ISA lang.

1.4K 30 5
                                    

ISA POV

Buhangin.
Init.
Silaw.
Hangin.

Sa paglalaro namin ni Tots ng beach volley sobrang hirap magadjust sa apat na yan.

After naming maglaro sa Rider Beach Volleyball na ginanap sa cebu ay agad naman kaming napasabak sa BVR on tour na ginanap sa Sands by the bay sa MOA.

Mahirap? Oo. wala nga kaming naipapanalo pero so far maganda naman ang kinakalabasan, dumidikit kami at minsan nag th-third set pa . Last game namin ngayon at kalaban namin si Dzi Gervacio at Mich Morente. Magaling sila dahil sa sanay na sila sa paglalaro ng beach volley habang kaming baguhan palang ay nakikipagsabayan sa kanila.

Di na alintana yung hirap at pagod, wala ang lahat ng yun pag nakakapunto kami ni Tots. Sobrang saya kase namin kahit mainit. Andyan yung meron kang "free celebratory hug" pag nakakapuntos kami. Masaya na din ako pag nakikita kong ngumingiti sya.

*

Third set na namin, sobrang close fight palitan ng bola at talagang utakan ang labanan. Pero sa huli natalo padin kami.

"Whoo kapagod grabe!" sabe ni Tots habang nagbubuhos ng tubig sa katawan

Inabutan ko naman sya ng tubig "Oh par! ubusin mo ha" sabi ko sakanya at nginitian naman nya yung nga ngiti na nawawala yung mata nya.

"Thank you Isa ko" at tska ako kinindatan, napatalikod naman ako dahil ramdam ko na namumula na talaga ako naririnig ko naman syang natatawa sa likod ko.

Pinagttripan nanaman nya ko.

Lagi naman ganto kung ano ano sasabihin nya sakin pero ang totoo nyan madaming babae sa buhay nya, and sino naman ang isang Isa Molde diba?

Pumasok na kami sa shower room at nagpalit, inunahan ko na sya dahil naiinis ako pero it turns out na sabay lang kami natapos kaya sabay din kaming lumabas.

"Uy par? Galit ka? Sorry naaa" ayan nanaman sya hihingi ng sorry pagtapos ng kung ano anong sinabi nya, tinitigan ko lang sya. Hay alam ng Diyos kung gano ko sya kamahal.

"Di naman kase pinaagttripan oh ano eh totoo naman sinasabi ko eh pero alam ko namang wala lang ako sayo"

Sino ba yon kanina pa tawag ng tawag kay tots? Di ko tuloy narinig yung sinasabi nya! Ugh!

"Tooooots! Uy Toots!!" Sabay kaming napalingon sa kanina pa tumatawag sakanya. Sht si Nicole.

"Tots di ko narinig yu--

"Nikki mouseeee!" sigaw nya at tumakbo dun at niyakap ito.
Halos binuhat na nga ni Tots sa pagkakayakap si Nicole eh.

Tong si Nicole bastos din eh no close din naman kami pero di ako tinawag. Tse.

Bumalik nalang ulit ako dun at nanonood ng mga maglalaro ulit.

*

2 oras na nakalipas di pa rin sya bumabalik, nakakabored dito pero may nakakausap din naman ako kaya okay lang.

Maya maya ay dumating na din sya may hawak na supot ng Mcdo at iniabot saken.

"Oh par" sabi nya at tinignan ko lang sya

"Peace offering? Bati na kasi tayooo please?" Kinuha ko lang yung mcdo pero di ko sya pinansin. Sorry sorry sya eh iniwan nya nga ko dito.

Anong oras na din at kelangan na namin umuwi, grabe ang pagod may svl pa naman kami bukas at
Goodluck nalang.

Umuwi kami ni Tots walang nagpapansinan, oo kase galit na din sya. Ganyan yan ang bilis sumuko, nakakailang sorry mamaya sya pa yung galit. I've had enough guys. Di kami pero parang kami kung maka LQ kaming dalawa.

One Shot Stories (DianaBel Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon