Ikatlong Kabanata

11 0 0
                                    

*DINGDONG*

Nabigla ako sa pagtunog ng doorbell ko. Sino naman kaya yun? Wala naman akong ineexpect na bisita ngayong araw ah?

Nagtungo agad ako sa may pintuan upang pagbuksan ito..

"SURPRISE!" 

Ako? Ayun. Yung panga ko nasa sahig na. 

"Okay. Gwenny, naiintindihan kong nasorpresa ka masyado pero pasarado naman ng bibig." biglang sabat ni Denny.

"Oo nga Gwen! Di mo ba ako namiss?!" 

That snaps me out. Totoo ba tong nasa harap ko ngayon? Kinurot ko yung sarili ko kaya naman kumunot yung noo nung dalawang nasa harap ko ngayon.

'Aray! Sht. Totoo nga 'to?!' 

"Sira ulo talaga 'to. Totoo kami noh! Anong akala mo panaginip to?!"

"Ohmyghaaad! Namiss kita Pamela! Sobra!" patakbo akong pumunta sa kanya tsaka yumakap.

"GWENNNY~ Namiss din kita! Tagal nating di nagkita!" bati din sa akin ni Pamela. Oo. Si Pamela po. Hindi kayo nagkakamali.

"T-teka, hindi ka ba galit sa akin?" 

"Ha? Bakit naman ako magagalit sa'yo? Dahil ba sa hindi mo pagpaparamdam noong huling tatlong taon?"

"Oo."

"Well, sa totoo lang nagtatampo ako. Pero kung titignan, may dahilan naman siguro kaya ka umalis dba?" 

Tumango ako bilang sagot.

"Mga babae, Baka gusto niyong pumasok sa loob?" sabat na naman ni Denny. Napapansin ko lang, kanina pa sya sabat ng sabat ah!

"Oo Denny eh. Sa'yo tong condo. Sa'yong sa'yo." pang-aasar ko sa kanya pero belat lang niya ang nakuha ko! Nyenyenye! XD

"Teka, bakit nandito nga pala kayo sa condo ko? I mean, akala ko lang kasi magkikita tayo mamaya sa coffee shop?" tanong ko sa kanilang dalawa habang pinaglilipat lipat yung tingin sa kanila.

"Sabi kasi ni Denny, yun daw ang sabihin namin eh."

Tinignan ko naman ng masama ang babaeng manloloko! At ayun! Nasa kusina na, nanghahalungkat pa ng pagkain ko! 

"Pero hayaan mo na. Nasorpresa ka ba?"

"Oo naman! Nung sabihin pa nga lang ni Denny na magkikita tayo, hindi ko na alam gagawin ko eh."

"Gwen, magkaibigan naman tayo dba? Bakit mo tinago?"

Napatungo ako.

"Hindi ko naman gustong itago. Masakit lang para sa akin na maalala pa yun, kaya mas pinili ko munang mapag-isa."

"Tatlong taon, Gwen?"

"Alam kong naging matagal. Pero sa tuwing iniisip ko kasi na uuwi ako ng probinsya at makikita ko kayo. Natatakot na agad ako, paano kung bumalik lahat ng sakit?" Naramdaman kong isa isa ng tumutulo ang mga luha ko.

Nilapitan ako ni Pam.

"Ngayong nakita mo ako Gwen, may sakit ka bang naramdaman? May naalala ka ba?"

Umiling ako.

"Sorry Pamela! Uwaaaaah!" niyakap ko siya. Ugh! Namiss ko ang mga kaibigan ko!

Well, kulang lang kami ng isa pa. Hindi raw kasi makakapunta si Liah dahil nagiging maselan na ang pagbubuntis nito. Nagpasya lang kaming lumabas at magmall kasama si Denny. Nanuod kami ng sine, nagshopping at kumain katulad lang ng mga ginagawa namin nung college.

"Ay Gwen! Oo nga pala. Anniversary nina Zac at Liah saturday next week." balita ni Pamela habang kumakain kami sa isang restaurant.

"Oo nga pala noh? So anong balak ng mag-asawang feeling bagets?" tanung ni Denny habang pasimpleng sumusubo ng pagkain niya.

"Hindi ko pa alam eh. Pero balak kong bisitahin si Liah bukas. Sasama ba kayo?" 

"Ako! Sasama ako! Basta sabihin mo kay Liah yung paborito kong carbonara niya ha?"

"Ikaw talaga Denny. Kita mo namang buntis yung tao ." Natatawa ako dahil hanggang ngayon, carbonara pa rin ni Liah ang paborito niya.

"Okay lang yun kay Liah, Gwen. Simula kasi ng mabuntis siya eh pinatigil na muna siya ni Zac sa pagttrabaho." sagot ni Pamela.

"Pati kilala mo naman si Liah eh. Mainiping tao yun. Gusto nun laging may ginagawa. Kakambal mo yun eh. Bagay kayong magsama. Mga taong walang kapaguran. Tsktsk." 

Inirapan ko na lang si Denny. Alam ko na naman kasi kung saan mapupunta yan eh. Sa trabaho ko. 

"Oo nga pala Gwen. Anong pinagkakaabalahan mo ngayon?" tanung sa akin ni Pamela.

"May pastry shop ako sa may Glorietta. Yun yung unang baby ko. Pat---"

Hindi ko na natuloy dahil umepal na naman ang magaling kong bestfriend.

"Pati isa siyang writer! HAHAHA!" 

"DENNY!" saway ko sa kanya. Ang ingay kasi eh. Alam naman niyang sikreto lang yun!

"Whuut?" pa-inosenteng tanung ni Denny.

"Writer? Nagsusulat ka?" tanung ni Pam.

"A-ah. Oo. Sideline lang naman. Hehehe."

 "Ah."

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain. Pagkatapos noon ay umuwi na rin kami. May gagawin pa daw kasi si Pamela sa ospital. Si Denny naman eh uuwi na kasi baka kung ano pa raw magawa ko sa kanya.

Duuh? Ano bang gagawin ko sa kanya eh baka balatan ko lang naman siya ng buhay! Hahaha! Dejoke lang. Masyadong hard yun teh.

Nang pabalik na ako sa condo eh naisipan ko munang bumili sa store nito sa baba. May coffee shop kasi doon. Balak kong magpuyat upang matapos kahit kalahati yung ginagawa kong manuscript.

Nasa tapat na ako ng glass door nito. Bubuksan ko na sana pero may palabas kaya pinauna ko na.

Pinagsisisihan ko ang pagpunta ko doon.

Sana hindi na lang pala. 

The Writer And The StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon