Naghintay ako sa tapat ng jollibee ng jeep, 5:00 ng hapon...
Chris : PARA!!!
P***** Ina naman, wala na akong masasakyan, hahayzz
After 30 mins..
Chris : Para!!!
Pwede pa Nong?
Manong : Oo
Chris : Yes!!
Napansin ko na may space katabi sa chicks... kaya doon ako tumabi siyempre inaasam yun ng mga lalaki diba? Ibang lalaki diyan mamboboso pero baka iniisip niyo mamboboso ako, FYI hindi ako mamboboso :)
30 mins ang byahe from school to bahay tapos P 28 and binabayad ko pauwi...
(Nakarating na sa bahay)
Pagdating ko sa bahay diretso ako agad sa computer ko... sinisigawan pa ako ng nanay ko na magbihis muna bago pumunta sa computer pero hindi ko lang ito pinapansin kaya kung galit na siya, doon palang ako gagalaw at tatakbo sa kwarto para magbihis, baka kasi habulin ako ng pamalo...
Nanay : Anak, Kakain na tayo!
(Pumunta sa kainan)
Chris : Wow! Sinigang na Baboy,
Nanay : Tama na daldal, kain na
Chris : Geh
Nanay : Musta na sa school anak?
Chris : Ok lang, nakaperfect po ako sa test namin sa MATH (Kahit hindi naman)
Nanay : Talaga lang hah? Magsisinungaling ka pa, tinawagan ako ng moderator niyo na nagkokopyahan daw kayo ng seatmate mo? Automatic 0 ka daw sa test niyo dahil sa ginawa niyo...
Chris : (Patay) Sorry na Nay... Hindi na po mangyayari ulit, pangako
Nanay : Parati ka nalang nangangako pero di mo naman tinutupad, wag ka na mangako para di na ako aasa... Pagtapos ka na kumain dumiretso ka na sa kwarto mo, BAWAL ANG COMPUTER hanggang magbago ka...
Chris : HAH!?!?!
Nanay : Magsasalita ka pa?
Chris : Di na po...
Pagkatapos ko kumain dumiretso ako kaagad sa kwarto...
tiningnan ko nalang cellphone ko kung maytext...
Chris : Wala man lang kahit isang text? wew...
Nakatulog ako paglipas ng ilang minuto kasi pagod ako at wala naman ako magawa
Nanaginip ako...
May nakita ako isang babae...
Tila umiiyak...
Nilapitan ko ito...
Chris : Uhmm, Miss... Ok ka lang?
Di sumagot ang babae, patuloy parin ito sa pagiyak...
Chris : Miss?
Dahan dahan tumingin sakin ang babae...
pero di ko makita mukha niya dahil sa buhok na nasa mukha niya...
Biglang gumuho ang tinatatayuan ko, Nahulog ako sa isang madilim na lugar...
Pagbagsak ko sa lupa, saka naman ako gumising sa totoong buhay...
Chris : Aaaaahhh!!
Masamang Panaginip lang pala...