Chris : "Monday nanaman, kakapagod ng pumasok, hahayzz"
Inay : "Anak, bilisan mo nga diyan, malalate ka na!!"
Chris : "Opo Nay"
Chris : "Alam mo anak, ang bagal mo sa lahat ng gawain, Sige na, Bilisan mo na diyan"
Inay : "Oo na"
Naligo, nagbihis, kumain at tumungo ako agad sa eskwelahan, pumunta sa classroom at pumunta sa locker para kunin ang mga libro. Ngunit habang papunta sa locker ay nakita ko si crush, tumakbo ako pabalik sa pintuan ng classroom kasi ayaw kong makita ako ni crush, nahihiya kasi ako, alam niya kasi na crush ko siya tapos di niya na ako pinapansin since nung nalaman niya na crush ko siya. Classmate ko si crush last year. Nagdecide ako na ngayong year na ito ayaw kong magkaroon ng crush kasi baka mangyari nanaman ang nangari sakin noon.
Chris : "Phew, Hirap talaga... pagtritripan naman ako ng mga classmates ko kapag nakita nila crush ko"
Kinuha ang libro tapos bumalik ako sa classroom.
AJ : "Oy Chris, ano assignment natin?
Chris : "Math, page 345 Practice, lagay mo lang sa 1/4 paper, makinig ka kasi kay sir"
AJ : "KK, Pakopya naman oh"
Chris : "Alam mo, parati ka nalang nangongopya, halos araw-araw"
AJ : "Sige Na!!"
Chris : "Last mo na ito na kopya hah"
AJ : "Oh sure"
Binigay ko assignment ko, hinablot ito ni AJ, alam ko na hindi titigil si AJ sa pangongopya, alam ko na mali ginagawa ko, pero bahala na
(Ring RIng Ring) Tumunog na ang bell, 7:45 ang bell namin sa umaga,
ETO NGA PALA SCHEDULE KO araw-araw
1st period - Science
2nd period - Social Studies
RECESS
3rd period - English
4th period - MAPEH
LUNCH
5th period - Flipino
6th period - CLE
7th period - Math
Skip nalang natin ang 1st period, 2nd period at 3rd period sa usapang ito
MAPEH CLASS
Ms Go : Ok Class, Get your notebook and bring your ballpen, we will have our session at the Sports Center, PLEASE fall your lines outside
Buong klase : WOOOOOOH!!! YEEEEESS!!
Masaya talaga kami kapag lalabas kami ng classroom, di ko nga alam bakit kami masaya pero feeling ko kasi mas nagbobonding kami ng mga kaklase ko sa labas ng classroom. Noong nandoon na kami, nagstart na kaagad si miss sa pagdidiscuss.
Unknown Voice : Psst, Psst , Psst
Chris : Ano nanaman Adrian?
Adrian : Huh? Na ano ka? Di kaya kita tinawag
Unkown Voice : Pssst Pssst Pssst
Chris : Ano ba???!?!?
Adrian : baliw ka ba?
Chris : May naririnig ka bang psst?
Adrian : Wala naman ah?
Chris : Baka maling pagdinig ko lang yun
Patuloy parin na may tumatawag sakin, ako lang ang nakakarinig sa pagtawag na iyon.
Nakinig nalang ako kay miss, di ko nalang pinansin ang tunog na iyon.
Ms Go : OK Class, bring a triangular bandage tomorrow, Class dismiss, you may have your lunch
Umalis na lahat ng mga classmate ko pati teacher ko, Pinuntahan ko kung saan nagmula ang tunog na iyon, Narinig ko yun sa isang corridor kaya pinuntahan ko pero noong nandoon na ako, wala akong nakita, umalis nalang ako at tumungo sa canteen.
(RING RING RING) 1:00 bell namin sa hapon, 5th period naman sunod
Naghintay ako hanggang dismissal kasi may plano akong pumunta doon sa 4th floor ng Sports Center ulet.
MATH CLASS
Sir Boni : We will have a summative assessment today, please get size 1 paper
AJ : Oy Chris, magtulungan tayo hah, wag lang tayo pahalata, OK?? (nakasmile)
Chris : Hahahahaha, Study study din pagmay time...
Sir Boni : Get one paper and pass it at the back
AJ : Magsisimula na ang test, Hoy Chris, yung usapan natin hah....
Chris : k
AJ : Psst, Ano sagot sa Number 2?
CHris : A
AJ : Number 6?
Chris : D
AJ : number 12?
Chris : Tama na, madami na akong bingay na answer sayo...
Sir Boni : CHRIS, AJ, What are you doing? (Lumapit sa amin)
Sir Boni : Nagkokopyahan pala hah... (Kinuha ang papel namin) You get 0 for this Test.
Chris : Ughhh (Mahinang sigaw) Pahamak talaga itong si AJ
AJ : Hahahah, OK lang yan Chris, 0 rin naman ako eh
Chris : Anong okay? para sa iyo okay lang, para sa akin hindi...
(RING RING RING) Dismissal time
Kinuha ko na lahat ng libro ko at pumunta sa locker para ilagay doon, tumakbo ako papuntang sports center at umakyat sa 4th floor. Pagdating ko doon...
Chris : Sino kaya yung tumatawag sakin kanina...
Pumunta ulet ako sa corridor, pagpunta ko doon nakita ko ang magandang tanawin ng Davao, Malamang 4th floor yun eh, Sariwa ang hangin...
Biglang lumakas ang hangin kaya umalis ako doon, di ko nalang hinanap kung saan nagmula ang tunog kaya kinalimutan ko na iyon,
Pero hindi pa pala yun ang huling pagtawag sa akin...