This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. An resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidential.
[De joke, this is based on a true story. It's actually MY story. NAKAKAHIYA HAHAHA.]
Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.
-
Meron nga pala akong pinsan.
Pangalan niya ay Yel.
Kami'y nag-aasaran nagtatawanan,
At nagdadrawing sa papel.
Siya ang pinakaclose kong pinsan.
Kahit kami'y nagkakapikunan,
Nagtatampuhan at nagsisiraan,
Alam naming walang iwanan.
Ngunit unti unti kong nararamdaman,
Siya na pala ang nangiiwan.
Hindi man ito sa pisikal o kung ano man,
Naiwan niya na ko sa kagandahan.
Siya nalang palaging pinupuri,
Sa buhok, sa muka o sa damit.
Pero ito ako, nasa kanyang tabi.
Nakatayo lang, at nakangiti.
Hindi naman sa pangit siya,
Pero bakit kasi ako, wala?
Bihira lang akong sabihan ng maganda,
Putek lang, katawan ko na nga pangrampa!
Isang araw narealize ko nalang,
Mas matanda siya kaya siya ang lamang,
Mas palaayos siya, ako manang.
Kung siya nagmamake up, ako wala lang.
Nakita ko na ang imperfections ko.
May pimples nga pala ang mukhang 'to
Ang laki pa ng nostrils ko.
Dagdag mo pa 'tong buhok ko.
Palaayos rin naman ako,
Kaso nga, trying hard masyado.
Sinubukan kong magmake up rin,
Napagtawanan ako imbis na puriin.
Oo, maganda ako manamit.
Kaso, 'di type ng mga tao sa paligid.
Kung siya girly, ako ragged.
Kung siya pink, ako naman, red.
Hindi lang yun ang kinaiinggitan ko,
Pati na rin ang mga manliligaw nito.
Sandamakmak ang nagkakagusto,
Sa kanyang pananamit at ang mukha nito.
Eh kung ako, ni isa wala.
Palagi nalang akong binabalewala.
Paano nalang pagmuka ko lumala.
Edi nawalan na rin ako ng mga kasama.
Alam kong hindi sa itsura ang basehan,
Pero kasi hindi ko talaga maiwasan.
Hindi ko mareach ang kanyang kagandahan.
Hanggang dito nalang ako sa ilalim ng hagdan
Araw-araw, lagi kong sinusubukan,
Na magbago na at paniwalaan,
Ang fact na siya ang laging lamang.
At ako naman ay mukhang marang.
Hindi niya alam na gumagawa ako ng storya,
Nakakahiya, lalo na't tungkol sa kanya.
Pero kung nabasa mo man 'to, ate ****,
Pinsan kita, at wala kang ginagawang masama,
Kaya naman mahal na mahal kita.
At para sa mga nakakarelate dito,
Sa classmate man o sa kapatid mo,
Mapa pinsan o kapitbahay mo,
Tara, usap tayo, para parehas tayong magbago.
Tigil-tigilan na natin ang kalokohang 'to,
Kasi sa totoo lang, umiiyak na ko.
Hahaha hindi, wala lang 'to.
Sanay na ko magmukhang pato.
-
END..?