0.25: Pagpapakilala
Ito ang kwento ko bago tayo magtagpo;
Bago ka sa buhay ko'y huminto.
Magsisimula dito sa mga pangarap ko
Ang parating na pagbabago sa buhay natin pareho.
>>>
"And last but not the least, Jose Marie Borja Viceral --- Suma Cum Laude." Halos mangiyak-ngiyak na pumalakpak ang isang babae nang marinig ang pangalan ng anak. Sa wakas, pagkatapos ng mahabang paghihintay, natapos na ito sa pag-aaral at hindi lang 'yun, with honors pa.
"Congratulations, batch 2016 of Bachelor in Secondary Education major in Social Studies, University of Sancte Michael." Malakas namang naghiyawan ang lahat lalong-lalo na ang mga estudyanteng sa wakas ay malaya na mula sa kalbaryong pinagdaanan.
Isa sa mga pinakatanyag at kilalang eskwelahan sa Pilipinas ang University of Sancte Michael. Ang mga graduates dito ay kilala bilang mga magagaling at globally competitive people sa pagharap sa real world after graduation. Mahirap makapasok at makalampas sa paglalakbay ng pag-aaral kapag dito mo piniling mag kolehiyo. Kaya naman hindi maliit na bagay kung makagraduate ka mula sa eskwelahang 'to, lalo na kung with honors pa.
"Congratulations, Anak! Tita Mommy is so proud of you!"
"Wouldn't have done it without you, Tita Mommy! Thank you for everything." Sabi ni Vice sincerely sa tita mommy niya at niyakap ito nang mahigpit.
"Ready to reach some dreams?" Nakangiting sabi nito.
"Bring it on!"
"Congratulations, 'Toy!" Mangiyak-ngiyak ding sabi ng isang madreng may katandaan na rin at niyakap si Vice.
"Thank you po, Sister Nanay Karla." Sagot nito at mahigpit ding niyakap ang madre.
>>>
"We are about to touch down at Francisco B. Reyes Airport, Coron Island, Palawan in about 10 minutes and we are surprisingly running early on time. The weather around the Francisco B. Reyes Airport is good, nothing to worry about, we are definitely looking at an easy descent. Thank you for flying with Philippine Airlines, we hope to see you in your future flights." Sa dinami-rami ng sinabi ng piloto ay wala yatang ni-isang pumasok pa sa isip niya.
Ganito yata talaga kapag ang paglapag ng eroplano ay hudyat ng unang tingin mo sa isang bagay na pinangarap mo matagal na. Hindi na siya makahintay. Masyado nang matagal ang paghihintay niya para mangyari ang araw na 'to.
"Relax, 'nak." Nakangiting sabi ng tita mommy niya sa kanya.
"This just feels so surreal. Again, all this won't be possible without you. Thank---"
"Shhh. Stop with the drama. Save it for later sa speech mo." Natatawang sabi ni Dr. Amy Perez. "You still look so silly when you're nervous. Nothing has changed since you were young kahit ngayong naka graduate ka na."
"Ma naman eh! Thank you sa pampawala ng kaba, ha! Tinatawanan mo pa ako eh!"
"Hahahaha! Kasi naman e, I don't get you. I can't believe someone who's so dedicated and passionate for a dream can still be this nervous. Everything will turn out fine, Tutoy. Relax. Okay?"

BINABASA MO ANG
Unspoken Definites [ViceRylle]
Fanfictionun·spo·ken /ənˈspōkən/ - not expressed in speech; tacit. def·i·nite /ˈdef(ə)nət/ - clearly true or real; unambiguous Their love is clearly true and real, but they have all the reasons to leave it unspoken.