Kenneth's POV
Kasama ko ngayon si Katerina dito sa SM North.. Dito gusto nya eh. Pinagbigyan ko na birthday nya naman eh.. Halos lahat ng shops dito sa mall pinasukan na namin di padin sya napapagod pota. Walang pagod talaga tong babaeng to pagdating sa shopping. Habang ako gutom na.. Siguro nilulubos nya na kase ako yung nagbabayad.. Minsan ko lang kase to nililibre eh hahaha!
'Oy Babae kumain muna tayo!!' Sabi ko
'Eh kuya naman eh.' Aba naangal
'Bilis na halika na! Dun tayo oh! Sa Burger King' hinila ko sya punta sa BK para di na sya umangal hahahaha!'Ano gusto mo?'
'Gusto ko yung nuggets hehe tas onion rings' tamo pati sya gutom din pala..
'Ge hanap ka na ng uupuan natin oorder na ko bilis!''Sir ano po order nyo?' Aba kinikilig pa tong nasa counter hahaha! Ang gwapo ko talaga hays..
'Uhmm.. Isang Nuggets tas dalawang onion rings then isang whooper' sabi ko.. Kinikilig padin tong babae hahaha
'Ano po drinks sir?'
'Coke zero and Minute Maid'
'dine in or take out?'
'Dine in' hinintay ko lang ung order namin.. Tas mabilis naman hinanap ko agad kung nasaan si Katerina. Nakita ko naman agad sya na may kausap na LALAKE!? SINO NAPORMA SA LIL SIS KO BAWAL TO!
'hoy ikaw! Sinong nagsabe sayo na pwede mong lapitan tong lil sis ko!??'
'Chill ka lang bro ako lang to si James Hahaha!'
'HUTA IKAW LANG PALA KALA KO MAY NAPORMA NA DITO SA LIL SIS KO! tabi nga!'
'HAHAHA ge oorder muna ko ah dito nalang din ako ayokong maging lonely baka dumugin pa ko ng mga babae' sabay kindat napaka feeling talaga netong lalakeng to tss
'Kuya Btw ininvite ko si ate krishna ah!'
'Okay' naka poker face kong sagot wala naman akong pakielam dun sa babaeng yun eh dami dami kong chicks tss.***
Katerina's POV
Nakauwi na kami ni kuya sa bahay kase maghahanda pa kami for my party. Ako lang magmamakeup sa sarili ko and ako lang mamimili ng susuotin ko.. Sa Bar naman kase gaganapin ang party ko eh.. Naka reserve na ung Vip area nung bar for us.. Pili lang din ang ininvite ko.. Maya maya magiistart na yung party kaya kailangan na namin pumunta sa Bar dun sa Quezon ave.Pagdating namin sa bar ok na lahat iniintay nalang yung mga guest. Maya maya dumating si Kuya Mark at Ate Yassi kasama si Ate Rose ang sumunod si Kuya James at Kuya jacob kasama sila Kuya Kevin at Kuya Francis.. Maya maya dumating na si Ate Krishna at yung ibang Guest.. May kasama si Ate Krishna na Guy sino kaya yun? Nung nakita kami ni Ate Krishna lumapit agad sya samin.
"Hello Kat Kat! Eto oh Gift ko" inabot nya sakin yung isang malaking box tas agad kong punakuha eto sa Maid namin. "Ate Krishna sino sya?"
"Ahh eto nga pala Boyfriend ko.. Si Ivan" wait? Boyfriend nya? Bale di nya na gusto si Kuya? Hahaha! Kawawang kuya..
"Ahh wala naman yatang MAGSESELOS eh" diniinan ko yung pagkakasabi ko ng Magseselos para kay kuya hahaha!
"Hay nako Kat ientertain mo na yung iba mong guest bilis haha! And saan pala kami uupo?" Sa bubong ate try natin haha!
"Duon sa dulo ate malapit sa stage" nginitian ko sya tas Ina-assist papunta dun sa Table nila.. Ilang segundo tinawag nadin ako nila mom kase magspi-speech ako.. Parang kinakabahan ako ewan ko kung bakit. Maya maya pinaakyat na ko sa stage nila Mom for my speech.
"Hello guys. Thank you for coming. Even na yung iba may pasok nagleave or absent sila para lang dito.. I would like to thank my Parents for this night kase kung hindi dahil sakanila hindi ako makakapagcelebrate ng ganitong party. Even tho na brat ako mahal na mahal nila ako.. Especially my Big brother kuya Kenneth. This night should be memorable beacuse next year i won't Celebrate my birthday here in the Philippines cuz I'm going to the states for Good but magbabakasyon din naman ako dito kahit papano. And my Wish for my birthday is sana Lagi kaming safe ng love ones ko. Sana makapagtapos ako sa pagaaral ko. Yun lang yung wish ko so let's enjoy the night!"
'Mom? May sasabihin pa kayo sakanila?' Sabi ko kay mommy na nasa likod ko
"No wala na" nginitian nya ko. A weak smile. Ewan ko kung bat nagkakaganyan ngayon si mom may problema kaya? Hays ienjoy ko nalang yung party.
.
Agad kong pinuntahan sila ate Yassi kase gusto ko talagang makaclose si ate Yassi. Ang bait nya kase tyaka ang Ganda nya. Magkalevel kami joke haha!
"Hello guys! Ok lang ba kayo? Do you guys need something?" Sabi ko
"Ah of course we're fine, we don't need anything tatawagin nalang namin yung waiter kung meron man puntahan mo yung kapartnership ng Parents mo oh mukhang hinahanap ka nila"sabi ni ate yassi. Ang bait nya talaga sheeems! I wish i could have a sister like her. Pero ok na ko kay kuya mabait naman sya eh HAHHAA!
.
Pinuntahan ko sila mama at binati sila.
"Hello tito Rick and Tita Sharlene"nginitian ko sila at nginitian naman nila agad ako pabalik.
"hello ija. How's the party?" Sabi ni Tita sharlene
"Tita ako dapat magtanong nyan sayo. Ano po tingin nyo sa party? Ok lang po ba?"
"Yes it is fine actually it's great i wish Daniel is here. Kaso ayaw sumama eh sayang" sino si Daniel?
"Tita who's Daniel? Anak nyo po ba sya?"
"Hahaha! Yes he is my son i wish you two could meet"
"Tita we could meet anytime saang school po ba sya?"
"Kaparehas mo lang sya ng school" what!? Nasa school lang namin sya!?
"Wae? Sige tita if makita ko sya im gonna make sure na magiging close ko sya"nginitian ko sila tyaka umalis di na ko nag babye alam naman nila na may iba pa kong guest eh hahaha! Ang bad girl ko naman kaiyak chos haha!sino kaya si Daniel? Hmm...
