ako si fame!" Pagpapakilala ko pero hindi niya ako pinansin kasi nakatingin lang siya kay driche.

Broken dreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon