TOTS POV
As I opened my eyes.. Ayaw ko ng umalis sa posisyon ko ngayon. Sana laging ganto, kung pwede ko lang ipagsigawan ngayon kung gaano ko kamahal tong magandang babaeng natutulog ngayon sa tabi ko, ginawa ko na eh.
"Goodmorning" I whisper at hinalikan sya tutok ng kanyang ulo.
Ang ganda ganda ni Isa..
walang duda kung bakit marami ng nagkakagusto sa kanya na ikanaseselos ko :( gusto ko kase akin lang sya hahaha
Napalingon ako sa kabilang side at nakitang 6:00 am na, shet 7 pala kami pinapapunta don.
I wake her up like what i've used to do every morning. Pinuno ko sya ng maliliit na halik sa mukha hanggang sa magising sya.
"Hmmm tots 5 mins" sabi nya at tumalikod sakin. Ay aba ayaw magpagising
Kinulong ko sya sa mga bisig ko at niyakap ng pagkahigpit higpit, siniksik ko ulo ko sa leeg nya para magising na sya. Ang bango eh kainis.
"Gising naaaaa pleaseee? Pag di ka gumising kikilitiin kita" pananakot ko sakanya kahit di naman talaga nakakatakot yon
Di parin sya bumabangon, ayy nagpapapilit Isa ko hahaha. Binitawan ko sya at kiniliti sya sa tagiliran kaya naman nag ala-bulate sya at umupo nalang sa kama.
"Ehhh tots naman kase eh antok pa nga ako eh" at tska nya ko pinakitaan ng pout.
Hay nakakainlove.
"Di nga po pwede, 7 tayo pinapababa anong oras na? 6:20 tagal mo kase eh tara na kilos na tayo" sabi ko sakanya pero nakapout padin sya
"Di ka kikilos? Kiss kita sige" at nakita kong namula sya tska tumayo at nagdire-diretso sa cr HAHAHA ANG CUTE EH
6:30 am
Sabay na kaming nag to-toothbrush at naghilamos tawa pa kami ng tawa kase nagsasabuyan kami ng tubig na para bang mga bata.
After naming mag ayos ay bumababa na kami..
6:45 am
Wala pang tao sa masyado, wala pa din sila Coach Jerry wala padin yung mga ibang kasali sa bvr.
Umupo lang kami ni Isa sa Isang bakante, nagkakalikot lang ako ng phone ganto kase kami pag nasa public na, hindi pwedeng may makapansin na kami na na Isa, pinprotektahan ko lang din sya sa mga tao.
Kagaya ko nagkakalikot lang sya ng phone habang nakasubsob sa lamesa..
"Tots!" Napatingin naman ako at nakita kong nag vivideo snap sya napangiti naman ako, hindi man nya pwedeng ipagsigawan sa lahat na may kami gumagawa naman sya ng ways para lang masabi na "proud sya saken" at para saken okay na yon :) Ang mahalaga naman yung merong kami kahit iilan lang ang nakakaalam.
Nage-edit sya ng video snap nya ipapakita nya sana sakin at nakatutok na to sa mukha ko ng..
"Andito na pala kayo?" Tanong ni Ate Joanne kaya naman napaayos na kami ng upo
Tumingin muna sya saken at nginitian ko lang sya. Alam kong nalulungkot sya, nalulungkot din naman ako pero ayos lang :)
6:55 am video snap after that balik muna sa dati ang lahat..
Fin
Unang una sa lahat salamat sa pagsuporta sa una kong One shot story pero hanggang dun lang talaga yon di ko pa ya matutuloy hahaha :) so ito panibago nanaman sabaw pero push lang hahaha #Dianabel
BINABASA MO ANG
One Shot Stories (DianaBel Fanfiction)
FanfictionHere's for those who ship DianaBel. Usad tayo ng barko (one shot stories compilation)