Revenge #6

18 2 0
                                    

Jhaiz's POV

'Damn! ang tanga mo talaga Jhaiz. Napakabagal mo talagang kumilos.' Sabi ko sa sarili ko habang tumutungga ng alak sa bote. Nandito ako ngayon sa 7-11 at umiinom. Tang *na. Iniwan na nila akong lahat. Letche! Una si Papa ngayon naman sila Mama at si Nami ko. Haist! Kasalanan ito ng Taong yun eh!

Tumayo ako at nagpunta sa chapel na malapit lang dito. Umupo ako sa sahig ng chapel at lumuhod. Nag sisigaw sigaw ako duon at tinatanong kung bakit sila pa ang nawala saakin. Alam kong pinagtitinginan na ako ng mga tao ngayon pero wala akong pakialam sakanila. Tang *na hanggang dito sa simbahan nag chichismisan sila. (A/N: Nag salita ang hindi nagmumura habang kinakausap ang diyos) Tsk! manahimik kang author ka di mo to eksena! (A/N: Edi Wiw Jhaiz hahaha!) Tsk. baliw na author!

Bigla akong tumahimik at umupo sa upuan. Magdadasal na ako ng seryoso ngayon.

[ Minute's Later ]

Umalis na ako sa simbahan pagkatapos kong magdasal. pupuntahan ko pa si Rhaine ngayon sa Ospital. Nakita kasi namin siya na walang malay duon sa Cabinet. Akala namin ay may kung anong nangyari sakanya yun pala pinatulog siya ni Mama para di malaman kung ano ang mangyayari.

Tinanong ko kung nasan ang hospital room ni Rhaine sa Nurse na nagbabantay duon sa hallway. Nasa Room 0917 siya sa fourth floor. tsk! Ang layo naman. Sumakay ako ng elevator at pinindot ko ang fourth floor. Haist. Pagkadating ko duon agad kong hinanap ang Room number niya. Room 0915. Room 0916. Room 0917. Aha! Huli ka. Agad kong binuksan ang pinto at nadatnan duon si boss klaize at si Rhaine nag uusap.

Lumingon sakin si Rhaine na umiiyak. "Kuya talaga bang patay na sila Mommy at Ate Nami?" Tanong habang humihikbi.

Ngumiti lang ako ng tipid sakanya. Pero yung mga mata ko halatang malungkot. Humatak ako ng upuan at tumabi sakanya. Hinawakan ko ang kamay niya at sinabing.. " Oo wala na sila"

Rhaine's POV

Ngumiti lang ng tipid si kuya at kumuha ng upuan. Yes tama kayo 'kuya' na ang tawag ko sakanya at hindi onee-chan napapagod na daw kasi si Miss author mag type. (A/N: O-oy hindi ah! Binubuking mo naman ako sakanila eh. hahaha)

Pinakatitigan ko si kuya halatang hindi niya tanggap. Ano ba kasi ang dahilan niya kung bakit pa siya umalis ng bahay eh alam niyang gabi na. Haist. Kanina pa. Kanina pa tumutulo ang luha ko. Kanina ko pa pinipigilan pero nakakatakas parin.

Hays. Ano ba kasi ang nangyari? Ang alam ko lang kasi nun nagbrown out at inutusan ako ni Mommy na kumuha ng kandila sa kusina kaya sinunod ko. Pero nung babalik na sana ako nang biglang may humawak sa leeg ko at nakatulog na ako.

Hinihintay ko ang sasabihin niya sakin. Kailangan ma comfirm ko. "Oo wala na sila."

Umiiyak na si kuya nung sinabi niya 'yan. Ako naman niyakap lang si kuya at umiyak. Nakakainis. Wala man lang akong nagawa para kay mommy at Ate. Kumalas sa pagkakayakap si kuya at hinaplos ang pisngi ko "Wag kang mag-alala Rhaine andito na si kuya. Ililigtas ka okay?" Tumango tango na lang ako habang pinupunasan ko yung luha ko gamit ang kamay ko. Teka. Pano ba sila namatay?? kanina nung sinabi ni kuya na patay na sila gusto ko yung tanungin pero 'ndi ko magawa. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Ewan ko ba kung bakit.

"kuya si Sir Klaize ng- " Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi sumingit bigla si kuya. "I know sakanya ka nag-Apply para sa trabaho mo diba?" Tumango lang ako bilang sagot. "Boss ko rin siya. Sakanya kasi ako nagtratrabaho."

"Talaga?!" Tanong ko. Yes! ibig sabihin makakasama ko rin ang kuya ko. Tumango lang siya. Yes.

Nabawasan rin kahit kaunti ang mabigat na aura na nandito sa Hospital room dahil sa sinabi ni kuya. Pero hindi pala pang matagalan dahil nag-'ehem' si Sir Klaize. At nagsalita.

"Uhmm. Jhaiz can we talk." Tumingin sakin si Sir Klaize at nag salita ulit. "Privately." Tumango lang si kuya. Mukhang seryoso silang mag uusap ah. Private eh.

Tumayo na si Sir Klaize at lumabas. Ganoon din ang ginawa ni Kuya. Bastos din eh. Hindi man lang nagpaalam deresetong labas lang. Napabuntong hininga ako. Hays. Mag-isa na naman ako dito. Ang boring. ≈___≈

Third Person's POV

Nakatiim ang bagang ni Klaize habang naglalakad papuntang parking lot. Habang si Jhaiz naman kanina pa nanginginig sa takot. Nakita niya kasi kanina kung paanong Walang buhay ang mga mata nito at handa nang pumatay. 'Sana naman hindi ako patayin ni tito nito' Dasal niya sa kanyang isipan.

