TOTGA II

0 0 0
                                    

Sabi nila makakamove on ka rin. Sabi nila matatanggap mo rin ang lahat ng sakit. Na matatanggap mo ang lahat ng nangyari sa inyo.

Sabi nila, ilang months or weeks or days ka lang iiyak. Depende kung sa gaano mo siya kamahal at kung gaano karami ang mga masasayang araw na pinagsamahan niyo. Sabi nila ganyan yan sa simula. Bigla bigla ka nalang iiyak. Yung kapag babanggitin yung pangalan niya, kusa nalang nangingilid mga luha sa mata mo. Yung may makikita kang kulay ng isang bagay na paborito niya ay maiiyak ka nalang. Yung tipong maririnig mo yung mga kwento na patungkol sa walking dead at kahit na anong related sa politics eh maiiyak ka nalang. Kasi naaalala mo yung mga paborito niya. Yung kapag may malalaman kang bagong horror movie, naaalala mo siya. Yung mga hilig at pinakaayaw niyang panuorin. Yung kahit na ultimo initials ng pangalan niya ay kapag nakita mo, maiiyak ka nalang. Ganun yun sa simula eh. Madalas kang naiiyak kahit sa mga simple at maliit na bagay na may marka ng pagkatao niya.

Sabi nila, He's not worth it. Na hindi siya worth it sa bawat patak ng luha mo. Na hindi siya worth it sa bawat pagbisita niya sa isipan mo. Na hindi siya worth it alalahanin kung kumain na ba siya o kung hindi ba siya nagpapalipas ng gutom. Na hindi siya worth it alalahanin kung saan siya ngayon o kung safe ba siya parati. Na hindi siya worth it alalahanin kung masaya ba siya.

Sabi nila, dadating yung araw na makakalimutan mo rin siya. Na makakalimutan mo na importante siya sa buhay mo. Na makakalimutan mo na parte siya sa pang araw-araw mong gawain. Na makakalimutan mong alalahanin kung kamusta na ba siya. Na makakalimutan mong sinaktan ka niya. Na makakalimutan mong mahal mo siya.

Sabi nila, dadating yung araw na mawawalan ka na ng pake sa kanya. Yung wala kang pakealam kung okay lang ba siya. Yung mawawalan ka ng pake sa kanya kahit makita mo siya sa corridors ng school niyo. Yung kahit dumaan siya ng ilang beses sa harap mo eh wala ka nang pake.

Sabi nila, dadating yung araw na babalik na ulit yung ngiti sa mga labi mo. Na kahit i-topic niyo siya ng barkada mo eh tinatawanan mo nalang. Yung kahit ilang beses nila banggitin yung pangalan niya at mga bagay na parte ng pagkatao niya eh nginingitian mo nalang. Dadating yung araw na hindi ka na iiyak at genuine happiness na ang makakamtan mo.

Sabi nila, dadating yung araw na hindi ka na magiging bitter. Yung kahit anong quotes ang makikita mo sa Facebook at Twitter eh hindi ka na magiging affected. Yung kahit na isigaw sa harap mo yung pangalan niya eh hindi ka na affected. Yung kahit pagusapan siya ng barkada mo eh nakakasabay ka na. Yung kahit ipapaalala sayo yung mga ginagawa niyo dati eh hindi ka na affected.

Sabi nila, dadating yung araw na tanggap mo na lahat ng sakit at nangyari sa inyo. At kung dumating yung mga araw na 'yan, maiisip mo kung gaano kabait si Lord at tinulungan ka niyang gamutin ang wasak mong puso. Kung dadating yung mga araw na 'yan, cherish it. Be thankful. Be thankful God helped you to mend that broken heart of yours. It's as if a once in a life time moment. Yung tipong makakasabi ka sa sarili mo na it's a success.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Random Thoughts.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon