Dumiretso si Geo sa isang malaking coffee shop sa may tapat nang condo unit niya.. Pagkapasok niya ay agad itong umupo sa mesa malapit sa glass window
Sinulyapan niya lang ang magandang babae na nasa counter at tipid na ngumiti
Tinanguan lang siya nito
Maaga palang pero punuan na agad ang coffee shop marahil dahil sa magandang serbisyo nito at masarap na pagkain at kapeng ipinipresinta nito sa bawat costumer.."Coffee and cake" alok ng babaeng kanina lang ay nasa counter ngayon naman ay nasa harap na niya..
Inilapag nito ang tig isa silang coffee tapos isang cake para sakanya
"Nakita ko si gina kanina, pumunta ba siya sa unit mo!?" sabi ng dalaga sabay upo sa kaharap niya
"Oo" tipid na sagot ko sabay higop ng mainit na kape.
"Kamusta ang business" pag-oopen up ni geo para lang may maitopic
"Okay naman nakakapagod nga lang nagkulang nga ako ng tauhan kaya ito ako muna ang pumalit.."
Napatango nalang ang binata
Ang totoo niyan ang kaharap niya ay isa sa mga kaibigan n'ya!. Ang nag-iisang babaeng miyembro ng Lucky 9
"Oh! Pano Geo mauna na muna ako madami pang - aasikasuhin, Ciao!" Tugon nito sabay alis
Kumuha nalang siya ng isang dyaryo at nagbasa...
Nakita naman niya agad ang isa pang miyembro ng lucky 9 na nasa Front page nang dyaryo at napapatango nalang sa mga nababasang article patungkol dito..
"Hey" napaangat naman ang ulo niya ng may biglang nagsalita
"Pwedeng makiupo puno na kasi ang mga table" saad nito
Tumingin naman siya sa paligid at pansin niya nga ang punuang table sa mga katabi niyang mesa
Sinulyapan naman niya ang babaeng nasa harap at tsaka tumango...
"Salamat" tugon pa nito bago ilapag ang mga dalang kagamitan
Nang makaupo na ay tumawag na ito ng waiter
Napapasimpleng tingin nalang ang binata sa mukha ng dalaga
Maganda naman ito kutis mayaman magagandang pares ng mga mata mapupula ---- teka lang talaga bang pinagmamasdan niya ang dalaga napakamot nalang siya ng batok sa iniisip tsaka ibinalik ang atensyon sa dyaryong binabasa...*****
Nahihiya ang dalaga kung aalokin niya ba ng kape ang binatang nagpaupo at nagshare ng table sakanya ngunit mukha itong seryoso at ayaw naman niyang pag-isipan siya Feeling Close nag dadalawang isip ito kung bigla nalang niya itong bibigyan ng kape or kakausapin nalang niya ito patungkol dito...
Tumunog naman ang phone niya at nahihiyang sinagot ang tawag
"Hello" malumanay na tugon nito
"Quine nasaan ka ba!" Tanong ng kausap
"Nandito ako sa coffee shop sa harap ng condo unit na tinitirhan mo ang tagal mo kasing buksan yan unit mo"mahinang tugon ng dalaga
"Okay wait mo ako diyan ha! May pag-uusapan tayo" saad ng kausap
"Opo, magkakape muna ako" saad niya
Nang ibinaba na niya ang tawag napansin naman niya ang dalawang pares ng matang nakatitig sakanya nagkahiyaan naman silang dalawa kaya agad na napaiwas ng tingin.. Ang bawat isa
Ilang segundo lang ang hinintay niya ng dumating na ang order ng dalaga
"Salamat" tugon nito sa babaeng nagdala ng order niya
Tumango lang ito at sinulyapan ang lalaking kaharap niya nagkatinginan naman ito at simpleng nagtanguan sa isa't - isa bago umalis
I guess magkakilala sila..
Tahimik nalang siyang iniinom ang kape habang nagpapasulyap sulyap sa lalaking kaharap niya

BINABASA MO ANG
Change Your Life
RomanceLucky 9 - series 1: Change Your Life Geoffer Pedroso and Quine Abellano