Prologue :
"The best and most beautiful things in this world cannot be seen or even heard, but must be felt with the heart."
********
Yawn!! Kahit inaantok pa si Geo sinipat niya ang orasan bago kinapa ang cellphone na kanina pa tumutunog ngunit imbes na sagutin ang tawag ay itinapon lang nito ang cellphone kung saan... At bumalik na ulit sa pagtulog ilang oras palang nang pumikit ang kanyang mga mata agad naman siyang naistorbo ng isang malakas na katok sa pinto...Mula sa pagkakadapa sa kama ay umangat ang kanyang ulo
At bwicet na bwicet na bumangon sa pagkakahiga..
Tinungo,niya ang pinto bawat nadadaanan niyang gamit na nakakalat sa sahig ay kanyang pinagsisipa papunta sa gilid...At pabalibag na binuksan ito...
"What are you doing here" malamyang bungad niya sa taong nasa harap niya... Hindi na siya magtataka kung bakit ito nakapasok sa unit niya sapagkat alam nito ang passcode at dakilang pakialamera talaga ito...
Sagli itong nakipagtitigan sakanya gamit ang dalawang malalamig na mata at saka nagkibit balikat
"Wala ka bang pagkain sa baba!?" Cold na tugon nito
"May nakita ka!?" Pamimilosopo niya
Lumapit ito sa bintana ng kwarto niya at hinawi ang dalawang makakapal na kurtina
Napangiwi ang binata sapagkat nasilaw siya sa liwanag na nanggagaling sa labas...
Lumutang tuloy ang kalat sa loob ng silid tulugan nito mga canned beers at upos ng sigarilyo mga maruruming damit at sapatos na nakakalat sa buong paligid ...Tamad na umupo ang dalagang kausap nito sa sofa at kumuha ng isang sigarilyo at sinindihan ito
Hindi na nagulat ang dalaga sa nakitang dumi sa paligid para sakanya natural lang sa kwarto ng mga lalaki ang ganitong tanawin...
Pumasok nalang si geo sa loob ng CR upang mag-ayos ng sarili
Nang matapos na siya ay lumabas na ito ng nakasuot lamang ng simpleng damit...
"Dala mo kotse mo" tanong nito sa dalaga
"Yeah" maikling tugon nito
Mabilis talaga itong manigarilyo nasipat niya ang karton ng sigarilyong wala ng laman..."Tara"aya niya
Tumayo na silang dalawa at dumiretso na sa ground floor
*******
Pagkadating sa parking lot agad na silang pumunta sa sasakyan at agad nang nagpaharurot
******
Naging tahimik ang kanilang biyahe bukod kasi sa wala silang maitopic hindi naman pala salita ang kasama niyang babae kaya mas pinipili nalang niyang manahimikTumigil sila sa tapat ng isang malaking mansyon...
Pinagbukasan naman sila ng mga katulong na nakauniform ..."Goodmorning sir Geo, goodmorning ma'am Gina" bati nito na may ngiti sa mga labi..
Tumango lang silang dalawa at pumasok na sa bahay...
"Tumigil ka na nga Gregorio, pinalaki mo ang mga anak nating spoiled kaya yan ganyan lumaki na silang walang respeto" rinig nilang sigaw mula sa taas
Napakunot naman ang noo ng binata samantala pokerface lang ang dalaga
"Pinauwi mo ba ako dito para lang marinig ang pagtatalo nila!?" Inis na tanong nito sa dalaga
"Dumiretso nalang tayo sa hapag kainan nakahanda na ang umagahan ." pag-iiwas nitong sagot
Sumunod nalang siya sa nakakatandang kapatid...
Tahimik silang pinagsilbihan ng mga katulong
"Oh, nandito na pala kayo.." Napalingon sila sa nagsalita
"Long time no see Geoffer" tugon nito..
Parang nawalan naman ng gana ang binata at saka ibinagsak ang kutsara at tinidor
"I better go" saad nito sabay tayo
"Geo/geoffer" sabay na tawag ng ama at ni gina sa binata pero dire-diretso lang ito palabas
Kung may araw man na makaharap niya isa sa mga taong nanira sa buhay niya hindi yung pwedeng ngayon hindi rin bukas o sa makalawa dahil ni minsan hindi na niya papangaraping makita pa sila
Pero ang nangyari ngayon ay iba matagal narin pala ng huli niyang makita ang kanyang ama
Napahinga nalang siya ng malalim ng makalayo na siya ng tuluyan sa lugar na matagal na niyang sinumpa...
BINABASA MO ANG
Change Your Life
RomanceLucky 9 - series 1: Change Your Life Geoffer Pedroso and Quine Abellano