Anong feeling ng iwanan? Anong feeling ng mang-iwan? Gaano ba 'to kasakit? Paano kung iniwan ka? Paano kung nang-iwan ka? Those whats and what ifs.
Mahirap? Oo. Masakit? Sobra. Masakit iwanan. Masakit maiwan. Yung akala mo okay lang kayo pero later did you know na hindi pala. Ika nga sa kanta ni Taylor Swift, "One second it was perfect. Now, you're halfway out the door".
Ang hirap. Yung tipong kahit ilang araw na ang nakalipas, fresh na fresh parin sa memorya mo yung eksenang naglalakad siya palayo sayo. Yung tipong akala mo hindi yun mangyayari. Yung in denial ka pa sa sarili mo na totoong iniwan ka niya. Na totoong naglakad na siya palayo sayo. Na totoong he's the one that got away. Ang hirap kapag ang clueless mo. Ang clueless mo sa mga iniisip niya. Yung tipong ang saya saya saya mo ngayon. Yung binigyan ka niya ng rainbows and unicorns pero hindi mo alam magiging black na yung kulay ng rainbow at mamamatay na yung mga unicorns. Yung may plano na siyang iwan ka.
Ang hirap tanggapin na sa isang iglap lang wala na siya. Na sa isang pagkakamali lang, tinalikuran ka na niya. Acceptance. Pinakamahirap na gagawin mo. Ang hirap tanggapin ng mga bagay bagay. Ang hirap tanggapin na hindi mo na siya matatawag sa dati niyong endearment. Ang hirap tanggapin na wala ka nang masasabihan ng I love you. Ang hirap tanggapin na gigising ka sa umaga na hindi ka na makakatanggap ng good morning messages niya. Na matutulog ka gabi gabi na wala ka nang masasabihan ng good night i love you to the galaxies and back. Ang hirap tanggapin na back to square 1 kayo. Pero ang ikina-unique lang nito, kayo yung tipo ng stranger with memories. At higit sa lahat, ang hirap kapag mahal na mahal mo pa siya pero siya, handa ka na niyang iwan.
Ang sakit. The feeling of being betrayed by the only person left in this world. Yung ganung sakit. Yung tipong ipinagkatiwala mo sa kanya yung napakamamahaling vase sa buong buhay mo expecting he will take care of it but ended up breaking it into pieces.
Ang sakit. Lalo na yung maaalala mo lahat ng masasayang alaala niyo. Reminisce. Ang sakit umalala ng mga masasayang pangyayari na kahit kailanman man ay hinding hindi na mangyayari ulit. Ang sakit umalala na parang kahapon lang ang saya saya niyo pa pero ngayon, daig niyo pa ang hindi magkakilala. Daig niyo pa ang walang pinagsamahan ng ilang taon. Ang sakit umalala na kahit na ang rami niyong pinagaawayan dati, masaya parin kayo nung mga oras na 'yon. Na naramdaman niyo parin yung contentment and love sa isa't isa. At ang pinakamasakit sa lahat ay yung mahal na mahal mo pa siya pero siya, iniwan ka na niya.
Minsan, mapapatanong ka nalang sa sarili mo na Minahal niya kaya ako? Kung mahal niya ako, bakit niya ako iniwan? Minsan rin maiisip mo, paano kapag hindi naging kayo? Paano kung pinigilan niyo sarili niyo? Paano kung nakuntento kayo na magbestfriends lang kayo? Paano kung hindi kayo umamin sa isa't isa. Kung hindi naging kayo, May guy bestfriend ka pa kaya na parating nandiyan? Hindi kaya 'to mangyayari? Hindi ka ba masasaktan ng ganito? Hindi ka ba niya iiwan?