Sophia's PoV
Hi. I am Sophia Louise Santos Reyes. You can call me Sophie. Only child but definitely not a spoiled brat. Rich. My family owns the Reyes', a company that is known and famous company in the philippines and even in some countries around the world.
**
Nasa kuwarto ako ngayon, nakadapa sa kama at nakaharap sa laptop habang naglolog-in sa twitter.
Tinitingnan at binabasa ko lang yung mga posts ng iba't-ibang tao habang nags-scroll down sa laptop.
Scroll down
Scroll down
Scroll down
Scroll do--
A post caught my eye and stopped me from scrolling the laptop's mouse. Post ni Bea together with our friends. They seems so happy on that picture. Sa Mendiola ata sila nagpunta. Yun kasi ang nakasulat base dito sa caption.
Wala na naman ako dyan. Hayy! f*ck this life. I sighed.
Beep!
Natigil ako sa pag-eemot nung marinig at pumukaw sa'kin ang tunog mula sa cellphone ko.
Dinampot ko ang phone mula sa ibabaw ng bedside table ko at saka tiningnan kung sinong nagtext.
It's Yanne. Tsk. Ano na naman ba ang kailangan ng isang 'to? Pag ito nagtext lang para manghingi ng answer para sa assignment namin, naku! malilintikan talaga 'to sa'kin.
1 messege received
Yanne 💕Helloo Sophieee, may reunion ang H.S. batch naten the day after tom. Sama ka ah. Byeee 😘 iloveyouuuu.
Haist. Si Yanne talaga! Aware naman siya na di ako papayagan ni daddy na umattend dun eh. Hayy mareply-an na nga.
Compose messege
To Yanne 💕I'll try
messege sent!
Anyway, Yanne is my cousin at tumatayong best friend ko narin. Magkapatid ang mom naming dalawa. I must be very lucky kasi may pinsan akong kagaya niya. She can somehow make me smile whenever I'm sad. She's loud, cheerful, jolly, and so optimistic in life. Minsan 'di ko maiwasang hilingin na sana kagaya niya, walang iniisip na problema.
Tsk. life is not fair nga naman.
My dad is so strict. He keep on reminding me that I must act responsibly for the sake of the Reyes' image. Kaya, ito ako ngayon, walang kalayaan. Hindi nga ako lumalabas ng bahay pag walang klase eh. Ni hindi ko nga naranasang magpatentero at makapaglaro ng iba pang larong kalye. F*ckin life._The next morning_
7:50 na ng umaga ng magising ako. Bumangon na ako't dumiretso sa banyo na sa loob din ng kuwarto ko upang maligo.
Pagkatapos kong gawin ang mga seremonyas ko sa kuwarto ay bumaba na ako para kumain. Sabado ngayon kaya wala akong pasok sa school. I'm currently a first year college student and taking up Agricultural Business Management at Ateneo de Manila University. Yun kasi ang gusto nila mommy't daddy dahil para daw sa company namin. Hayy! I still prefer BS Bio pero sino ba naman ako para mag-oppose sa gusto nila 'di ba? Sila ang gumagastos sa 'kin.
Okay. Back to present. So ayun nga. Nang makababa na ako ay nakita ko si mommy na 'di magkandaugauga sa paghahanda ng mga pagkain sa lamesa.
Anong meron? Ba't andami naman yatang pagkain? Tanong ko sa sarili ko.
Di ako agad napansin ni mommy dahil busy nga siya sa ginagawa niya, kaya nagsalita na 'ko.
'Good morning mom.' bati ko kay mommy
Lumingon si mommy sa direksyon ko.
'Oh good morning too darling, gising kana pala.' Sagot ni mommy habang patuloy parin siya sa ginagawa niya.'Umm, mom. Bakit andami pong pagkain?' Sa pagkakaalala ko kasi di ko naman birthday at mas lalong hindi birthday mommy't dadd---
'We'll be having a visitors later this morning, anak. So better get back upstairs and fix yourself'.
Eh?
'Ah okay lang po mommy, tulungan ko na muna kayo dyan para mabilis matapos'. prisinta ko.
Akmang hahawakan ko na ang isang plato para tulungan si mommy nung magsalita siya.
'Oh no no. Ako na dito, anak. Patapos ko na nga eh. Magbibihis na din ako after this. Paparating na din kasi sila. Actually, sinundo na sila ng daddy mo sa airport.Sila? airport?
'Okay po'. Tugon ko kay mommy. Hindi ko nalang tinanong kung sino-sino ang mga paparating na bisita. Sanay naman na ako na palaging may bisita dito sa bahay. Businessman/woman kasi si daddy't mommy kaya di malabong ang paparating na mga bisita mamaya ay ilan sa mga business partner din nila. Pero ang ipinagtataka ko lang ngayon ay bakit kasama pa ak---
'Ah Sophie, anak' napalingon ako kay mommy ng magsalita ulit siya.
'Yes mommy?'
'Wear something casual ha.' Huh?
'Sige po' sagot ko.
fast forward
Nakaupo na ang lahat at nakaharap sa pagkain. Nagkaroon muna ng sandaling katahimikan nung una. Pero 'di narin 'yon nagtagal dahil agad na nagsalita si daddy.
'Uhhm, it's our pleasure to have your presence here in our home, Mr. Romualdez and your family'. Pormal na sabi ni daddy.
Is it just me? o talagang totoong ang wierd ng atmosphere sa pag-uusap ng pamilya namin sa pamilyang Romualdez. Isama mo pa 'tong lalaking nasa harapan ko panay sulyap sa direksyon ko. Anak siya nung Mr. Romualdez.
'It's our pleasure also to be here, Mr. Reyes. Akala namin matatagalan pa bago kami makapagpamahika--
*cough* *cough*
To be continued
----
Hihi. Hey guys. So how was the chapter 1? hahaha. Hope you liked it.-apple