"Time of Death: 11:11pm."
"H-Hindi... Hindi yan totoo! Hindi pwede! Buhayin nyo sya Dok! Yun ang trabaho mo dba?! Gawin mo yung trabaho mo!"
"Anak, tama na..." pigil sa akin ng aking ina.
Pilit kong nilalapitan ang lalaking nasa kama na ngayon ay nakatalukbong na ng kumot.
"Ma'am, hindi na po pwede." sabi ng nurse sa akin.
"Hindi! Saglit lang pwede?! Saglit lang! Kahit isang minuto lang! Saglit lang!" pagpupumilit ko sa mga taong humaharang sa akin.
"B-Babe? Gumising ka na jan.. Hindi na nakakatuwa yung joke nila eh.. Babe naman! Magpapakasal pa tayo diba? *huk* Dba? Pangako mo yun sa akin eh... Magpapakasal pa tayo.." sabi ko kay Ryan ng makalapit ako sa kanya. Pero kahit anung pilit ko, hindi na sya sumasagot sa akin...
Niyakap ko siya ng mahigpit... Mahigpit na mahigpit... Dahil alam kong ito na ang huling minuto naming dalawa... Dahil iniwan na niya ako kasabay ng forever niya...
● ● ● ●
"Congratulations Ms. Alvarez! Best seller na naman ang iyong bagong libro!" bati sa akin ni Mr. Lopez, ang may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko. "Marami ka na namang napaiyak dahil dito." dagdag pa niya.
"Thank you Sir. Asahan ninyong mas gagalingan ko pa po sa susunod." Nginitian ko siya sabay tayo at kinamayan ang isa't isa. "Mauna na po ako Sir." pagpapaalam ko sa kanya.
"Sandali lang Ms. Alvarez."
"Sir?"
"Okay. Look, gusto ng mga big boss ng kompanya na magkaroon ka ng book signing. Maari mo bang pag-isipan ng mabuti ang isang ito? Simula ng dumating ka dito ay kitang kita na ang potensyal mo. Tatlo sa mga libro mo ang best seller. Tatlong beses ka na rin nila inaalok para sa isang book signing. Huwag mo sanang sayangin ang isa pang pagkakataong ito." ani niya.
"Pero sir, Alam nyo naman na sa simula pa lang po ay ayoko pong makilala ako ng mga tao."
"Kahit na Gwen, ang oportunidad na katulad nito ay hindi dapat pinalalagpas. Pati pagbibigay mo na rin ito ng pasasalamat sa mga taong tumatangkilik sa istorya mo, dba?"
"Sige Sir. Pag-iisipan ko po nang mabuti. Salamat." pagkatapos noon ay lumabas na ako sa kanyang opisina at dumiresto sa opisina ko.
Katulad ng nabasa ninyo kanina, ang pangalan ko ay Gwen Alvarez. Isa akong writer o manunulat sa isang sikat ng kompanya dito sa Makati. Halos tatlong taon na din akong nagtatrabaho dito. 19 years old ako ng magsimula ako. Noong una ay ayaw pa nila akong tanggapin dahil hindi pa ako tapos sa kolehiyo noon sa kurong Business Management. Isa rin yun sa dahilan kung bakit ayaw nila akong tanggapin. Wala akong background sa pagsusulat. Pero dahil sa pagpupumilit ko, sinabi ni Sir Lopez na magsubmit daw ako sa kanila ng apat na istorya na iba't ibang genre. Hindi naman ako agad nahirapan dahil matagal na akong nagsusulat ng iba't ibang istorya noon kaya agad ko itong isinumite sa kanila. Nagandahan naman sila kaya heto, isa na akong writer nila.
Ang mga librong sinusulat ko ay yung mga tipong walang happy ending - masaklap, nakakaiyak. In short, hindi nagkakatuluyan ang mga tauhan sa aking mga istorya. Wala naman sigurong masama doon diba? Minumulat ko lang ang mga taong kahit anong 'Forever' ang pangako sa kanila ng taong mahal nila, kahit kailan ay hindi iyon totoo.
Sa totoo lang ay nagulat ako dahil kahit ganoon, kinakagat ng mga tao ang aking mga librong sinusulat. Pero sikreto ang pagsusulat ko ng istorya. Tanging si Denise, ang bestfriend ko, ang nakakaalam nito. Kilala ako sa mga libro ko bilang Black Aura. Isa ito sa dahilan kung bakit ayaw ko magkaroon ng book signing. Hindi pa ako handang magpakilala sa kanila - ayokong malaman nila kung kanino ko hinuhugot ang emosyon upang maisulat ko ang mga istorya ko.
Natapos ang buong araw ko ng nakaupo sa aking opisina at iniisip pa rin ang sinabi ni Sir Lopez.
Mga maga-alas singko na ng hapon ng lumabas ako upnag umuwi. Tumutuloy ako sa isang condo sa Makati. Ako lang mag-isa doon. Minsan, dumadalaw yung bestfriend kong si Denise. Siya lang may alam kung saan ako nanunuluyan tutal siya lang din naman ang may alam kung nasaan ako ngayon.
Pagdating ko naman sa condo ay naligo lang ako at natulog.
*RING*RING*RING*
Anak ng tupa! Ano ba yun?! Nasa kasarapan na ako ng tulog ko eh! Bakit ba bigla bigla na lang may mambubulabog?!
"HELLO?!" sagot ko agad sa phone ko.
"GOOD EVENING BES! SOBRANG SWEET MO TALAGA SA AKIN ANO? RAMDAM NA RAMDAM KO SA SAGOT MO YUNG PAGMAMAHAL MO SA AKIN EH. SOBRA." sagot naman sa akin ng bestfriend kong si Denise.
"Kelan ka pa naging sarcastic Denise?"
"Simula ng sinagot mo ako ng pagkatamis tamis mong hello."
"Eh kasi naman! Natutulog yung tao eh. Istorbo ka."
"Whatever. Gusto ko lang malaman mo na alam na nina Pamela at ni Liah kung nasaan ka! Paano? Hindi ko din alam basta ang alam ko lang ay humanda ka sa kanila. KBye. Yun lang tinawag ko. Sleepwell bes. Night."
*tooot*tooot*tooot*
Wait. Wala akong naintindihan sa sinabi ni Denise...
5%
25%
50%
75%
100%
WAIT! ANONG SABI NIYA?! ALAM NA NINA PAM KUNG NASAAN AKO?! Geez! Hindi maari yun! Hindi talaga pwede as in H-I-N-D-I! T.T
![](https://img.wattpad.com/cover/8511709-288-k925191.jpg)