Huminto sa paglalakad si Klaize at ini-relax ang sarili niya. Kanina nung nasa Hospital room pa siya ng Anak niya. Nagtitimpi lang siya na sabihin ang totoo sa Anak niya. Na siya ang tunay niyang Ama. Nag pasalamat na lang siya dahil biglang dumating si Jhaiz at ito na ang pinagtuonan ng pansin ni Rhaine at hindi siya.

Sumakay na sila ng kotse ni Jhaiz at pumunta ng HQ [Head Quarter]. Nagpatawag siya ng meeting kanina nang mabalitaan niyang patay na ang kapatid niya at Si Nami na Gf ni Jhaiz. Nakakatiyak siyang sila na lang ni Jhaiz ang inaantay para masimulan na ang meeting.



[Under Ground Head Quarter]

"The Report" Sabi niya nung Pagkapasok na Pagkapasok pa lang niya. "Inatake ng mga kalaban ang HQ natin sa palawan" Report ni Zhyre na siyang namamahala sa nasabing lugar. Siya ang inatasan Duon dahil Sakanyang bussiness. Siya lang naman ang Namamahala sa madaming Beach Resort sa Palawan at pati na rin sa ibang bansa. Ito ay sa kadahilanang Sakanyang Ama. Ang kanyang Ama kasi ay Navy ng Pilipinas. Namatay kasi ito sa Gyera nuong Pitong taong gulang palang siya.

"Pati rin po sa Amerika boss" Sabi ni Rance. Siya kasi ang Inatasang mamahala sa Amerika. Hindi dahil sa may lahi siyang Amerikano kundi Dahil sa Connection nito sa Gobyerno. Retired U.S Army kadi ang kanyang Ama. At siya naman Ay kilala sa Bussiness. Hindi Man siya katulad ng Ama niya pero may namana naman siya galing dito. Ang mag Defused ng bomba.

"Sa Bataan din po Boss" Ani ni Yeri. Siya naman ang inatasang mamahala duon dahil sa pagiging probinsyano niya. Nang Pumunta kasi siya ng Maynila para magtrabaho. Ngunit nung isang gabi habang nagtratrabaho siya sa Bar bilang isang waiter may nakaaway siya sa kadahilanang Mali lang na table ang naglagyan niya ng Alak kaya sinuntok siya ng mga ito. Lumaban siya at nakipag suntukan rin. Nabugbog siya nung gabing iyon pero nagpasalamat siya dahil may tumulong sakanya. Dinala siya nito kay Klaize at sinabi ang potential niya. Nag offer si Klaize na sakanya at ang kapalit nuon ay pera para sa mga kamag-Anak na nasa Probinsya. Agad niya itong tinanggap. Simula nuon Nagpapadala na siya ng pera sa kanyang kamag anak at may sarili na silang lupa. At sakanya naman madami siyang natutunan na move dahil sa itinuro ni Klaize sakanya.

Hinilamos ni Klaize ang kanyang kamay sa mukha niya at umupo. "May mga namatay ba?" Tanong niya sa tatlo. "Opo boss pero nag-alay na kami sa mga namatayan ng tig-iisang milyon" Ani ng Tatlo. Tumango tango nalang si Klaize at Nag isip. 'Kailangan ko ng sabihin ang totoo kay Rhaine' Ani niya sakanya isip. Natatakot kasi siya na baka pati rin ang Anak niya ay madamay sa nangyayaring ito.

Tinawag niya si Jhaiz at sinabing aaminin na niya amg totoo pagkatapos ng libing. Tumango ito at nag sindi ng sigarilyo.

'Ano kaya ang nasa isip ni boss ngayon' bulong ni Yeri sa katabi niyang si Jay. 'Aba malay ko 'di naman ako manghuhula eh' Sagot ni Jay at kinuha ang Kinakain na V-cut ni Yeri. Babatukan na sana ni Yeri si Jay dahil sa ginawa nang biglang tinawag siya ni Klaize. Agad itong lumingon at inintay ang sasabihin. "Investigate the friend of my daughter" Tumango lamang si Yeri at kumuha ulit ng V-cut. Tumingin naman si Klaize kila Mark at Jay na kanina pa ang hahampasan ng Balat ng V-cut kaya agad tumigil ang dalawa sa paghahampasan dahil inakala nilang papagalitan sila. "Alamin niyo lahat ang nangyayari sa mga HQ natin" Ani ni Klaize at Uminom ng Alfonso I sa baso. Nagtatakang itinuro ni Mark at Jay ang kanilang sarili at sabay nilang sabing "Kami boss?" Umingos lang si Klaize at linunok muna ang Alak bago nagsalita. "Ay hindi si Fice yung dalawa." Nagtawanan ang lahat pwera lang sa dalawa na nagkakamot ng ulo nila. Si Fice naman ay Napailing na lang na siyang Napakatahimik sa Grupo. 'Nadamay nanaman ako sa kalokohan nila boss.' Ani ni Fice at sarili at Uminom rin ng alak.

Revenge of the Mafia Heiress (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon